Someone's P.O.VKanina ko pa sila sinundan. Pasado alas-siyete nang gabi ay nandito na rin ako sa pinuntahan nila.
Hindi ko maatim, bakit sila nagsasama? Gayong hindi pa nila lubusang kilala ang isa't isa?
Tumago ako sa bandang gilid ng puno para hindi nila ako makita. Alam ko kasing malakas ang kanilang pakiramdam.
Ang kanilang awrahan ay nakakapangilabot. Nakakatakot, sa maamong mga mukha nila, aakalain mong hindi sila mamamatay tao. Kilala ko sila.
Nabaling ang atensyon ko muli sa kanila, nakita kong pumasok na sila sa loob ng Dromana.
Gamit ang teleskopyo ay pinagmasdan ko sila. Dahil transparent nmaan, madali ko lang makikita kung ano ang mga ginagawa nilang kilos.
Bumili muna ako ng soda at tinapay dahil gutom na ako.
Lumipas ang isang oras, nandito pa rin ako habang nakatayo. Naubos ko na ang pagkaing binili ko. Kinuha ko muna ang telepono at tinawagan ang numero.
"Ano na balita." (Sa kabilang linya)
"Negative." Saad ko habang kunot ang noo.
"Ano?! Humanap ka nang ebidensya para mapatunayan natin ang lihim na tinatago nila!" Bulyaw ng lalaking kausap ko.
Maging ako'y naiirita na rin sa trabahong 'to. Bakit ba kasi.
"Yes, sir." Sumang-ayon na lang ako sa kanila.
Sinulyapan ko muli sila. Teka... Bakit ang lapit niya sa babae? Maghahalikan ba sila? Takte naman oh!
Oh... Teka, teka, may papalapit na isang matanda. May sinasabi ito pero hindi ko malaman kung ano.
Bumalik na sa pagkaka-upo ang lalakk dahil lumapit naman ang isang matandang lalaki sa babae.
***
(Two hours later)
Naririnig ko ang kidlat at dagundong ng kulog sa kalangitan. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa pagod na naramdaman ko ngayon.
Teka...
Umuulan ba?
Shit!
Nakatulog ba ako?
Naku! Patay ako kay boss!
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko, laking gulat ko na lang nang hindi ko ito ma iumlat. Bakit?
Tatayo na sana ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa magkabilang paa. Shit!
Anong nangyayari ? Bakjt 'di ako makatayo at makakita?
Ginalaw ko ang kamay ko at napagtanto kong nakagapos ako. S
"Sinong gumap-"
"You finally awake."
Nakarinig ako na boses babae. Hindi kaya...
"Nah, you should hide better."
Sa pagkakataong ito, lalaki naman ang sumalita.
"Pakawalan n'yo ko dito! Takte! Kilala ko kayo at bistong-bisto na kayo. Kaya huwag na kayong magpanggap pa!" Bulyaw ko sa kanila.
"Ahhhhh!!"
Napasigaw ako nang malakas dahil naramdaman ko ang matigas na bagay na hinataw sa mga paa ko.
"You better shut your mouth." Sabi ng babae.
"Ikaw, HAHAHA! Ikaw si Maggy! Akala mo ba, ninyo na hindi ko kayo kilala!? Pwes nagkakamali kayo! HAHAHA!"
"'Told you, shut your fu*king mouth!"
"Ahhhhh!!!!"
Muli nanaman hinataw sa akin ang matigas na bagay. Ngunit sa pagkakataong ito ay sa ulo ko naman tumama. Halos mahilo ako sa aking naramdaman.
"Isa kang demonyo!"
Biglang natahimik sila, kaya naman humalakhak muli ako. Alam kong delikado ang trabaho ko, kaya naman marami na akong plinano na mga bagay-bagay. Sinusundan ko kasi ng delikadong tao.
"HAHAHAHA!" Ano at hindi kayo makapagsalita?
"AHHHHH!"
Sunod-sunod na palahaw ang kumawala sa aking bibig dahil sunod-sunod rin ang mga palo, hataw. Ngayon ay pakiramdam ko'y sabay nila akong pinapatay.
Naaamoy ko na rin ang baho at malangsang dugo na tumatama sa ilong at bibig ko.
At sa pagkakataong magsasalita sana ako ay...
"Ang mama mo Maggy. Alam ko kung sino siya-"
"Ahhhhhhh!!!!!"
Isang malakas at matigas na bagay ang tumama sa aking ulo dahilan para hindi ko na maipagpatuloy pa ang sasabihin ko sana kay Maggy.
Bago pa ako mawalan nang ulirat ay narinig ko pa ang nakakapangilabot na halakhak ni Maggy.
Here's the latest update on my story. Hope you enjoy, Happy day coffeereaders.
![](https://img.wattpad.com/cover/318729476-288-k631861.jpg)
YOU ARE READING
I'm your ruthless killer!
HororThis is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events and incidents are either the product of the author's. Imagination or used in a fictitious manner any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...