Maggy P. O. V
The sky is getting darker and darker. I couldn't help but to worry. Nasaan na sila Louiz at Harisson?
Maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa puson. Bakit ngayon pa kasi ngayong madilim na sa labas?
Kahit masakit pa ang tagiliran ng tiyan ko, sinubukan ko pa ring tumayo. Nang makatayo ako ay dumungaw ako sa bintana. Doon ko nasilayan ang madilim na kalangitan. Biglang umihip ang hanggin dahilan para magsitaasan ang balahibo ko.
Lumabas ako para maghanap kung saan puwedeng mag pee. What the hell at ngayon pa 'ko nakaramdam nito?
Nakakita ako ng medyo sulok na may matataas na damo. Doon ako nagsimulang umihi.
***
Third person point of view
Nang makarating si Louiz at Harisson, hindi nila nakita si Maggy. Nagtataka sila at nababahala na baka bumalik ang lalaking iyon.
Ilang minuto ang lumipas sa paghahanap kay Maggy. Pareho silang napabuntong-hininga at napaupo sa kahoy.
"Bakit ngayon lang kayong dalawa?"
Kapwa silang dalawa napalingon sa nagsalita. Doon nila napagtanto na walang nangyaring masama kay Maggy.
"Saan ka galing Maggy?" May pag-aalalang wika ni Harisson. Samantalang si Louiz ay tanging naghintay sa sagot ni Maggy.
Humalukipkip naman ang huli. "I got pee. Wala kayo kanina kaya lumabas muna ako dahil nakaramdam ako. Eh kayo, bakit ilang minuto kayong nawala?" Tumaas ang kilay ni Maggy.
"Naghanap kami ng puwedeng makakain natin ngayong gabi. And I found this." Asal ni Harisson sabay labas ng mga kamatis na mapupula."
"Nah." Maikling saad naman ni Louiz.
Inilagay niya lang sa lamesang maliit ang mga kamote na nakuha niya sa gubat.Kapwa nagkatinginan naman si Maggy at Harisson. May binabalak 'ata si Louiz na hindi alam ni Maggy at Harisson. Kumuha kasi ito ng maliit na kahoy at kaunting soil.
Pagkatapos ay lumabas ito, kumuha naman siyang tatlong bato. Ginawa niyang tatsulok ang mga ito, doon ay nilagay niya naman ang maliit na kahoy at kaunting lupa. Pinatong-patong niya ito.
"I'll help you." Biglang wika ni Harisson.
Hindi naman na tumugon ang huli kaya sabay sila at nagtulungan upang makagawa ng apoy.
Nakakita si Harisson na hindi kalakihang bamboo. Alam niya kasi na kapag pinagkiskis mo iyon, at oras na uminit ito, doon ay makagagawa sila ng apoy.
Iyon ang ginawa ni Harisson. Sa umpisa ay mahirap, ngunit habang tumatagal ay umiinit rin ito. Biglang nagkaroon ng kaunting usok hanggang sa ito'y nagkaroon na ng apoy.
Samantala si Maggy ay naghanap naman ng puwedeng patungan at lagyanan sa mga kamote at kamatis. Nakakita naman siya ng malaking dalawang kahoy, tinawag niya si Louiz at pinakuha ang mga ito.
Walang emosyon na kinuha ito ni Louiz. Tapos ay nilagay niya ito sa may apoy banda.Inihaw nila ang kamote. Samantalang ang kamatis ay mas naging malambot. Buti na lang at agad na hinain ni Harisson ang mga iyon dahil ang kapwa si Louiz at Maggy ay hindi alam kung luto na ito. Lalo na ang kamote.
"Pasalamat kayong dalawa nandito ako, kung hindi ay parehong mapait ang kakainin nating kamote. Tsk."
Kumain na sila at nabusog rin sa mga nakuha nilang pagkain.Nang pumasok na uli sila sa loob ng kubo, napagtanto nila na iisa lamang ang higaan. Nagkatinginan silang tatlo.
"I hate mosquito."
YOU ARE READING
I'm your ruthless killer!
HorreurThis is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events and incidents are either the product of the author's. Imagination or used in a fictitious manner any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...