Twenty-three-Butterfly

71 2 2
                                    

"Yes."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang kahapon. Bakit ko ba sinabing oo? Wala sa isip kong sabihin iyon lalo na kay Harisson pa.

Nakahalukipkip ang aking kamay habang nakasilip sa bintana. Iniisip ko kung ano bang magiging reaksyon ni Harisson.

Nang sabihin ko kasi iyon, biglang tumunog ang telepono niya kaya hindi na kami nagkausap hanggang sa ihatid niya ako pauwi saamin.

Its five thirthy in the morning. Umalis na ako sa bintana at nag-ayos na sa sarili. Wala kaming pasok ngayon dahil weekend.

Ilang minuto pang pag-aayos ay bumaba na ako at pumuntang kusina. Nandoon si Mom, naririnig ko ang kanyang pagkanta.

Tumungo na lang ako sa sala at doon ay nakita naman si manang Ysa na abala sa pag-aayos ng gamit ni Mom.

"Good morning, my dear!" Wika ni Mom habang hawak ang pagkaing kakaluto lamang.

"Good morning." I smile towards her.

Tinawag niya ako at kusang pumunta doon ang aking paa. Wala sa loob na napangiti ako matapos isubo ni Mom ang isang kutsarang naglalaman ng adobong baboy---pero, baboy nga ba itong kinakain ko?

"Masarap ba?" Nakaawang ang bibig ni Mom habang sinabi iyon. Halatang hinihintay niya ang aking sasabihin.

"Y-yes po, masarap." Nauutal kong tugon.

"Great! Now, let's eat na. By the way, do you have any plan today? I think we need to go to the mall." She said while preparing the plate.

Magsasalita na sana ako nang tumawag sa aking telepono ang numerong pamilyar. Lumingon ako kay Mom. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa 'kin.

"Sagutin mo na. Baka kung importante 'yan." Nakangit nanamang tugon ni Mom.

"P-po? S-sige po." Dali-dali kong pinindot. Tapos ay bumungad agad sa akin ang boses niya.

"I'm here in front of your house." Walang paligoy-ligoy na wika ni Louiz.

Napatakip ang aking bibig dahil wala naman akong sinabing pumunta siya dito. Did I give him a permission?

"What?" Mahina kong wika.

"Oh, Mr. Louiz! Magandang umaga sayo at naparito ka." Tumalikod ako at doon ko nakita ang lalaking nakasuot ng white-shirt at black slack na bumagay naman sa kanyang katawan.

Teka---

Lumapit ako sa kanya at tinanong kung bakit siya nandito. But the latter ignore me as if I am just a wind. The hell!

Imbis na tumugon siya ay iniwasan niya ako at pumunta kay Mom, sabay bigay nang galang.

"Tamang-tama. Halika at sumabay ka na sa aming almusal."

Narinig kong tinanong ni Louiz kung nasaan si Dad, ngunit sinabi naman ni Mom na maagang umalis dahil may lakad itong kailangang tapusin.

Nang nasa hapagkainan na kaming tatlo, walang kumibo kahit isa saamin. Si Louiz ay nasa kaliwa kong banda, samantalang si Mom ay nakaharap sa amin ni Louiz.

Ilang minuto pa ay binasag ng katabi ko ang katahimikan.

"Diba may lakad tayo Maggy?" Nakangiti niyang wika.

What the hell?! Anong lakad pinagsasabi nito?

"Lakad?" I ask bewildered.

Naramdaman kong sinipa niya ng mahina ang aking binti dahilan para tumingin ulit ako sa kanya.

I'm your ruthless killer!Where stories live. Discover now