15 Friends

451 30 1
                                    

Matapos ang kunting kwentohan sa parents ko ay pumasok na ako ng kwarto ko para makapag pahinga.

Kinuha ko ang phone ko at iniopen ang data wala pa kasing internet sa bahay at kahit naman magpakabit kami wala ring silbi kasi prepaid wifi pa lang naman ang umaabot sa barangay . Kaya nag loload na lang kami parehas din lang.

Agad na nagpop-up angga notification ko.

Chat, email at fb notification.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang friend request na lumabas sa notif ko.

JnielV send you a friend request.

Nagdalawang isip pa ako kung iaaccept ko ba yun o hindi.

Pero nag chat sya.

"Nag send na ako ng request. Sorry I'm not paying attention to my Facebook account hindi ko naman talaga kasi sya ginagamit. I just created it para sa messenger."

Ini accept ko ang request nya.

"Hindi mo ginagamit bakit kasama ang mukha ko sa profile mo?"

Reply ko.

Bigla syang nag video call.

Pero dahil mahina ang signal di ko na inaccept.

Nag chat na lang ako.

"Walang net dito naka data lang ako at mahina signal kailangan ko pa lumabas para sa video call."

Typing sya.

"I miss you. I wanna see you're face."

Natawa ako dun.

Nag selfie na lang ako habang nakahiga sa kama at isenend yun sa kanya.

Nag seen lang sya.

Akala ko di na mag rereply. Pero after a 2 minutes may nag pop-up na notip sa wall ko.

JnielV change his profile picture.

Pag open ko profile picture na yung sinend kong picture.

"Hala bakit mo ginawang profile pic yan ang pangit ko dyan. Tangalin. Mo yan.." Chat ko sa kanya.

"Nope. Ganda mo kaya." Sagot nya.

"Judah!! Mag trabaho ka na nga lang kung ano anong pinagagawa mo."

Kunwari galit ako pero ang totoo kinikilig ako parang teenager lang.

In five minutes binaha agad ng react at comment ang profile pic ni Jude.

Mostly ang comment ay.

"Who is she?"

After another 5 minutes or so nag my day naman sya same picture ang caption #mygirl.

Hindi ko na kinaya pinatay ko na ang data ko.

Bahala sya sa buhay nya.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas uli ako ng silid nagluluto na ng hapunan si mama.

Tinolang manok na native.

"Hala ka ma, kinatay mo ang manok ni papa lagot ka awayin ka na naman nun." Sabi ko.

"Kung sya kaya katayin ko."

"Ate." Agad akong niyakap ng kapatid kong si Klien nanlilimahid pa ito ng pawis dahil kararating lang mula sa pag babasket ball.

"Klien ew bitaw puro ka pAwis kadiri ka kaliligo ko lang."

Tumawa naman sya, at binitiwan ako.

"Miss you te. Mabuti naman naisipan mo umuwi."

Fit into MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon