26 Positive

599 34 3
                                    

Nakita ko kung papanong tila binuhuaan ng malamig na tubig ang babae.

Bigla itong namutla.

"Ipapadala ko na lang yan sa opisina mo kapag na review ko na and please send me a soft copy of that I wanna go over it also. And please pakiayos yung mga reimbursement receipt for the whole year marami akong glitches na nakita. I want it fixed and documented before end if this week. Thank you."

Lalong namutla ito.

"Yes maam." Sagot nito bago mabilis na lumabas ng pinto.

Pagtingin ko kay Jude ang lapad ng ngiti nya.

"Wow. This is the first time na nakita kong nagselos ka. And it feels so good at least ngayon alam ko na hindi mo ako isusuko ng basta basta."

"Masaya ka na?" Sarcastic na tanong ko dito.

"Sobra. I love you." Sabi nya.

Hindi ko na sya pinatulan at nagtrabaho na lang uli ako.
"Bye the way ano ba yung glitches sa reimbursement na sinasabi mo kanina."

"I'm still working on it. Kapag na finalize ko na yung financial report ipapaalam ko sayo. But its a simple matter that I can handle."

"Thank you. That helps me a lot Minsan kasi wala na akong oras to go over it."

"I know. Just leave the simple job to me and you do the hard works."

"Yes Boss."

Nailing na lang ako.

After ng meeting ay sumama sa amin si Tito Niel sa opisina.

Isinara ko ang pinto dahil mukhang may mahalaga syang sasabihin kay Jude. Nakita ko kasing kahit sya ay hindi nya inaasahan si Jude sa meeting. Late na kasi syang nakarating kanina.

"Why you're here?" Tanong nito kay Jude

"Dad hindi ba ako pweding umuwi kung kelan ko gusto?" Sagot ni Jude.

"Oo pwede ka kung umuwi kung kelan mo gusto pero hindi ka pweding umuwi ng walang paalam. Halos magkagulo na ang buong staff mo sa Japan sa kahahanap sayo. Ni hindi ka nila macontact. Ano bang nangyayari sayo.?" Galit na sabi ni Tito.

"Wala dad. Hindi ba pweding umuwi ako dahil gusto ko lang makasama si Clay. Na na miss ko lang yung girlfriend ko. Its our first year anniversary tomorrow dad. And I just want to spent time with her. Hindi ba pwede yun.?"

Shit! Anniversary na ba namin nakalimutan ko. We are planning a celebration for his birthday me and tita Divine pero nawala sa isip ko na anniversary din pala namin yun.

Actually nakahanda na kami ni Tita Divine na pumunta ng Japan bukas. Kasi ang alam namin may tinatapos na importanting bagay si Jude kaya hindi sya makakauwi kaya kami na lang ang pupunta.

"Jude Nielsen. I know you. Don't give me that craft. Kung may problema ka sabihin mo. Wag mo kaming gawing manghuhula. And don't stress out Clay so much. That's not good for the baby." At lumabas na sya ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Jude.

Baby.?

"What baby?" Tanong ni Jude.

"I don't know." Sagot ko.

"Buntis ka?"

"Hindi. Pero. Wait!" Bigla akong nag panic.

Mabilis kong kinuha ang table calendar sa ibabaw ng mesa ni Jude.

"Delayed ako." Nanghihina at pabulong na sabi ko.

Napatulala si Jude. Tumingin sya sa akin.

Then bigla nya akong niyakap.

"Yes! Daddy na ako."

Fit into MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon