14 Home

395 27 0
                                    

Nakaramdam ako ng bahagyang paninikip ng dibdib.

Gusto kong sagutin sya ng oo. Pero alam ko magtatanong sya ng ano? At yun ang hindi ko kayang sagutin.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya na natatakot na ako sa relasyon namin.

Na kailangan ko na ng assurance kung may papupuntahan ba ang relasyon namin o wala.

"Walang problema. Kailangan ko lang siguro ng kunting space."

"Babe you're making me nervous. Please lets talk about it."

Hinawakan ko rin ang kamay nya.

"Pagbalik ko maguusap tayo promise."

At isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang paghalik nya sa aking ulo.

"Please don't give up on me. I need you in my life"

Alam ko at ramdam ko naman yun.

But I still need to hear those wordss.

Dahil yun lang ang magbibigay sa akin ng sapat na lakas para ipaglaban ang relasyong ito.

Makalipas ang dalawang araw ay tuluyan ng bumalik ang lakas ko.

Handa na akong umuwi sa pamilya ko.

Gusto nya sana akong ihatid gamit ang eroplano nya pero hindi ako pumayag.

Gamit ang sasakyang ibinigay nya sa akin bumyahe ako pauwi.

Pagalis ko pa lang ng condo nya alam ko ng may nakabantay sa akin.

Dalawang sasakyan yun isa sa unahan at isa sa hulihan.

Hindi ko na lang pinansin nakasanayan ko na rin kasi.

At isa pa first time ko rin naman na mag drive ng malayo makakabuti na rin na may naka alalay sa akin.

Alam kong si zach ang nasa unahan at si wacky ang nasa hulihan kung ilan sila yun ang hindi ko alam.

Makalipas ang apat na oras na pag dadrive ay nakaramdam na ako ng pagod. Tumigil muna ako para kumain.

Pumasok akong ng isang restaurant.

Hibdi ko nakita kung saan tumigil ang mga tauhan ni Jude.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Zach.

Agad naman itong sumagot

"Ma Clay. May problema ba?" Yun agad ang bungad nya.

"Wala. Nasaan kayo?"

"Ho eh nasa JvD po." Pagsiainungaling nito.

"Zach. Alam kong kasama ko kayo wag ka ng magsinungaling. Kumain na ba kayo?"

Hindi agad bakasagot ang kausap ko.

"Zach"

"Sorry Miss Clay. Sumusunod lang po kami sa utos."

"I know. Ilan ba kayo?"

"Apat po."

"Pahiramin mo ako ng isang Driver. Pagod na ako mag drive. Magpapahinga muna sana ako kaso alam ko kailangan nyo ring bumalik agad ng Manila para kay Jude."

"Ako na lang Ms.Clay. "

"Sige salamat."

Pagkababa ko ng tawag nakita kong palapit na si zach sa sasakyan ko.

Lumabas na rin ako ng restaurant.

"Good Morning Ms. " Bati nito sa akin
"Morning" ibinigay ko sa kanya ang susi at pumasok na kami ng sasakyan.

Fit into MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon