"Our relationship. I want to make it public. Are you ready for it?"
Hindi ako makasagot.
Handa na nga ba ako.?
At naihanda nya na rin ba ang pamilya nya rito.?
"Matulog ka na nga kung ano ano ng pinagsasabi mo. Pagod lang yan. Good night off ko na data ko."
At yun nga ang ginawa ko.
Naging maramot sa akin ang tulog ng gabing iyon.
Kinaumagahan mag iika walo na ako ng nagising.
Pagkabangon ko ay agad kong binuksan ang bintana ng silid ko.
Nakaharap sa kalsada ang bintana kaya kita ko ang labas ng bahay namin at mga dumarang sasakyan.
Sasakyan. Wait.
Bakit ang daming sasakyan sa harap ng bahay namin.
And the blue Lexus isa lang ang kilala kong may ganun.
"Judah...'
Pagbukas ko ng pinto ng silid ko na nakaharap sa sala Jude Nielsen is right there with his lossen tie and white longsleeve with two button that are open.
"Jude." Tawag ko sa kanya.
"Love. Good morning casual na bati nya sa akin.
Nakaupo sya sa sofa at kaharap nya si Papa kapwa sula umiinom ng kape.
"What are you doing here?" Mariin at mabagal na sabi ko.
"Dinadalaw ka."
"Bumyahe ka ng walong oras para lang dalawin ako. Eh kahapon lang tayo huling nag kita baliw ka ba?"
Naglakad ako palapit sa kanya.
Tumayo sya at ibinukas ang kanyang braso asking for a hug.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko agad akong yumakap sa kanya. Nakalimutan kong kaharap pala namin tatay ko.
Agad din kaming naghiwalay.
"Claire." Tawag sa akin ni tatay.
"Po?." Mabilis na sagot ko.
"I know that he already saw you naked pero pwede ba magbihis ka muna. Maraming kasama yang boyfriend mo nakakahiya."
Doon ko lang naalala naka pajama pa pala ako at walang bra.
Pagtingin ko kay Jude namumula sya.
Tinalaban yata sa sinabi ni Papa.
Kasi totooo he alreafy saw me naked.
Pero wait bakit alam nya yun.
Pinalakihan ko ng mata si Jude bago ako pumasok sa silid ko para mag bihis.
Kinuha ko phone ko at ichinat ko sya.
"Anong sinabi mo kay papa.?"
"Sorry yun kasi agad ang itinanong nya bago ako pinapasok ng bahay nyo."
"Anong tanong."
"Kung sino daw ba ako sabi ko boyfriend mo. Tapos sunod na tanong kung isinuko mo na daw ba ang bataan sa akin? Alangan namang magsinungaling ako"
Oh Lupa please kainin mo na ako.
"Judahhhh!!!"
Nag suot lang ako ng bra at maluwag na t-shirt then shorts.
Nasa ganun pa rin silang posisyon. But this time nagkukwentohan na sila at mukhang napapatawa nya na ang tatay ko.
Umupo ako sa tabi ni Jude.
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Kumusta pakiramdam mo. Okay okay ka na?" Nagaalalang tanong nya.
"Of course."
"Sabi kasi ni Zach namumutla ka daw kahapon kaya nagalala ako."
"Kaya ka sumugod dito."
"Guilty as charges." Sagot nya.
Lumabas ng kusina si mama.
Nakahain na kumain na muna tayo.
"Jude tawagin mo na muna yung mga kasama mo para makakain."
"Naku wag na po. Pagnagutom ang mga yan maghahanap yan ng mga sariling pagkain nila. They are trained for that." Sagot ni Jude.
"Madami ang niluto ko kasama talaga sila kaya papasokin mo na."
"Sige na hindi yan titigil si mama." Sabi ko.
"Love anim na barako yun nakakahiya" Bulong nya sa akin.
"Tamang tama pang 20 katao niluto ko kaya papasokin mo na."
Totoo nga ang sinabi ni mama. Madami sya niluto.
Isang kawang pansit gisado. Itlog, tuyo at hotdog.
Parang fiesta.
Ipinakilala ni Jude isa isa ang mga tauhan nya. Lahat naman sila kilala ko na.Masaya kaming kumain. Nangangalahati na kami sa pagkain ng lumabas ng sulud nya si Klien.
"Kagigising mo lang?" Tanong ko dito.
"Anong oras na?" Dugtong ko pa.
"Good morning Ate. Baka gusto mo muna ako ipakilala sa mga bisita mo bago mo ako sermonan."
Tumayo si Jude.
"Jude." Pagpapakilala nito at kinamayan si Klien.
"Klien"
Ganun na rin ginawa ng iba pa.
Nakisalo na din sa amin si Klien at mukhang nagkasundo agad sila ni Jude. Palibhasa parehong engineer.
Matapos kumain ay nagsilabasan na uli yung mga kasama ni jude kanya kanya silang pwesto sa ilalim ng mga puno sa bakuran namin.
"Babe may malapit na hotel dito papagpahingahin mo muna kaya sila. Anong oras ba balik nyo ng manila?"
"Mamayang gabi pa. Bukas pa naman ng alas dyes ang meeting ko."
"Ganun naman pala pasamahan ko sila kay Klien sa Hotel ikaw baka gusto mo sumama."
"Nope I wanna stay with you."
"Doon mo na sya sa kwarto mo papag pahingahin." sabi ni papa.
"Kausapin ko lang sila. Pero si zach and wacky alam ko hindi papayag yun na umalis." Sabi ni jude.
"Kung ganun di doon mo na sila sa kwarto ni Klien. Palinisan mo na lang sa kapatid mo." Si papa.
"Klien!" Tawag ko sa kapatid ko.
"Te." Sagot mito mula sa kusina. Ito kasi ang natukahan na maghugas ng pinagkainan. Nagpipresenta sana yung mga kasama ni Jude pero jindi pumayag si mama.
"Ako na dyan." Linisin mo muna yung kwarto mo at doon magpapahinga sina zach at wacky. Tapos samahan.mo yung iba sa Hotel sa bayan.
"Sure." Sabi nito.
"Pahingi pang gasolina wala na gaas yung motor ko."
"Yan naka ADV ka nga wala ka namang pang gaas benta mo motor mo para may pang gaas ka."
"To naman wag ka na maingay nakakahiya kay bayaw."
"Bayawin ko mukha mo. Yung sasakyan ko gamitin mo. Pero sinasabi ko sayo ingatan mo yan ha."
"Oo nga. Pero kahit naman siguro magasgasan yan hindi na nanaman yan sayo babawiin ni kuya Jude kahit mag break kayo. Di ba?" Nakangising tanong nya kay jude.
"Sa kanya na yan. At di kami mag be break that's for sure." Nakangiting sabi ni jude
"Sabihan ko lang sila." Sabi ni Jude at lumabas na ito para kausapin ang mga kasamahan nya.
"Swerte mo Te. Gwapo na mayaman pa. Wag mo na pakawalan."
Ako ayaw ko na talaga sya pakawalan pero Papano pag ako ang pinakawalan nya. Sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Fit into Mine
RomanceJude and Clay nagmula sa magkaibang mundo makaya kaya nilang yakapin ang pagkakaiba nila para sa pagmamahal.