The next day kasama na namin si Walter na pumasok. Panay ang reklamo nito dahil wala naman daw sya alam sa BPO. Si Jude naman panay ang power trip kay Walt.
Kesyo Boss mo ako gawin mo gusto ko. Isesesante kita, babawasan ko sahod mo at kung ano ano pang pananakot na alam ko naman na hundi naman talaga seryoso.
That's Jude demonyo sa trabaho pero barkada sa labas.
Muli ay kasabay namin sa elevator ang mga dati kong ka team.
Umaatikabong tsismisan na naman.
"Clay kumusta bago mong trabaho? Balita ko ang gwapo daw ng bago mong boss."
Tumikhim si Jude.
Pagtripan ko nga
"Ay hindi. Ang pangit nya at ang sama ng ugali." Sabi ko.
Natawa bigla si Walt.
"Weh. Di nga. Ang CEO ba ang boss mo? Kasi ayon sa balita yung bagong CEO daw sobrang gwapo. Makalaglag panty Bhe. Nakita mo na ba sya?"
Its my turn to cough.
Si Walter di na naman napigilan ang matawa.
Si Jude pigil na pigil ang tawa.
Bigla ko sya siniko ng malakas.
"Ouch. Babe nanakit ka na ha"
Napalingon sa amin ang lahat.
Niyakap nya ako bigla.
"Hi ladies Boyfriend here. Sorry pero hindi sya pang one night stand. But who knows maybe one of this day mabuntis nga sya ng CEO."
Nakita kong nanlaki ang mata ng mga dati kong ka team.
At bago pa sila makapag react bumukas na ang elevator at kailangan na nilang lumabas.
Pagkalabas nila ay bigla nya binatukan si Walt.
"Nakisali ka pa talaga sa usapan nila."
"Aba wala akong masamang sinabi ha."
Then ako naman hinarap nya.
"At ikaw naman parang hirap na hirap ka pa talagang aminin na gwapo ako. Ey patay na patay ka naman sa kgwapohan ko."
"Hindi ah ang kapal mo. Ikaw kaya ang patay na patay sa akin."
"Guilty ako dyan. Pero ikaw umamin ka rin." Sabi nya.
"Oo na gwapo ka na. At makalaglag panty."
Sabay tawa ng nakakaasar.
Muli nya aking niyakap mula sa likuran at may ibinulong sya sa akin."Ang alam ko hindi naman nalaglag ang panty mo kasi hinubad ko."
"Ang bastos mo." At pilit ako kumawala sa pagkakayakap nya.
"Hoy itigil nyo yang mga kahalayan nyo alam ko yang pinaguusapan nyo." Saway sa amin ni Walter
"To naman parang hundi mo naman yun ginagawa sa asawa mo" Sabi ni Jude.
"Shut up Judah" Sabi ni walter.
Hanggang sa loob lang ng elevator ang biruang iyon dahil paglabas na palabas namin mabilis na nagbagong anyo si Jude.
Jude the Devil uli sya.
But it really works. Sa loob ng isang buwan naging stable na uli ang kompanya. Balik sa JvD si Jude at kami ni Walter ang naiwan sa BPO company ng Jv.
Pero hindi ako pumayag na ako ang gawin nyang EA I cant imagine working with him. Baka lagi lang kaming magtalo. Kung hindi naman wala kaming magawang trabaho dahil ako lagi ang tatrabahohin nya.
And I don't want to blew-up our cover.
Mag aanin na buwan na kami pero hindi pa rin kami lumalantad sa publiko.
Mga malalapit na kaibigan lang ang nakakaalam ng relasyon namin.
"Hindi ba kayo napapagod ni Jude sa set-up nyong yan.?" Tanong sa akin ni Cloe.
Weekend yun kapwa kami walang pasok at nasa ibang bansa si jude.
"Ano girlfriend ka lang nya pag weekend."
"Its better this way Cloe. Hindi ko pa kayang harapin ang mundo ni Jude."
"At kaylan mo planong harapin yang mundong sinasabi mo ha pag kapwa na kayo pagod sa sitwasyon nyo. Clay kahit maghintay ka pa ng sampung taon walang mababago sya pa rin si Jude na CEO at boss mo at ikaw pa rin si Claire Marie na mahirap at empleyado nya. Mababago lang yan kapag hinarap mo at tinaggap ang mundong ginagalawan nya, kasi kahit anong manyari hindi maaring si Jude ang bumababa para sayo."
Tumalab sa akin ang sinabing iyon ni Cleo.
Gusto ko rin namang subukan. Gusto ko rin naman sumugal na harapin ang mundo nya.
Pero papano kung sya mismo ang ayaw akong iharap sa mga tao at sa pamilya nya.
Nalala nya minsan ng sinabi ng daddy nya na gusto nitong makilala ako.
Isang matigas na No ang isinagot ni Jude.
Hindi nya yun pinannsin noon but now napaisip nya ikinakahiya kaya sya ni Jude dahil mahirap lang sya.
O baka naman ayaw talaga sa kanya ng pamilya nito.
Naging pala isipan kay Clay ang lahat. Idagdag pa ang hindi na naman pagpaparamdam sa kanya ni Jude ma higit isang linggo na.
"May problema ka?" Tanong sa akin ni Walter.
Umiling lang ako.
"Come on Clay. Sa halos tatlong buwan na magkasama tayo kilala na kita. Pero kung hindi ka komportabling pagusapan okay lang. Basta nandito lang ako. At kung si Jude ang iniisip mo wag kang magalala kahit sa akin di rin sya nagpaparamdam. May problema yata sa pamilya nya."
"Thanks Walt" sabi ko na lang.
"Umuwi ka na muna at magpahinga namumutla ka. At kung maari magpatingin ka sa doctor."
"I'm fine medyo masama lang pakiramdam ko. Tataposin ko lang tong ginagawa ko at uuwi na ako "
"Good. Wag ka na ding pumasok bukas kung hindi mo kaya."
Sinunod ko nga ang sinabi ni walt. Umuwi na ako at nagpahinga medyo masama nga ang pakiramdam ko.
Buong magdamag akong naghintay ng tawag ni Jude pero wala.
I tried to check if online sya pero hindi.
Pakiramdam ko hindi lang ulo ko ang masakit pati puso ko.
Pero ginusto ko to. Simula pa lang alam ko ng walang katiyakan ang relasyon namin ni Jude.
Kaya kailangan kong tanggapin kung ano lang ang kaya nyang ibigay sa akin.
Kung weekend lang ang oras nya na kaya ibigay sa akin kailangan ko makuntento dun.
BINABASA MO ANG
Fit into Mine
RomanceJude and Clay nagmula sa magkaibang mundo makaya kaya nilang yakapin ang pagkakaiba nila para sa pagmamahal.