2 The Party

639 32 0
                                        

"Clay You're making me nervous so hold tight Babe. I can go very very fast when I am nervous. You might make me fall." Halos pabulong na sabi nya pero umabot pa rin yun sa pandinig ko.

Sanay ako mag rides pero bakit sobrang lakas ng kaba ko ngayon.

Its just a 30 minutes rides pero pakiramdam ko ang haba ng byenahe namin.

Sa isang high end bar kami tumigil.

JD's bar. Kilala ang bar na yun at tanging mayayaman lang ang afford pumasok sa lugar na yun.

Bumaba ako at tinanggal ang helmit.

Ganun din ang ginawan ni Jude.

Isinabit nya ang helmit nya sa salamin ng motor bago kinuha ang sa akin at isinabit nya rin yun sa kabila.

Sinuklay ko ng aking daliri ang aking mahabang buhok sya naman ay ganun din ang ginawa.

Parang model lang sya ng mens shampoo.

Mabuti na lang talaga at hindi madaling magulo ang buhok ko salamat sa rebond.

Sunod na dumating sina James.

"Lets go." Sabi ni Jude.

Magkahawak kamay kami ni Cloe na naglakad papasok sa loob ng bar.

""Wow. Fist time ko sa ganito ka class na bar." Bulong nya sa akin.

"Me too." Sagot ko naman.

May mga gwardiya na hindi naka uniform ang nakabantay sa labas at loob ng bar.

Bawat pumapasok ay may ipinapkitang card.

At wala kami nun ni Cloe.

Aatras sana kami pero naramdaman kong may kamay na yumakap sa beywang ko. Si Jude.

Si Cloe naman ay hinila ni James palapit sa kanya.

"Mine" sabi ni Jude sa guard.

Ngumiti ang guard sa akin at kay Jude.

"Noted Boss" Sabi ng guard.

At may sinabi ito sa radio na hindi ko maintindihan.

May lumapit sa aming men in black.

May ibinulong ito kay jude.

Tumango si Jude at bumukas ang pinto.

Nagulat ako sa sobrang dami ng tao sa loob. Tila nagsisimula na ang party.

Sumunod kami sa men in black. Nakahawak pa rin si jude sa beywang ko. Gusto ko sanang dumistansiya pero kinabig nya ako palapit sa kanya dahilan para magdikit ang katawan namin.

"You're my date remember." Bulong nya sa akin.

"Here comes the birthday boy"

Sigaw ng isang lalaki mula sa crowd.

Napunta sa amin ang atensiyon ng lahat at nagpalakpakan ang mga ito.

Kaliwat kana ang pag bati.

Lumipat sya sa bandang kanan ko at ang ang kanyang kaliwang kamay ang ginamit nya panghawak sa beywang ko samantalang nakikipag kamay sya gamit ang kanang kamay.

May sininyasan syang babaing waitress.

Lumapit ito sa kanya at binulongan nya ito.

"Babe babatiin ko lang mga bisita ko. Sandali lang to. Susunod ako."

Hindi ko sya maintindihan.

Pero lumapit sa aking babaing kausap nya at iginiya ako papunta sa isang bahagi ng bar na walang gaanong tao sa pinaka sulok kung saan may isang malaking pabilog na sofa medyo malayo yun sa karamihan at hindi masyadong maingay.

Fit into MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon