Tinawagan ko si jude sa messenger.
"Where are you? I will be in a meeting in 5 minutes I need my EA" Deretsong sabi nya wala man lang hi.
"Judah!!" Nangangalaiting sabi ko.
May limampung palapag ang ang kabuoan ng V 1 tower kung saan naroroon ang company namin. At ngayon ko din lang narealize na pagaari ng kompanya ni Jude ang building na yun.
Pagdating ko sa 30th floor nakita ko agad si zack na tila hinihintay talaga ako.
"This way Miss Clay." Sabi nya.
Sumunod naman ako. Dumaan kami sa helira ng mga table kung saan may mga empleyado na abala sa kanilang trabaho.
Naramdaman ko ang tension sa buong floor.
"Anyari?" Pabulong na tanong ko kay zach.
"Nagpatawag ng emergency meeting si Boss sa lahat department head."
"Agad agad?"
"New CEO new rule." Sabi ni Zach.
Nakarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ng CEO.
Ipinagbukas ako ng pinto ni zach.
"Thank you." Sabi ko sa kanya.
May binabasang dukumento si jude pag pasok ko.
Nag angat sya ng tingin.
Itinuro nya ang mesa na nasa kaliwang bahagi ng silid.
"That will be your table." Sabi nya.
"I'm sorry boss, pero wala talaga akong kaideideya kung anong gagawin ko dito. Alam ko lang makipag bardagulan sa mga costumer yun lang."
"Bussiness Administration graduate ka. Madali lang yan sayo. Patuturuan na lang kita kay Walt."
Si Walt ang EA nya sa Jv.
"For the meantime alam mo naman siguro mag minutes ng meeting di ba?"
"Piece of cake." Sabi ko.
"Good lets go. And i want to warn you. I will be a complete different person once I'm out of here so please don't get scared."
"Bakit mas may nakakatakot pa ba dun sa "Don't' even breath the same air with her or you will lost yours for ever." Panggaya ko sa sinabi nya kay Roy doon sa bar.
Ngumiti lang sya at dinampian ako ng halik sa lips.
" See for yourself."
Pagpasok namin sa board room ay marami ng tao doon.
May dalawang bakanting upuan sa unahan.
Naupo si Jude sa executive chair. Ako naman naupo sa tabi nya.
"Good morning" Seryosong bati nya sa mga ito
Agad namang nag respond ang mga ito.
"Good morning Boss."
"Lets start. From this."
Lumabas sa malaking screen ang revenue stats ng company.
Failing ang most recent month
"Can anyone explain this to me " Mariing sabi nya.
Yes indeed ibang tao nga si Jude pagdating sa trabaho.
He is a Devil encarnate.
I experience it first hand.
"Send to me the minutes of the meeting in an hour. I needed it ASAP."
Tiningnan ko yung draft ko ako lang makakaintindi nun. So I need to encode it.
Tiningnan ko sya kung seryoso ba sya.
Seryoso nga. Walang duda.
Tinawag nya isa isa ang sa loob ng opisina nya ang bawat department. Head after ng meeting at isa isa nyang pinagsasabon ng walang balnawan ang mga ito.
And its another thing I Learned about him.
Hindi ka nya kagagalitan infront of everyone kakausapin ka nya sa loob ng opisina nya at doon nya sasabihin lahat ng gusto nyang sabihin sayo.
Yun na yata ang pinaka mahabang 9 hours shift ko. Nagpa deliver lang sya ng pagkain namin at nagtatrabaho kami habang kumakain.
And in the span of 9 hours feeling ko nag ka information overload yata ako.
Kaya naman nawalan na ako ng ganang magsalita habang nasa sasakyan kami pauwi. Oo, hindi at ewan lang sagot ko sa mga tanong nya.
Sa condo nya kami tumuloy. Hindi na ako nagreklamo tutal may mga damit naman na ako dun.
"I will never apologize for today." Sabi nya habang magkayakap kaming nakahiga sa kama.
"I'm not expecting you to. At wala ka namang dapat ipag apologize. You act according to your position. Hot mo nga eh feeling ko nasa k drama ako ikaw yung Devil CEO at ako naman yung Cinderella na inaapi ng CEO."
"Oi hindi kita inapi ah."
"Ay hindi pa ba pang aapi yun. "I need the minutes of the meeting sent to me in an hour." Panggayaya ko sa sinabi nya.
Mabuti na lang talaga sanay ako magtrabaho under preasure.
Hinalikan nya ako sa noo.
"And that makes you my official EA. Si Walt na ang papahawakin ko ng BPO company nyo. Matutuyo ang utak ko dun. Sa JvDC na lang tayo at isa pa hindi ko kaya ang GY maagnas ang kgwapohan ko dun "
Natawa ako sa sinabi nya.
"Sino ba naman kasi may sabi na bilhin mo kompanya namin "
"Sino pa ba kundi yung Nanay kong ang alam lang magpaganda at mag shopping."
"Ha. At bakit nya naman pinagawa yun sayo.?"
"Wala labg trip nya lang daw mag explore naman sa ibang line of bussiness. "
"Baka kasi alam nya na malaki ang kita sa BPO."
"Hindi. Actually kaibigan nya may ari ng company nyo, matagal nya na inaalok kas mommy ang kompanya, kasi wala na daw mag mamanage kasi may kanya kanyang negosyo na naman daw yung mga anak nila.
Ito namang si mommy sa akin nya ibinibigay.
"Nung una ayaw ko kasi ano naman alam ko sa BPO pero nung nalaman ko na dun ka nagtatrabaho ayon pinatulan ko na. Saka ko lang din nalaman na palugi na ang kompanya kasi napapabayaan na ng may ari. Kaya ngayon kailangan natin isave ang company kasi kung hindi libu libu ang mawawalan ng trabaho here and abroad."
Napatingin ako kay Jude.
Naalala ko ang mga kaibigan ko na sa kompanya lang umaasa. Papano na sila kapag nalugi ng tuluyan ang kompanya.
"Kaya mo pa ba isave ang company" Nagaalalang tanong ko.
"Kaya pa naman kailangan lang ng matinding puyatan at sabunan. Kailangan kong ipush ang lahat to their limit para mapilitang mag perform ng maayos."
Its my turn to kiss him.
"Thank you. Kung kailangan mo ako nandito lang ako."
"Yes kailangan kita. So please bear with me my Love."
BINABASA MO ANG
Fit into Mine
RomansJude and Clay nagmula sa magkaibang mundo makaya kaya nilang yakapin ang pagkakaiba nila para sa pagmamahal.