Chapter 16

75 6 0
                                        

Jasmine

I am making my way to our classroom when I bumped into someone in an intersection. It was Riza whom I bumped. "Akala ko basurahan ang nabangga ko, tao pala." She said while crossing her arm staring at me. Unang bungad mukha niya agad.

I just sigh. "Noong una hindi mo natatamaan ang target mo ngayon naman hindi mo makita ang diperensiya ng tao sa basura. May problema ka na ata sa mata o nasisilaw ka sa akin?" I replied at her and smile. She really have an attitude that I need to deal with.

Napansin ko ang pagtagpo ng kilay niya. "Kalma ka muna. Saka ka na makipag-sagutan kapag malinaw sa iyo lahat." Sabi ko at ngumiti bago siya iwan doon kasama ang mga kaibigan niya.

Naglakad na ako papunta sa classroom namin.Habang naglalakad ako sa corridor ay napansin kong makakasalubong ko si sir Kiglen na may kasamang hindi pamilyar na babae. They look happy having a conversation together.

"Let's have dinner later." Rinig kong aya ng babae dahil malapit-lapit na sila sa akin and I let my eyes look straight not turning my gaze on them.

"Sure." Rinig kong sagot ni Prof Kiglen bago namin malagpasan ang isa't isa.

Without any second thought he agreed immediately? This woman seems special to him. Womanizer din ata itong si Professor Kiglen, iba-ibang babae kasama minsan.

"Jasmine!" Tawag sa akin at paglingon ko ay nakita ko si Sandra. Nakatayo siya sa labas ng isang room hindi naman malayo sa akin at sa likod niya ay nandoon sila Prof Kiglen at ang babae na nag-uusap.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya sa akin.

"Sa room." Sagot ko sa kaniya.

"Huh? Eh dito ang room natin ah. Iyan oh room 205." Sabi niya at tinuro ang tatak na nakalagay sa taas ng pintuan.

"Ayy oo nga noh?" Sabi ko at naglakad palapit sa kaniya. "Pasok na tayo."

"Tara na." Paglingon niya ay napansin niya sila Prof Kiglen.

"Good morning po sir and ma'am." Bati ni Sandra at medyo yumuko sa kanila.

"Good morning po." Bati ko na hindi tumitingin sa dalawa at hinila papasok sa loob si Sandra.

"Hinay-hinay lang parang may hinahabol ka." Sabi ni Sandra kaya tumigil ako nang makapasok kami.

"May itatanong ako sa iyo tungkol sa assignment natin." Palusot ko.

"Assignment?" Takang tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Oo." Sagot ko.

"Wala naman tayong assignment ah. Diba nagse-send ako sa iyo ng mga discussions at activities? Tanong niya sa akin.

"Oo pala. Pasensiya na medyo nagkahalo-halo na kasi sa utak ko lahat." Sagot ko sa kaniya at napakamot sa ulo.

"Ikaw talaga." Sabi niya at tumawa.

"Sino pala iyung babae kanina? Ngayon ko lang nakita." Tanong ko sa kaniya. I'm just making sure that she is not a hindrance.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon