Chapter 12

81 7 0
                                        

"You can talk about me behind my back but don't include my family."

Jasmine

Naglalakad ako papasok sa university namin nang may napansin akong mga estudyanteng nakaharang sa hallway. May artista kayang bumisita?

"Umagang-umaga may eksena agad."

"Kawawa naman iyung babae."

"Bakit ba kasi hindi nila mapigilan bunganga nila na magsalita?"

Ilan sa mga narinig kong bulungan. Sino ba ang nag-aaway? Pinilit kong isiniksik ang sarili ko para para makita kung sino ang nag-aaway.

"Wala kang karapatan para magsalita ng ganiyan sa likod ko at ng pamilya ko." Inis na sabi ni Riza. Nakahawak siya sa buhok ng isang babae na nakaluhod sa harapan niya. I remember that kind of position during our fight in the arena.

"Pwede kitang ipatanggal sa paaralan na ito at tanggalin sa assistance na tinatanggap mo. Kilalanin mo ang binabangga mo." Inis na sabi ni Riza. Ano na naman kaya ang dahilan ng away na ito?

"Tama na iyan Riza. Let the guidance discipline her." Pigil sa kaniya ng isa niyang kaibigang si Bim at saka hinawakan sa kamay para tanggalin ang pagka-sabunot sa babae.

"May maririnig pa akong mga sinasabi mo hindi lang iyan ang aabutin mo. Also, fact check ka muna bago ka magkalat ng mga mali-maling kwento mo." Banta ni Riza at hinigpitan ang hawak sa buhok ng babae bago bitawan. Linyahan ko iyung huli niyang sinabi ah.

"Kung may balak kayong pag-usapan ako at ang pamilya ko. Siguraduhin ninyong wala kayo sa universidad na ito." Sabi niya habang nakatingin sa mga estudyante. Sa tingin ko lumalabas lang ang Riza maldita kapag kailangan niyang lumaban.

What I can't understand is that, she is different when it comes to me. She is treating me like her worst enemy.

"Ms. Laurier let go of her, you're making a commotion here and you're disturbing some students." Biglang pasok sa eksena ng guidance counselor.

"It's good that you're here to guide this poor woman. She seems lost in her thoughts, spreading unfiltered informations." Sabi ni Riza saka binitawan ang babae at umirap. I just laugh on my mind.

"Follow me in the office to clarify everything." Sabi ng guidance counselor. May isang babae na lumapit sa kaaway ni Riza at saka tinulungan na tumayo.

Pumasok na kami sa mga sari-sarili naming klase at second subject na namin nang pumasok sila Riza. Gusto kong malaman ang nangyari kanina pero wala akong pwedeng pagtanungan. Si Sandra ay late na pumasok kaya wala rin siyang ideya.

Inaayos ko ang bag ko para sana unuwi pero may lumapit sa akin."Jasmine, can we talk?" Umangat ako ng tingin at si Bim pala.

"Sure! Tungkol saan?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Pwede mo ba akong tulungan?" Tanong niya sa akin. Nagtaka akong tumingin sa kaniya, are they plotting something against me again?

"Don't worry. Wala kaming binabalak sa iyo. Riza isn't aware that we are having a conversation together." She assured and smile at me. In Riza's circle of friends, Bim is a compassionate one.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon