Chapter 42

107 6 0
                                        

Jasmine

I look at the house infront of me. Ang bahay kung saan namatay si lolo ang ama ni Dad. Mula nang mangyari ang insidente na iyon ay lumipat kami ng ibang probinsiya, hanggang sa mapunta kami sa siyudad. Inihabilin nila lola sa matalik na kaibigan ni lolo ang bahay na ito.

"Jasmine." Natauhan ako nang tapikin ni Shea ang balikat ko.

"Tara sa loob." Aya ni Amanda kaya tumango ako.

"Tao po!" Sigaw namin mula sa ibaba ng hagdanan. Lumabas ang isang babae na mukhang ka-edad lang namin.

Nakatingin siya sa amin."Ano po iyon?" Tanong niya.

"Nandito ba si Mr. Juliano Mercado?" Tanong ko.

"Si lolo? Ma!" Tawag niya sa ina.

"Ano iyon?" Tanong ng isang babae na kakarating lang.

"Ako po si Jasmine Ellis Verlice, anak ni Davidson Velice." Pagpapakilala ko. Nagulat siya ng banggitin ko ang pangalan ni dad.

"Pasok kayo." Aya ng ginang at pinatuloy kami. Pag-akyat namin sa hagdanan ay naabutan namin ang isang matandang lalaki na naka-upo sa wheel chair. Siya na ata si Mr. Juliano.

Inalalayan kami ng ginang sa isang upuan."Upo kayo." Sabi ng babae. Umupo kami sa nakahandang upuan at may lamesa sa gitna."Pasensiya na kayo at hindi kami nakapag-handa."

"Hindi, ayos lang po. Siya po ba si lolo Juliano?" Tanong ko at tumingin sa matanda na hindi kalayuan sa amin.

"Siya nga. Ako pala si Emilia anak niya at ito naman si Melisa ang aking bunsong anak." Pagpapakilala niya.

Nakatingin sa akin ang ginang "Ikaw ba ang apo ni Anthony Verlice?" Tanong niya.

"Opo." Sagot ko.

"Napakaganda mo, kamukhang-kamukha mo si Jaimee." Sabi niya habang nakangiti. "Gusto mo bang maka-usap si papa? Ang problema ay hindi siya makakasagot ng maayos dahil na rin sa katandaan niya."

"Ayos lang po." Sagot ko.

"Sige, maghanda lang ako ng meryenda. Pwede mo siyang kausapin." Paalam ni Tita Emilia kaya tumango ako.

Lumapit ako sa matanda at umupo sa kaniyang tabi.

"Lo." Tawag ko sa kaniya pero hindi siya tumitingin.

"Ako po si Jasmine Ellis Verlice. Apo po ng matalik niyong kaibigan na si Anthony Verlice. Kamusta na po kayo?" Panimula ko at hinawakan siya sa kamay.

"I'm happy seeing you po. I remember the days po na lagi kayo sa bahay dati, dito rin lang." Kwento ko at ngumiti . "Baka po may alam kayo. May kilala po ba kayong Eugene Laurier?"

Pagbanggit ko sa pangalan na iyon ay gumalaw ang kamay niya. Tiningnan ko ang kaniyang mata at kita ko ang lungkot, panghihinayang at takot.

"P-Pa..t-tay." Nahihirapang sabi niya. "K-kasala..n-nan k-ko."

"Ano po?" Tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan. Kailangan kong malaman kung kakilala ba nila Dad ang mga Laurier at ganon na lang takot niya sa kanila. Bakit sa lahat ng mga kompanya at negosyo bakit kami pa?

"P-pa...t-tay Lau..rier." Nahihirapang sabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko. I'm already desperate to know the truth.

"K-ka..s-sa..la..nan k-ko." Sabi niya ulit. Paulit-ulit ang kaniyang mga sinasabi.

"Ang ano po?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa balikat ko."Jasmine." Tawag sa akin ni Adrian.

"Adrian may alam siya." Saad ko sa kaniya at tumingin kay lolo. Lumapit sa amin si Tita Emilia at pinakalma si lolo Juliano kasi nanginginig ang kamay at hindi mapakali.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon