Chapter 28

82 8 0
                                        

Warning ! R-18!⚠️

Shea

Tumigil ako sa pag-inom ng kape nang magsalita si Lorraine na galing sa kwarto ni Jasmine."Guys you wouldn't believe what I just saw in Jasmine's room." Mapaglaro ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nandito kaming tatlo sa may hardin maliban kay Adrian at Zsofia na nasa kusina.

"Ano iyon?" Crenton asked.

"Natutulog siya with someone." Sagot nito at nag-cross arm.

Ano naman kung may katabi siya?"Baka pinsan lang niya, masyado kang ma-issue." Sagot ko sa kaniya.

"Umagang showbiz news mula kay Lorraine. Real ba o fake?" Sabi ni Crenton at humigop sa kape niya.

Umirap itong si Lorraine bago magsalita."I am not ma-issue. She's sleeping with Mr. Hawty Professor. They are cuddling each other like couples." Pagkatapos kong marinig iyon ay napatayo ako habang si Crenton ay nasamid sa iniinom.

"You got to be kidding me." I said in shock. Don't tell me that Jasmine already gave in or it's still a part of her mission?Tinutulak ko pa siyang akitin si Mr. Adler pero umabot na sa ganito.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sarkastikong sabi ni Lorraine.

"Palagi naman." Sabat ni Crenton.

"Then come with me para makita niyo." Sagot niya at sumunod kami ni Crenton.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong mahimbing na natutulog si Jasmine habang nakayakap mula sa likuran niya si Mr. Hawty. They look like a couple sleeping together.

"Nandito pala kayo mga hija at hijo." Rinig kong boses ni tito mula sa labas, ako kasi ay nakapasok na sa kwarto habang sila Lorraine at Crenton ay nasa may pintuan.

"T-tito?" Kinakabahang boses ni Lorraine.Napatingin ako kay Crenton at sinenyasan akong gisingin si Jasmine. Napatingin naman ako kay Jasmine na unti-unting minulat ang mata at gulat na napatingin sa akin.

"Ayos ka lang ba hija?" Boses ni tito na tinatanong si Lorraine.

Pinanlakihan ko ng mata si Jasmine at nagmamadaling napatingin kay Mr. Hawty na mahimbing pa rin ang tulog.

"Oo naman po tito. Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Lorraine.

"Gigisingin ko sana si Jasmine kasi may naghahanap sa kaniya at may mahalaga kaming dapat pag-usapan." Sagot ni tito.

"Ay ganon po ba? Kami nalang gigising sa kaniya tito." Kumbinsi ni Crenton.

"Ako na dahil may sasabihin din ako sa kaniya." Sabi ni tito. Nakita kong nagising na si Mr. Hawty ng bigla siyang sipain ni Jasmine kaya nahulog sa kabilang bahagi ng kama, kasabay non ay ang biglaang pagbukas ng pintuan. Aray ko po ako ang nasaktan sa kaniya, kakagising palang niya eh.

"Dad!" Bati ni Jasmine.

"Gising ka na pala at nandito ka pala sa loob Shea." Rinig kong boses ni tito mula sa likuran ko.

Liningon ko si tito at saka ngumiti."Hello po tito." Bati ko saka yumuko ng kaunti.

"Hija pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng kaniyang ama.

"Maiwan po muna namin kayo." Paalam ko at hinila ang dalawa saka sinarado ang pintuan pero ang totoo niyan ay nilapit namin ang aming tainga sa pintuan.

Jasmine

Nabigla ako ng makita sila Shea sa may pintuan at marinig ang boses ni dad mula sa labas. Pinanlakihan ako ng mata ni Shea kaya napatingin ako kay Prof Kiglen at inalog siya kaya iminulat niya ang kaniyang mga mata. He looked at me and to Shea.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon