Chapter 4

102 13 3
                                        

Zsofia

"Good morning ate!" Masiglang bati sa akin ni Aicee.

"Morning din." Bati ko magkapareho kasi kami ng kwarto habang inaayos pa ang kabilang kwarto.

Lumipat kami dito sa bahay ni Tito David last week kasi pinalayas kami sa tinitirhan naming apartment. Also to stay away from toxic people after an issue that happened.

"Prepare na tayo for school. I'm so excited na to see my classmates and friends." Masiglang sabi niya at bumaba sa kama.

"You go and take a bath first at ako ang susunod." Sabi ko at sumunod naman siya.

"Ate tapos na ako." Sabi ni Aicee makalipas ang ilang minuto at ako na ang sumunod.

I noticed also how distant Jasmine is to us, most especially kay tito. Lagi siyang lumalabas o nagkukulong sa kwarto. I feel guilty on what is happening.

"Tulungan na po kita manang." Nakangiting sabi ko kay manang nang maabutan ko itong nagluluto sa kusina.

"Huwag na hija at nakabihis ka na. Ang aga niyo naman mag-ayos." Sabi ni manang habang nilalagay ang gulay sa kaldero.

"Nasanay na po kasi kami." Sagot ko at tinulungan siyang ilipat ang kanin na hawak niya sa lamesa. "Tulungan ko na po kayo nasanay na po kasi akong nagluluto sa bahay."

"Parehas kayo ni Jasmine,siya halos ang nagluluto dito sa kanilang bahay." Sabi ni manang at ngumiti.

"Talaga po?" Tanong ko at masiglang napangiti. "We can cook together for our meals, if ever."

"Oo naman." Sagot nito.

"Morning manang! Where's dad?" Salubong ni Jasmine kaya napatingin kami sa kaniya na nakabihis na pala at diretsong pumunta sa refrigerator at kumuha ng mansanas at tubig.

"Nag-aayos palang ata hija." Sagot ni manang.

"I see, if ever that he will look for me tell him that I already went to school may dadaanan pa kasi ako." Sabi niya at humarap sa amin habang umiinom ng tubig.

"Oh? Morning Zsofia!" Bati niya sa akin ng mapansin ako.

"Morning Aicee!" Bati niya rin kay Aicee.

I feel guilty sa mga nangyayari.

"Morning!" Bati ko at ngumiti.

"Morning ate ganda!" Bati ni Aicee.

"I gotta go may pupuntahan muna ako." Paalam niya at umalis habang kumakagat ng mansanas.

"Hindi ka kakain hija?" Tanong ni manang sa kaniya kaya huminto ito.

"One apple is enough for me. Alis na po ako." Sagot niya at umalis.

"Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan ng batang iyon?" Tanong ni manang at kumuha ng bowl sa kaninet.

"Baka may dadaanan pa po siya manang. Marami ba siyang laging pinagkakaabalahan?" Tanong ko kasi halos hindi ko na siya makita dito sa bahay minsan.

"Masyadong personal kasi ang naging karanasan niya kaya siya laging busy." Sabi ni manang. "Pero magiging pamilya naman na kayo kaya sabihin ko nalang."

"Ang mama kasi niya ay isang may ranko sa gobyerno at hindi maiiwasan na may mga kaalitan ito. Isang araw ay may dunukot kay Jasmine at nagnanais ang mga ito na makipagkita ang mama niya at magdala ng pera na siyang sinunod nito kahit ayaw ng ama ni Jasmine. Isang karumaldumal at bangungot kay Jasmine ang pangyayari na iyon. Binuhos niya lahat ng kaniyang oras sa banda at business nila. Minsan rin ay lumalabas siya mag-isa o hindi kaya ay kasama mga kaibigan niya." Kwento ni manang. Nagulat ako sa kwento ni manang. Ang lakas ng awra niya pero sa likod nito ay isang babaeng may madilim na karanasan. Pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung ano siya ngayon.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon