Chapter 39

76 6 0
                                        

Jasmine

"Argh." Sambit ko at iminulat ang aking mga mata. Pagtingin ko sa paligid ay nasa abandonadong lugar ako.

Someone is plotting on me.

"Anong lugar ito?" Tanong ko sa aking sarili. The audacity of Cohen defending himself pero siya pa ang nagpahamak sa akin.

"Good evening, Ms. Verlice." Rinig kong boses ni Mr. Laurier."Akala mo siguro ay nakakulong na ako noh?" Mapaglarong sabi niya at ngumisi. He easily slipped in the hands of the authority.

"Salamat nalang sa aking tapat at matalinong katulong sa lahat." Sabi niya at parang natusok ng paulit-ulit ang aking puso sa nakita ko. If it's Cohen,I will understand but them?

"Natahimik ka bigla Verlice? Matutulad ka rin ba sa tatay mo na naging pipi?" Kampanteng sabi niya.

"Nice job Kiglen and Riza." Sabi ni Mr. Laurier sa dalawang nakatayo ngayon sa harapan ko. "Soon,I will own the Verlice's company without any hardships. At tungkol sa tatay mo? Wala rin siyang nagawa katulad ng pagkawala ng mama mo." Dagdag niya at napagtanto lahat.

Kaya pala ako gustong palapitin kila Professor Kiglen at Riza dahil sila ang magdadala sa akin sa taong matagal ko nang hinahanap kung tama ang hinala ko.

"Don't you dare touch my father." Galit na sabi ko at masama siyang tiningnan.

"Una pa lang Verlice, alam na namin na may tinatago ka. You think,you can sneak in easily? I know you Ms. Verlice. Like mother,like daughter." Nakangising sabi ni Mr. Laurier at lumapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Unang tapak mo palang sa University, alam kong may balak ka na. Sino namang estudyante ang lilipat nalang bigla sa gitna ng taon na kaniyang pag-aaral. Maganda ang records mo sa pinapasukan mo. Thanks to Kiglen and Riza nakuha nila ang loob mo. You think, it's so easy to get close to them? You can't fool the wise Verlice. Magaling ka rin pala tulad ni Jaimee pero hindi sapat iyon para mapabagsak ninyo ako. Verlice family you impress me." Sabi niya sa akin at ngumisi.

"How does it feel na ginawa rin nila sa iyo ang misyon mo at sila ang nagwagi?" He asked me. "Katulad ka rin ni Jaimee na palpak sa kaniyang misyon. The organization can't just easily take me down."

Noon niya pa binabanggit si mama ano ba talaga ang alam niya sa kaniya? Pakiramdam ko ay may kinalaman siya sa nangyari noon.

"Don't you ever dare mention the name of my mother. You don't have the right." I angrily said to him. Wala siyang karapatan na banggitin ang pangalan ni mama.

Tumingin ako sa dalawa pero parang patay ang mga mata nila dahil walang ekspresyon. Kailan lang ay nagkakamabutihan kami, ngayon ay parang nawala lahat."I don't have any intention of hurting you both. Listen to me, everything that I showed you, it's all true." Nasasaktang sabi ko, nagkamali ako.

"How are you so sure?" Mr. Laurier asked. "Isn't it a bad intention na ginugulo mo ang buhay namin at sinisiraan mo ako? Like lolo like apo ba ito?" Dagdag na tanong niya.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Ang dami niyang binabanggit.

"Sino ka ba para siraan ang pamilya namin? What a shame,Jasmine. Akala mo ba hindi ko alam na may traydor sa aking mga kaibigan? It was Shekina, the sister of your companion in taking us down." Gigil niyang sabi."D*mn you all for using me for your own benefits. I played my role well. Now, see who lose her character." Galit na sabi niya. I still can't believe all those words coming out from her mouth. She is not like this,alam kong nandiyan pa si Riza na kaibigan ko.

"Riza." Tanging sambit ko sa pangalan niya.

"Ngayon ay mararamdaman mo rin kung paano saksakin patalikod. Akala mo siguro ay nanalo na kayo, pwes hindi." Sabi ni Riza habang nanlilisik ang mga mata.

In The Professor's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon