"Don't let your emotion take control of your actions. You'll regret it in the end."
Jasmine
I am reading something in my phone when I heard Adrian, saying that we are already in the venue.
It's already Friday at nandito kami sa harapan ng arena. Medyo malayo ito sa syudad at building style ito sa labas pero pagpunta mo sa elevator ay may red button leading to the underground arena, only for people who have permissions and who knew about it.
"Sheesh!" Sabi ko at napatingin sa mga taong papasok sa loob ng building na ito. Kumikita rin ang iba dito, mga pustahan at iba pang mga gimik.
"Galingan mo Jasmine dapat wala ng masabi ang babae na iyon pagkatapos." Sabi ni Shea at umakto na parang may sinapak. I don't have any intention to worsen everything, sana madaan pa sa usapan mamaya.
"Wala na akong ibibigay na advice kasi alam kong alam mo na ang gagawin mo. Ako coach mo eh." Sabi ni Crenton at inakbayan ako. Alam kong nagbibiro lang sila at wala akong balak na puruhan siya o seryosohin ang laban.
"Jasmine you know what to do and please make sure that this will not ruin your mission." Paalala ni Adrian sa akin.
"Yeah!Pipilayan ko lang siya, babalian ng buto sa kamay o di kaya malaking pasa sa mukha." Chill kong sagot ko sa kaniya. Tumawa kami nila Shea at nag-high five pa.
Pagpasok namin sa building ay pumunta kami sa elevator at hinanap ang red button pagkatapos ay pinindot. Pagradating namin sa ibaba ay sumalubong sa amin ang malalakas na tugtog at ingay ng mga tao.
"We gotta go to our spots." Sabi ni Adrian kaya tumango ako. They are all wearing mask and a hoodie.
Pumunta na ako sa may ring para maghintay ng instructions."Are you all ready!" Sigaw ng emcee at naghiyawan ang mga tao. I am here in the right corner of the ring and Riza is at the left.
"Don't forget to drop your money on the box of the person you're going to vote." Malakas at masiglang sabi ng emcee. I am not here for the money but to end our fight.
"On the right side, we have Ellis." Nagsigawan ang mga tao. Hindi ko ginamit ang whole name ko, for personal purposes.
"On the left side is Iza." Sabi ng emcee at nagsigawan ang mga tao.
"But,but,but before we go to the final battle do you want some warm up?" Tanong ng emcee at sumagot naman ang mga manonood ng malakas. What's the meaning of this?
Biglang may lumabas na anim na lalaki."Before the two opponents are going to fight between each other they need first to knock this group of people down." Dugtong ng emcee at nagsigawan ang mga tao.
"Let the battle begin." Sigaw ng emcee at biglang sumugod ang tatlong lalaki sa akin. Sinugod ako ng sunod-sunod na suntok ng una kaya umiilag ako at kumuha ng tyempo para makasuntok at makasipa. Pagkatapos kong patumbahin ang tatlong lalaki ay napatingin ako kay Riza at saktong tumingin din siya sa akin dahil tumba ang tatlong kalaban niya.
"Handa ka na bang matalo?" Tanong niya at ngumisi. Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinuntok siya sa mukha kaya nag-ingay ang mga tao.
"Let's finish this." Sabi ko at sunod-sunod na sumuntok sa kaniya kaya napapa-atras siya at umiilag.
"You're fast not bad." Nakangising sabi niya pero hindi ko pinansin at sinuntok siya sa mukha ulit.
"Wooooh!" Sigaw ng mga tao. Hindi siya nagpatinag at binalik ang atensiyon sa akin agad.
Lumapit siya sa akin at siya naman ang umatake ng suntok at sipa kaya dinepensahan ko sarili ko. Sinalo ko ang huling sipa niya at hinawakan ang paa niya pero tumalon siya ng buong pwersa at sinipa ako sa mukha gamit ang isa niyang paa kaya nabitawan ko ang paa niya. Nagsigawan na naman ang mga tao hindi ko napansin at mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko habang nakatalikod ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
In The Professor's Shadow
RomanceJasmine Ellis Verlice is a student who is working under an agency together with her friends. The agency promised to give justice to her mom's death in exchange of doing a mission given to her. She was given a mission wherein she needs to get close a...
