Jasmine
Dad is already out of the hospital and I am already a month and a half old here in the university. I can't get Riza's trust that's why I am into the people around her.
Naglalakad ako papunta sa building namin nang mapansin ko si Shekina na mag-isang naglalakad.Biglang may umakbay sa kaniyang lalaki na nakasandal lang kanina sa railings kaya kumunot ang noo ko. Hinigit siya nito papunta sa isang direksiyon na hindi ko alam kung saan papunta. Nagtaka ako lalo dahil may sumunod na tatlong lalaki sa kanila.
Masama ang kutob ko sa pwedeng mangyari kaya sinundan ko sila. Dinala nila si Shekina sa isang old building na kung saan ay may nakalagay pa na do not enter pero pumasok pa rin sila. Medyo malayo ito sa unibersidad.
"Bitawan mo ako Kris. I already told you that we're over." Galit na sabi ni Shekina at pilit tinatanggal ang akbay ng lalaki.
A love problem it is."I didn't agree on our break-up." Matigas na sabi ni Kris at pinadausdos ng dahan-dahan ang kutsilyo sa mukha ni Shekina. Pinapanood ko sila mula dito sa isang pader habang nakatago.
What the sheesh is this man doing?"Hold her." Utos ni Kris sa mga kasama. Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilaang braso ni Shekina. "Kung may paraan para mapanatili kita sa piling ko ay gagawin ko. Ikaw magbantay ka."
Lumayo ng kaunti ang isang lalaki at naglakad papunta sa direksyon ko kaya nagtago ako.
"Huwag na huwag mong gagawin iyan, pakawalan mo na ako." Rinig kong pakiusap ni Shekina. Nakita kong nakatalikod sa akin ang lalaking inutusan na magbantay habang naglalakad papunta sa entrance kaya sinundan ko.
"Psst." Kuha ko sa atensiyon niya at paglingon ay sinuntok ko kaagad siya diretso sa mukha kaya napayuko siya. Pagkatapos ay siniko ko siya sa likod kaya lumuhod siya, mabilis akong pumunta sa likuran niya at tinamaan siya sa leeg kaya nawalan siya ng malay.
"Peace be with you." Sabi ko at pinalibot ang aking paningin saktong may nakita akong tali.
"HUWAG!" Naabutan kong sinira ni Kris ang suot ni Shekina. Pumapalag si Shekina pero ang lakas makahawak ng dalawang lalaki. F*ck this kind of man. My blood is boiling because of what I am witnessing.
"Oh my! May rated spg palang nagaganap dito." Sabi ko at kunyari ay nagulat kaya tumingin silang lahat sa akin.
Napansin ko ang gulat sa mukha ni tarantado."Anong ginagawa mo dito at nasaan si Mark?" Galit na tanong ni Kris na ngayon ay bukas ang butones ng suot niyang polo.
He is gross, mabuti nalang at naghiwalay sila ni Shekina."Ang exciting naman ng mangyayari ngayon pwede manood?" Tanong ko habang nakangiti.
"Mark!" Tawag ni Kris pero walang sumasagot. Lumingon ako saka binalik ang tingin sa kanila habang inosenteng nakangiti.
"Hala!" Sabi ko at napatakip sa aking bibig. Napansin kong namumula na ito sa galit.
Tinanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa aking bibig."Siya ba iyung naabutan kong nakatulog doon sa entrance?" Tanong ko at inosenteng nakatingin sa kaniya.
"Sino ka ba?" Tanong ng isang lalaki na nakahawak sa braso ni Shekina.
"Ako?." Sagot ko. "A good performer looking for someone to present my performance. You wanna try?" I asked while smiling and wink with my right eye.
"Slut." Sabi ni Kris at ngumisi. My ears didn't like what it received but let's slow down first before moving.
"As you say so." I sweetly said and giggle. Lumapit ako kay Kris at dahan-dahan na inilapit ang aking mukha sa tainga niya.
BINABASA MO ANG
In The Professor's Shadow
RomansaJasmine Ellis Verlice is a student who is working under an agency together with her friends. The agency promised to give justice to her mom's death in exchange of doing a mission given to her. She was given a mission wherein she needs to get close a...
