"Lolo!" Sabay na sigaw ng kambal sa lolo nila saka niyakap ito, tuwang-tuwa naman ito.
"Buti at nakadalaw kayo." Nakangiti nitong ani sa kanila. Binaba ng mga ito ang bitbit na bag sa mahabang upuang nasa sala at ang biniling mga pasalubong sa mesa sa kusina.
"Siyempre naman, lo! Namiss namin kayo eh." - Shar.
"Saka gusto rin naming makilala ang boyfriend ni Heather!" Kinikilig na sabi ni Mitch, napairap siya.
Natawa ang lolo nila. "Yang bahay na nasa baba lang naman ang tinitirhan ni Ethan. Kaya siguradong palagi niyo siyang makikita tuwing pupunta dito."
The twin's eyes twinkle. "Omg, talaga?!"
"Kyaah! Ang swerte mo talaga, Heather!" Napaawang ang labi niya ng hampasin siya ni Shar sa braso.
"Aray ha! Ang bigat ng kamay mo!" Singhal niya dito.
"Hehe. Soreh."
"Lo, totoo bang dito na titira si Ethan Elizalde?" Tanong ni Silas na kagagaling sa kusina, may hawak na tasa ng kape at tinapay.
"Pansamantala lang, hindi naman panghabang buhay. Siguro baka tatakbo pa siyang Kapitan dito."
Sabay-sabay silang napalingon. "Ha?! Tatakbo siyang Kapitan? Dito sa barangay natin?" Heather exclaimed.
"Hindi ba nasabi sayo ni Ethan? Sabagay, hindi rin naman daw siya sigurado kung itutuloy ba niya ang pagtakbo bilang Kapitan sa barangay natin sa susunod na barangay election."
"Alam kong may balak siyang tumakbo bilang Mayor at Gobernador ng bayan natin pero hindi ako makapaniwala na dito niya pinaplanong tumakbo bilang Barangay Captain."
"Ano naman kung tatakbo siyang Barangay Captain dito? Mas mabuti nga yon at malinis naman tong Barangay natin." Ani ni Silas.
Napatango ang kambal. "Kung sakali mang tatakbong Barangay Captain si kuya Ethan dito, panigurado ang panalo niya." Nakacross arms na sabi ni Shar.
"Pero kung tatakbo man siyang Barangay Captain, mas maganda na gumawa siya ng partido niya para alam ng tao ang iboboto nila." - Mitch.
"Tama ka jan. Dahil kay Ethan Elizalde, panigurado ang tapat na paglilingkod at pagbabago sa bayan!"
"Tama tama!"
---"Ethan, mga pinsan ko nga pala. Sila Mitch at Shar, kambal sila, at ang kuya nilang si Silas." Pakilala niya sa mga ito.
Ethan flash his signature smile. "Hello. Ako nga pala si Ethan Elizalde, ang SK Chairman ng barangay na ito."
"Hello po, kuya Ethan!" Sabay na bati ng kambal.
Okay, maybe I should stop calling him kuya Ethan starting from today.
Parang naging weird para sa kanyang tawagin itong kuya. Siguro dahil magnobyo na sila.
Nagku-kwentuhan sila sa labas ng bahay ng lolo niya ng dumaan at huminto si Grayson sa tapat ng bahay nila.
"Chairman! Buti nalang at nakita kita. May meeting daw tayo mamaya sa Barangay hall kasama ang mga Barangay officials." Ani nito.
"Anong oras ba?" Tanong ni Ethan.
"1 o'clock daw ng hapon. Dapat daw kompleto tayo."
"Sige." Nagpaalam na ito.
"Anong oras na ba?" Napatingin siya sa relo niya.
"10 o'clock na po, Chairman."
Napatango ito bago napatingin sa kanila. "Gusto niyo ba ng Halo-halo? Libre ko kayo." Nakangiting sabi nito.
---
Barangay Hall
"Dito daw gaganapin ang peace pact o Bodong ng Lumawig at Dayawlan tribe. Kaya dapat natin itong paghandaan at siguraduhing nasa tamang ayos ang lahat. Tandaan niyo, ang Bodong ay ang isa sa mga pinakaimportanteng parte para maging maayos at mapayapa ang lugar natin."
Napatango silang lahat. Nagbigay pa ito ng ilang instructions bago dinismiss ang meeting. Umalis na ang lahat habang nagpaiwan naman sila ni Ethan dahil may sasabihin daw ito samin, lalo na kay Ethan.
"Siguradong dadating din ang mga sundalong nakadistino sa Centro para bantayan ang Bodong na ito, kaya di malabong malaman ng lahat na dito ka nagtatago, este nakatira." Mahina pero dining nilang dalawa ni Ethan ang sinabi nito.
Medyo naguluhan pa siya dahil pakiramdan niya ay may alam ang dalawa na hindi nila alam.
Napabuntong hininga si Ethan. "Wag kayong mag-alala, Kapitan. Handa ako sa lahat ng gagawin nila. I can play dirty too." Ngisi nito.
Napatango nalang si Kapitan at tinapik ang balikat ni Ethan. "Sya! Mag-ingat parin kayo, pero mas lalo mong ingatan si Heather. Tandaan mong Ikaw ang nagdala sa kanya dito."
Lalong kumunot ang noo niya at kumabog ng malakas ang dibdib. She unconsciously gulp.
"Kapitan, nakalimutan niyo atang nandito parin ako." She taunt. Napatingin ang dalawa sa kanya at tumaas ang kilay niya sa mga ito.
"I will explain everything later."
BINABASA MO ANG
The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUS
RomanceAlta Sociedad Series Heather has been Ethan's steadfast supporter throughout his campaign for SK Chairman of their barangay. When he wins, they are thrown into the midst of a tribal war between the Madriaga-Elizalde and Azentin. As Heather navigate...