Quince

380 2 1
                                    

"Mukhang ilang araw pa mananalagi dito ang mga Pangat ng Bodong at ilang papangat ng Lumawig at Dayawlan." Mahinang ani ni Maudelin habang nakatingin at nakikinig sila sa usapan ng mga ito kasama ang ilang barangay officials at mga sundalo.

Nagtataasan na ang mga ito ng boses kaya medyo naging alerto na sila at ang ilang sundalong nakabantay. Baka mamaya magpatayan na naman ang mga ito kahit pa sabihin na wala ang mga itong hawak na armas.

"Mahaba-habang diskusyon rin ang paggawa ng mga Pagta (Batas) ng Bodong." Sabi ni Grayson.

"Sinabi mo pa. Dalawang araw na yata simula noong sinimulan nila ang paggawa ng pagta, hanggang ngayon hindi parin sila tapos." Iiling-iling na sabi ni William.

"Mga bata, anong ginagawa niyo?" Muntik na silang mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot ang isang sundalo. Mukhang kasama ito sa mga sundalo ring nagbabantay.

"Ah, kami po ang SK Committee. Ako po ang sekretarya, nandito po ako para makinig para may mai-report ako sa SK Chairman at Kapitan." Paliwanag niya.

Napatango naman ito. "Eh yang mga kasama mo? SK officers din ba sila?"

"Opo. Sumama po sila sakin." Nakangiti niyang sagot.

"Para maki chismis." Narinig niyang bulong ni Grayson at siniko naman ito ni Maudelin sa tagiliran dahilan upang mapa-igik ito. Nagsukatan ang dalawa ng masamang tingin.

Tumango-tango ang sundalo saka muling binalik ang tingin sa mga naguusap, hindi ito umalis sa pwesto nito. Which is sa gilid nila, kaya parang naputulan ng dila ang mga kasama niya at biglang natahimik.

"Kuya, sa tagal mong nakadistino dito, sa tingin mo ilan ng Bodong ang napuntahan mo?" Biglang tanong ni Grayson dito na muntik niyang pikotin sa tagiliran.

Hindi talaga niya kayang pigilan ang bibig niya, ano?

"Mabibilang sa mga daliri ko lang siguro. Alam mo naman ang panahon sa Cordillera ngayon, hindi na ganon masyadong kabrutal. Di katulad noong early ninties na halos mag-ubusan na ng mga tribo dito."

"Huh? Pano niyo po yun nalaman?" Kunot noong tanong naman ni William.

"Lolo ko dating komander ng battalion na nadistino dito noon. Lalo na nung panahon ni Marcos Sr."

Agad silang natikom ang bibig. Hindi na sila muling nagtanong at baka saan pa mapunta.

---

"Kumilos na ang mga Madriaga."

Napangisi siya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri habang hawak niya sa isang kamay ang cellphone.

"Mabuti naman. Akala ko kaylangan ko pang ihipan ang nagliliyab na apoy." Malalim siyang napabuntong hininga saka pumikit. "Sabihin mo na rin sa pinsan kong yon na patigasin niya ang puso niya. Nakakainis kapag ganong para siyang lampa kung lumaban."

"Opo, Señorito."

Call ended....

Binaba niya ang telepono at napatingin sa kawalan. Ilang araw muna ang palilipasin niya bago dumalaw sa Centro.

Sinindihan niya ang stick ng sigarilyo na nakaipit sa pagitan ng labi niya saka bumuga ng usok. Napasandal siya sa inuupuan na nakapwesto sa gilid ng kama niya saka tinitigan ang natutulog na nobya sa kama niya.

Wala itong suot ni isang damit at tanging manipis na kumot ang tumatakip sa hubad nitong katawan. Kakatapos niya lang itong kantutin ng ilang oras pero parang gusto pang umulit ulit ng pagkalalaki niya. Matigas ulit eh.

Kinuha niya ang sigarilyo sa labi niya at napabuntong hininga kasabay ng pagbuga niya ulit ng usok. Naalala niya ulit ang pinagusapan nila ng lolo ni Heather kanina.

Flashback....

"Alagaan mo sana ang apo ko, at wag sasaktan. Masyadong malalim ang sakit na iniwan sa kanya ng mga magulang niya ng mawala ang mga ito, kaya sana ay wag mo iyong dagdagan."

"Lo, pinapangako ko po sa inyo. Sa ilalim ng pangalan ng pamilya ko, aalagan at mamahalin ko ng buong-buo at habang buhay si Heather. Aalagan at mamahalin ko po siya at ang mga magiging anak namin."

Natawa ito sa huli niyang sinabi. "May balak ka talagang pakasalan siya, ano?"

Napangisi siya. "Siyempre naman po. Tanga lang ang gagawang iwan si Heather."

Napatango ito. "Tama ka. Pero... may itatanong sana akong medyo.... personal."

"Ano po yun?"

"May nangyari na ba sa inyo ng apo ko?" Nanunuri ang mga mata nito.

Kung may iniinom lang sana siya ay malamang naibuga na niya ito. Napaka-personal nga.

"Ah eh..." Napangiwi siya, hindi alam ang sasabihin.

"Wag kang mag-alala, hindi kita tatagain, at hindi rin ako magagalit. Nasa tamang edad na ang apo ko para makapagdesisyon, ang kailangan ko lang gawin ay gabayan siya. Gusto kong malaman kung may nangyari na sa inyo para kung mabuntis mo man siya ay maihahanda ko ang sarili ko. Alam mo na, matanda na ako. Baka atakehin ako bigla sa puso, hindi ko pa nakikita ang mga apo ko."

He can't stop his chuckles. "Gumagamit po kami ng proteksyon, lo." Ngumiti siya dito. "Gustuhin ko mang mabuntis si Heather ay hindi pa pwede dahil nag-aaral pa siya. Pero kung sakali mang hindi gumana ang birth control ay kaya ko namang pakasalan siya, may sarili rin naman po kasi akong pera."

"Alam ko yun. Masaya ako at makakahinga ng maluwag dahil sa isang katulad mo napunta ang apo ko. Buti nalang talaga at hindi ko sinoportahan ang pagiging malanding bata niya noon kundi kay Ford siya napunta."

Napataas ang kilay niya doon.

Flashback end....

Ford, huh?

Muli siyang humithit sa kanyang sigarilyo. Kung magiging balakid man ang lalaking yon sa pagi-ibigan nila ay hindi siya magdadalawang isip na idispatsa ito.

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon