Veintitrés

171 0 0
                                    

Mahabang katahimikan. Isang oras na ang lumipas simula noong magsimula ang meeting ng mga Barangay officials, at pagkatapos ng mainit na pagtatalo kanina ay wala ng nagsalita pa sa kanila.

Ethan was tapping his finger on the wooden table. "Hindi ko maintindihan, Kapitan, kung bakit kaming mga SK officials ay kasama sa meeting na toh?" Biglang tanong niya.

Malalim na napabuntong hininga si Kapitan Jonas at hindi nagsalita.

"Bakit parang sa pagtatalo ng mga Kagawad mo kanina ay parang pinapalabas niyong may kasalanan kami sa nangyari?" Ethan continued.

Inis na tinignan si Ethan ng isang Kagawad. "Hindi pa ba halata? Dahil itanggi mo man o hindi, kabilang ang SK sa mga opisyales ng barangay! Nag-aral ka ba talaga ng Political Science, ha?!"

At muling nabuo ang humuhupang tensyon.

Nakipagtagisan din ng tingin si Ethan dito. "Hindi porke't kasali ang SK sa mga opisyales ng barangay ay isa na kami sa mga magiging suspek niyo! Tandaan niyong sa inyo nanggagaling ang mga pondong natatanggap namin. Sa katunayan nga ay hindi umaabot sa porsyentong napagkasunduan ang natatanggap naming pondo, tapos kami pa ang isa sa mga sisisihin niyo?"

"Bakit hindi? Diba ganon naman kayong mga mayayaman? Kinukuha ang mga ganitong pagkakataon para kunin ang pera na pinaghirapan ng mamamayan!" Sumbat ng isa pang Kagawad.

Hinampas ni Ethan ang lamesa. "Ni isang piso, walang kinuha sa kaban ng bayan ang mga naging politiko na mula sa pamilya namin! At aanhin ko naman ang kakapiranggot na perang meron ang barangay?! Nakalimutan mo yata kung saang pamilya ako nagmula?!"

Napatayo ang Kagawad at nagsimulang mataranta ang iba. "Wag mong gamitin ang pangalan ng pamilya mo dito, Ethan Elizalde! Dahil sa probinsyang ito, walang silbi ang mga ganyan! Baka nakakalimutan mo ring wala ka sa teritoryo ng pamilya mo?!"

Pataasan ng boses at palitan ng mga maa-anghang na salita ang umalingawngaw sa buong meeting room ng barangay hall. Na kahit ang mga nagtatrabaho dito ay narinig ang debateng nangyayari sa pagitan ng isang Kagawad at ng SK Chairman.

"TAHIMIK!" Sigaw ng Kapitan. "Nandito tayo para imbestigahan ang nawawalang pondo para sa buwan na ito, hindi para magturuan! Hindi na ba kayo nahiya sa mga sarili niyo? Daig niyo pa ang batang naga-away!" Matalim sila nitong tinignan isa-isa.

Tumango si Ethan, sarkastiko siyang nakangiti at nakaigting ang panga, matalim din ang tingin niya kay Kagawad Ernesto. "Tama nga sila. Pagkatapos ng ilang taon, wala paring pinagbago ang municipal na ito! At hindi na ako nagtataka dahil ang mga kagaya mo ang binoboto nila."

"Aba't! Pinapalabas mo bang may masama akong intensyon, ha?!" Aangal pa sana ito at susugurin na siya pero napigilan siya ng Kapitan.

"Bakit, hindi ba? Alam ng buong barangay kung anong klaseng politiko ka. Ilang taon na, nakakahalata na ang mga tao, pero bakit hindi parin nila magawang tanggalin ang isang kagaya mo sa pwesto?" He ask. "Dahil wala silang mahanap na matinong ipapalit at binabayaran mo sila! Paulit-ulit nalang na ganon. Ang problema sa mga tao, nababayaran ang mga boto nila, pati na buhay nila! Problema rin satin minsan, hindi na natin matanggihan kapag malaking pera na ang iaalok, kapalit lang ng isang boto. Pero yung isang boto na yun, kayang palitan ang takbo ng mundong ginagalawan natin." Tuloy niya.

Napayuko ang ilang nakikinig. Dahil aminin man nila o hindi, natamaan sila sa sinabi ng binata. Sino nga namang hindi na tumanggap ng malaking pera galing sa isang politiko kapalit ng boto nila, lalo na kapag nangangailangan ka.

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon