"Paulit-ulit, araw-araw kong pagsasawaan ang katawan mo. Umaga, tanghali, gabi, gagawin kitang meryenda."
Nanginig ang buong katawan niya at lalong binalot ng kumot ang sarili. Halos tatlong araw na ang nakakaraan pagkatapos ng gabing yun. Nanginginig ang mga hita siyang umuwi sa bahay nila kinabukasan, buti nalang at katabi lang ng bahay nila ang bahay ng binata at may daanan sa likod, kundi ay makikita ng lahat ang itsura niya.
Sa nagdaang tatlong araw ay ni minsan, hindi niya tinititigan ang mga mata nito. Hindi niya magawa dahil palaging pumapasok sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon, palaging manginginig ang mga hita niya at nababasa ang pagkababae na tila naaalala nito ang nakakabaliw na sensasyong binigay ng binata sa kanya.
Hanggang sa ito na ang hindi nakatiis at kinulong siya kasama nito sa opisina mismo ng SK Chairman!
"Hindi mo matatakasan ang kapalaran mo, Heather. Kahit anong gawin mong pag-iwas sakin, alam nating pareho na magiging akin ka rin."
Habang binubulong nito ang mga katagang iyon ay hinahaplos nito ang kanyang mga hita, kahit pa nakasuot siya ng jogging pants.
Alam niya, nilang dalawa, na malapit na siyang bumigay at sumang-ayon na maging nobya nito. Konting push nalang ay magiging nobya na siya ng isa sa mga makapangyarihang tao sa probinsya nila, o di kaya ay sa buong Pilipinas.
Natatakam siya, hindi sa yamang meron ito, kundi sa kung pano mag-alaga at mag mahal ang isang Ethan Elizalde. Gusto niyang maramdaman kung gaano kainit ang mga bisig ng binata, kung gano kalalim ito mag mahal.
Siguro nga masyadong mabilis ang lahat, pero susugal siya. Worth it naman dahil sa isang Ethan Elizalde siya susugal.
---Awang ang labing nakatulala sa harap niya si Jinjin, malamang hindi parin nakakaget over sa rebelasyon niya. Sinagot lang naman niya si Ethan. Oo, ganon kabilis.
"Wow." Nasabi nito pagkatapos ng halos ilang minuto. "Ibang klase ka, Heather. Anong lucky charm meron ka at tila pinagpala ka ng langit?"
"Actually, gusto ko rin yang tanungin." Tatango-tango niyang sabi.
"Beh, prayer reveal! Sabihin mo sakin ngayon din ang kung anong ginawa para pagpalain ka ng ganito! Oh my god. Boyfriend mo, isang Ethan Elizalde? Ama namin, nasan naman ang sakin?~"
Napailing nalang siya sa kalokohan nito.
"Ang swerte mo, beh! I'm so happy for you." Naiiyak nitong ani saka niyakap siya ng mahigpit. Tinapik-tapik niya ito sa likod saka humiwalay sa yakap.
"Salamat. Don't worry, darating din ang sayo."
"Ako'y nananalangin." Naitulak niya ito.
---
"Kapitan, ito napo unang project ng SK Committee." Nilahad ni Heather ang mga papel sa mesa ng Barangay Captain nila.
Kinuha iyon ni Kapitan Jonas at binasa ang laman, pagkatapos ay napatingin sa kanya.
"Sinong may ideya nito?" Tanong nito.
"Si Chairman Elizalde po."
"Talaga ang batang yun oh." Napangisi at napailing ang Kapitan bago pinirmahan ito.
"Bakit po?" Natanong niya.
"Diba graduate ng Political Science si Ethan?"
"Opo."
"*Sigh* Di na nakapagtataka. Ang ganda ng pagkakagawa ng mga papeles na sinubmit niyo, parang batikan na sa ganito yung gumawa."
"Si Chairman Elizalde naman po talaga ang gumawa niyan, tinulungan lang po namin siya kasi may mga bagay na hindi siya pamilyar kagaya ng mga lugar na kaylangang ayusin."
"Bakit di mo siya ipasyal kapag may extra time kayo? Para makita niya kung may dapat na ayusin."
"Sige po."
BINABASA MO ANG
The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUS
RomansaAlta Sociedad Series Heather has been Ethan's steadfast supporter throughout his campaign for SK Chairman of their barangay. When he wins, they are thrown into the midst of a tribal war between the Madriaga-Elizalde and Azentin. As Heather navigate...