Lumipas ang buwan, dumating na ang SK Election. Sa unang araw ng botohan, kabado ang lahat sa magiging resulta, maliban kay Ethan.
"*Sigh* Sana all chill lang. Kuya Ethan, baka naman gusto mong i-share kung anong sekreto mo sa pagiging kalmado?" tanong ni Maudelin habang nakatambay sila sa tindahan ni Tita Bea.
Kasalukuyan silang nagmamasid sa botohan ng SK Election na kasabay ng Barangay election sa eskwelahan na malapit sa barangay hall. Kasama sina Maudelin, Colton, at Grayson sa partido ni Ethan.
"Kung kalkulado mo ang lahat, alam mo na ang magiging resulta." simpleng sagot ni Ethan habang kumakain ng chichirya.
"Minsan nagtataka ako kung ano bang sumanib sakin at tumakbo ako bilang Kagawad. Wala naman akong alam sa politika." Nakatulalang sabi ni Grayson habang nakasandal sa inuupuan nito.
"Don't worry. As I said, kalkulado ko ang lahat. Kasama kayo sa mga plano ko kaya mananalo kayo."
"Kung ikaw lang din ang magkokontrol sakin, why not." Natawa sila sa sinabi ni William.
"Kuya, wala naman sigurong cheat na magaganap?" tanong ni Colton.
Nag-smirk si Ethan. "Cheating is not in my vocabulary. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang manloko at manlokoko."
Napatango sila. Alam nila ang political history ng mga Elizalde. Hindi sila ang tipong lolokohin ka o mandaya tuwing eleksyon, o kahit pa nakaupo na sila sa pwesto. Kaya nga sila ang palaging binoboto ng mga tao sa kanilang probinsya dahil tinutupad nila ang mga pangako nila at hindi sila kurakot. Sa lahat ng politiko, ang pamilya Elizalde lang talaga ang maaasahan. Ilang beses na nila itong pinatunayan.
Para kay Ethan, planado na ang lahat.
Sa tingin palang nito sa kanya, alam nitong alam niya ang plano ni Ethan. Alam nitong malalaman niya ang lahat, kaya palagi nitong dinidikit siya tuwing nangangampanya o kapag may ginagawang politika si Ethan. Madali siyang kontrolin para dito, pero wala siyang maramdamang galit. Para bang okay lang sa kanya kahit ginagamit siya nito. Siguro dahil alam niyang mabuti ang hangarin ni Ethan sa lahat ng ito.
---
Kagaya ng sinabi ni Ethan, planado ang lahat kaya alam nilang ang partido nila ang mananalo sa SK Election. At hindi nga ito nagkamali.
Nanalo silang partido at si Ethan bilang Chairman.
Ngayon, kasama ang mga na-elect na bagong miyembro ng SK Committee, inaayos nila ang magiging opisina nila sa loob ng barangay hall. Tinulungan sila ng mga dating SK Committee member na tanggalin ang mga lumang gamit. Mga papeles lang naman ang mga iyon at ilang materyales.
"Baka kailanganin niyo ito." Inabot sa kanila ng dating SK Chairman ang isang maliit na kahon na puno ng mga dokumento.
"Anong mga ito?" tanong ni Colton habang tinitingnan ang mga papeles.
"Mga plano namin na hindi natuloy at iba pang mga proyekto ng mga nagdaang SK members. Yung iba, mga importanteng dokumento na tanging ang Chairman lang ang may hawak. Sige, aalis na kami." Bitbit ng mga ito ang mga kahon ng mga dating gamit.
Napabuntong hininga si Maudelin. "Andaming gagawin. Unang araw pa lang, stress na ako."
"Sabi sa akin ni Kuya Onyok, mas nakaka-stress daw ang mga Barangay officials." sabi ni Colton.
"Nasabi rin yan ni Kuya Jade. Lalo daw kapag nagsama ang SK Committee at ang Barangay officials sa isang proyekto, naku! Paniguradong iuumpog mo daw ang ulo mo sa pader." Segunda ni Grayson.
"Subukan na lang natin ang best natin." Napatango ang mga ito sa sinabi niya.
Nagpalakpak si Ethan upang makuha ang kanilang atensyon. Lahat sila ay tumingin sa kanya. "Celebrate tayo mamaya sa kainan nila Tita Alba, sagot ko lahat."
Naghiyawan sila.
BINABASA MO ANG
The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUS
RomanceAlta Sociedad Series Heather has been Ethan's steadfast supporter throughout his campaign for SK Chairman of their barangay. When he wins, they are thrown into the midst of a tribal war between the Madriaga-Elizalde and Azentin. As Heather navigate...