Trece

357 1 0
                                    

SK Chairman's Office...

"You already know about the conflict of Madriaga and Azentin, at ang iba pang mga pamilyang nadamay sa gulo." Napatango siya.

Sinong di makakaalam sa hidwaang nangyayari sa dalawang malalaki at makapangyarihang angkan ng probinsya namin. Ilang tao at pamilya ang nadamay ng dahil sa mga ito.

"The Elizalde's.... is the foundation of the Madriaga's. And they're targeting us to make the Madriaga collapse."

She's aware she look like a gapping fish right now.

Isa sa mga rason kung bakit kasali ang Elizalde sa Alta Sociedad ay dahil sa laki at rami ng koneksyon at pera ng mga ito. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit naging pundasyon sila ng mga Madriaga. Ngunit ng maalala niya pinagusapan ng mga ito kanina ay nagtaka siya.

"Kung ganon, anong tunay na dahilan mo kung bakit ka nandito?"

"To help the Madriaga win. After my parents death because of the Azentin's greed, the empire ordered me to avenge my parents and end this conflict."

"Empire?"

"That will be a secret for now."

"Kung ganon ang gagawin mo lang ay ang ipaghiganti ang mga magulang mo. Hindi ba masyadong delikado yun? At ibig bang sabihin nun ay papatay ka?"

His smile makes her shudder. "Of course, baby. That's already a given. Hindi mo magagawa ng maayos ang paghihiganti mo kung hindi mo dudumihan ang kamay mo. Pwede namang iba nalang ang gagawa nun para sakin, pero mas gusto ko talagang ako mismo ang gagawa nun."

Mahigpit siyang napahawak sa damit niya at napatingin sa sahig. "But... But killing is a sin."

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanta. He held her cheek and caress it. "As much as I don't want to dirty my hand because of you, it was an order from the empire that I can't and won't refuse. But don't worry too much, I can handle it. And besides," He softly hug her, "The Madriaga will finish the war. I'll just need to make sure of it."

"At kung hindi nila nagawa?"

"I'll make sure of it." Diin nito.

Napahigpit ang yakap niya dito.

Ayaw niyang isipin. Ayaw niyang isipin ang mga kailangan nitong gawin para lang sa paghihiganti. But on the bright side, his revenge is a big help to return the peace in their province.


---

"Alam niyo, nakakapagtaka na dito gaganapin yung Bodong. Eh ang layo ng Lumawig at Dayawlan tapos dito gaganapin?"

"Bakit ba pinoproblema mo ang mga bagay na yan? Malay mo trip lang nila diba? O di kaya kasi mas peaceful dito kaya ang lugar natin ang napili nila."

"Kung kaya nila napili ang lugar natin dahil peaceful, edi maganda! Ibig sabihin lang nun ay may pagbabago na sa lugar natin." Napatango kami sa sinabi ni Maudelin.

Hinihingal na pumasok si Grayson. "Heather, nakita mo ba si Chairman Elizalde? Hinahanap kasi siya nila kuya Fidel."

"Uhh... Sa tingin ko kausap niya yung mga barangay tanod sa basketball court." Sagot niya.

Napakamot ito sa ulo. "Ganon ba? Pwede bang ikaw ang tumawag sa kanya, kung wala kang ginagawa? Kailangan ko pa kasing kunin yung parachute sa bahay nila Kapitan."

"Sige, ako na."

"Salamat! Pakisabi kay Chairman na gusto siyang kausapin ni Kapitan sa opisina niya." Nagmamadali itong nagpaalam at umalis.

Inayos naman niya ang mga dokumento saka pinuntahan si Ethan sa basketball court. Kausap nga nito ang mga barangay tanod nila.

"Chairman!" Tawag niya habang palapit dito. Napalingon naman ito sa kanya.

"Yes?" Ani nito.

"Hinahanap ka daw ni Kapitan, gusto ka daw makausap sa opisina niya." Napatango ito saka nagpaalam sa mga kausap nito saka nagsimulang maglakad papunta sa Barangay hall, habang nakabuntot naman siya dito.

"Kapitan, hinahanap mo daw ako?" Bungad nito pagkabukas nito ng pinto. Hihinto sana siya sa labas ng pinto pero nahila na siya nito sa braso papasok ng opisina.

Muntik na siyang mabilaukan sa sariling laway ng makita kung sino ang nakaupo sa upuan ng Barangay Captain. Walang iba kundi ang kasalukuyang Governor ng probinsya nila.

"Ethan, siya nga pala ang Governor ng probinsya natin, Governor James. Gov, siya po ang Chairman ng SK Committee ng barangay namin, si Ethan Elizalde."

Tumayo ito at nilahad ang kamay sa nobyo. "Nice to meet you, Chairman Elizalde."

Tinanggap ito ni Ethan. "Likewise, Governor."

"Have a seat." Umupo sila Ethan at Kapitan Jonas sa upuang nasa harap ng Gobernador habang umupo naman siya sa may sofa na nasa gilid.

Tahimik lang siyang nakikinig at minsan ay nagta-take note kagaya ng sinabi ni Ethan sa kanya.

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon