Cinco

365 4 0
                                    

"Congratulations, satin! Cheers!"

"Cheers!"

Hiyawan at tawanan ang pumuno sa kainan nila Tita Alba. Inokupa talaga ni Ethan ang buong kainan para sa kanila. Dito nila ise-celebrate ang pagkapanalo nila sa pwesto.

"Chairman, isang speech naman diyan para sa pagkapanalo mo!"

Nagpalakpakan sila ng tumayo si Ethan habang hawak ang baso ng San Mig Light.

"First of all, gusto kong pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa akin, sa atin. Ipinapangako ko na gagampanan ko ng buong puso at katapatan ang pwesto na ibinigay at ipinagkatiwala sa akin. Muli, congratulations sa ating lahat!" Tinaas nito ang hawak na beer.

"CONGRATULATIONS!"

---

Halos mag-umaga na ng matumba ang lahat, at tanging siya lang yata ang hindi tinablan ng alak dahil bukod sa dalawang bote ng San Mig Light, ang pagkain ang nilantakan niya.

Kaya ngayon, inaalalayan niya si Ethan papasok ng bahay nito dahil medyo tinamaan ito ng alak. Pinaupo niya ang binata sa mahabang sofa na nasa sala at tinanggal ang sapatos at jacket. Pagkatapos, kumuha siya ng panyo at planggana ng maligamgam na tubig saka pinahiran si Ethan.

Mula sa mukha, leeg, kamay, at paa ay pinunasan niya ito. Gusto man niyang tanggalin ang damit at punasan kahit ang dibdib at likod nito na sigurado namang napawisan, hindi niya pwedeng gawin. Baka hindi iyon magustuhan ni Ethan pag nalaman nito kinabukasan.

Pero halos manlaki ang mga mata niya ng ito mismo ang nagtanggal ng damit nito at bumulagta sa kanya ang matipuno nitong katawan. Batak ang muscles nito at ang six-pack abs nito na kay sarap titigan.

Natampal niya ang sarili. Ayokong maging manyak.

Muling sumandal si Ethan sa sandalan ng sofa at tumingin sa kanya, habang siya ay parang tangang nakatunganga doon.

"Pati ang katawan ko, Heather. Hindi ako komportableng matulog pag hindi mo pinunasan lahat." Ani nito.

"M-mukhang kaya mo naman, kuya. I-ikaw nalang." Nanginginig niyang inabot dito ang basang panyo. Ngunit imbes na iyon ang abutin nito, ang kamay niya ang hinila kaya patagilid siyang napaupo sa hita ng binata.

"Kuya....!" Mahigpit siyang hinawakan sa beywang at halos manginig ang katawan niya ng humaplos ang magaspang at malaki nitong kamay sa tiyan niya, nalihis na pala ang damit niya hanggang sa baba ng dibdib niya.

Gusto sana niyang ayusin iyon at tumayo ngunit nilusot ni Ethan ang isa nitong braso sa likod ng tuhod niya at hinawakan mula sa ganong pwesto ang mga hita niya.

Bakit ba ako nagsuot ng shorts?!

"K-kuya..." Napakagat siya ng pangibabang labi ng nilapit nito ang mukha sa kanya.

Nanginginig siya nang magbigay ito ng malumanay na halik sa pisngi niya pababa sa kanyang leeg. Doon niya tinangkang pigilan ito.

"Kuya Ethan—"

"Sshhh, calm down. Wala naman akong gagawin sayo eh."

Eh anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon?!

Gusto niyang umiyak at magdabog. Binubully na naman niya ako!

"Heather, do you want to be my girlfriend?"

Napamaang siya. Parang kahapon lang ay nag-confess siya sa binata tapos ngayon ay aalukin siyang maging nobya nito?! Anong klaseng kalokohan....?!

"K-kuya Ethan, lasing yata kayo. Itulog mo nalang po..." Pilit siyang kumakawala sa mga kamay nito ngunit mahirap dahil sa posisyon nila. Lalo nitong hinigpitan ang hawak sa hita at beywang niya.

"Alam mong hindi ako ganon kalasing. Kaya sagutin mo ako, gusto mo bang maging girlfriend ko? Pangako ko sa'yo, magiging maginhawa ang buhay mo kapag ako naging nobyo mo." Bulong nito sa tenga niya habang patuloy ang pagpatak ng magaan nitong halik sa pisngi niya.

Gusto niyang sumang-ayon sa alok nito, pero mali. Parang mali.

Masyadong mabilis. Masyado pa siyang bata para sa mga ganitong bagay!

"B-bakit niyo po ba ako gustong maging nobya? Hindi naman po ako espesyal na babae para alukin niyo ng ganyan." Tumingin ito sa kanyang mga mata, at hindi niya magawang hindi tumitig doon. Para siyang hinihila ng mga ito.

"Kaylangan bang maging espesyal ka para maging girlfriend ko?"

Oo, dahil mahirap abutin ang isang katulad mo.

Gwapo ito, maganda ang pangangatawan at mayaman. Kasali sa Alta Sociedad ang pamilya nito. Kaya bakit aaluking maging nobya ang isang katulad niya ng binata? Ano bang meron sa kanya? Isa lamang siyang ordinaryong babae. Kaya bakit siya magiging nobya ng isang katulad ni Ethan Elizalde? Maling mali talaga.

"Heather, pag pumayag kang maging nobya ko, ibibigay ko sa'yo lahat ng gusto mo. Lahat ng luho mo, ibibigay ko. All you need to do is be mine. Maging akin ka lang, ibibigay ko sa'yo ang buong daigdig."

Napakunot ang noo niya. "Maging sayo lang ako?"

Isa lang ang alam niyang maibibigay niya dito: ang pagkabirhen niya. Ang katawan niya. Hindi kaya katawan niya ang habol ng binata? Ngunit kahit naman sabihing birhen siya, hindi naman ganon kaganda ang katawan niya kumpara sa mga virgin pa na maaaring nakilala nito sa Maynila at sentro. Maraming magaganda at sexy na birhen sa mundo kaya bakit siya ang gusto nito?

Alam niyang hindi ganong tipo ng lalaki si Ethan, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mangamba. Baka katawan nga lang niya ang habol nito.

"Maging akin ka lang. At ibibigay ko sa'yo ang lahat ng hilingin mo." Naitulak niya gamit ang isang kamay ang dibdib nito ng lalong lumapit ang mukha nito sa kanya.

"K-katawan ko ba ang habol mo? Kung ganon—"

"Hindi lang katawan mo, gusto kong angkinin lahat. Hanggang sa wala nang matira para sa ibang lalaki. Gusto kong angkinin ka, buong-buo, lahat sayo."

Nangilabot ang buong katawan niya.

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon