"Inom pa, Ethan. Kailangan nating i-celebrate ang graduation mo," lasing na sabi ng barkada niyang si Leon.
"Tol, nung isang linggo pa tapos yung graduation ko," pagod na ani ni Ethan. Natawa ang iba.
"Naghahanap lang yan ng dahilan para mag-inom," medyo sumisinok pang sabi ni Cristobal. Napailing nalang si Ethan.
"Oo nga pala, tol. Nakahanap ka na ba ng trabaho?" tanong ni Grayson.
"Yan, maghahanap ng trabaho? Hindi niya kailangan maghanap dahil sa galing nitong pare natin eh, trabaho ang maghahanap sa kanya." Umakbay pa ang lasing na si Kenji kay Ethan bago inisang lagok ang hawak na baso.
"Tama, kasi ikaw ang dapat na maghanap ng trabaho. Aba'y isang taon ka ng graduate noh! Wag mong sabihing habang buhay ka nalang na tricycle driver? Sayang ang diploma mo," biglang sulpot na sabi ni Anika kay Kenji habang nilalapag ang tray ng bagong order na pulutan.
"Eh nage-enjoy pa ako sa pagiging stress-free ko. Kapag nakahanap na ako ng trabaho, wala na akong oras para ligawan ka," tila naglalambing na sagot nito kay Anika.
Umirap ang dalaga. "Ewan ko sayo." Umalis na ito sa table nila at bumalik sa kusina ng kainan na nasa unang palapag. Habang napailing at natawa sila Colton. "Kaya ka palaging binabasted ni Anika, pare eh. Para kang walang direksyon sa buhay."
"Gayahin mo si Ethan, ayun at lumusot na naman para akitin si Heather," napatingin sila sa may cashier sa unang palapag sa sinabi ni Cristobal. Nandoon nga at nakasandal ang isang braso ni Ethan sa may table ng cashier at nakikipag-usap kay Heather, halata sa mukha ng dalaga ang kilig.
"Tangina? Kailan pa yan nandiyan?" kunot-noo at di makapaniwalang tanong ni Leon.
"Ewan," sagot ni Kenji.
Ngunguyain sana ni Kenji ang pulutan ng mahagip ng mata niya ang babaeng tatawid ng kalsada na katapat ng kainan. Glass wall kasi ang disenyo ng harap ng kainan habang nasa ikalawang palapag naman sila malapit sa railings nito na gawa sa kahoy.
Kinalabit ni Kenji si Grayson habang hindi inaalis ang tingin sa dalagang nakatawid na ng kalsada at papasok na sa kainan. "Tol, tol," tawag niya dito.
Kunot-noong lumingon sa kanya si Grayson bago sinundan ng tingin ang tinitignan ng kaibigan. Parang nag-evaporate ang kanilang kalasingan at halos magkanda-dapa para lang makapagtago sa railings ng hagdan.
"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!" pabulong na sigaw ni Cristobal.
"Aba, malay namin! Kanina pa tayo nandito eh," sagot ni Grayson.
"Paano si Ethan?" tanong ni Leon.
"Wala namang kinalaman si Ethan dito eh," sagot ni Kenji.
"Anong ginagawa niyo diyan?" napalingon sila kay Ethan na nakaakyat na pala at nawi-wirduhang nakatingin sa kanila.
"Yung babaeng namba-blackmail sa amin, nandiyan," mahina ang sabi ni Leon habang nakatago pa rin sila.
Lumingon si Ethan sa baba at nakita niya sa counter ang tinutukoy nila. Napangisi siya. "Diyan nalang kayo tumagay, mukhang umorder eh." Natawa siya ng mahinang umungot ang mga ito.
Mabilis na kinuha ni Kenji ang isang baso ng beer saka tinungga iyon sa kinauupuan. "Nga pala, yung suhestiyon ni Maudelin, bakit daw hindi mo samahan ng pera yung pangangampanya mo? Si Ford, isang libo ang binibigay sa mga kabataang boboto. Alam mo naman kung paano ang kalakaran ng mga tao dito sa Tagilimak, kung saan ang mas malaking ibibigay, doon sila."
Ethan tinapik ang daliri sa mesa habang tinitingnan ang bintana, nagmumuni-muni. "Hmm. Palakihan ba...?"
BINABASA MO ANG
The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUS
RomansaAlta Sociedad Series Heather has been Ethan's steadfast supporter throughout his campaign for SK Chairman of their barangay. When he wins, they are thrown into the midst of a tribal war between the Madriaga-Elizalde and Azentin. As Heather navigate...