Veinticuatro

207 3 0
                                    

"Kapitan." Napalingon ito sa kanya habang matalim parin ang tingin niya kay Kagawad Ernesto. "Dahil parang ako naman ang pinagbibintangan ng mga Kagawad mo, aakuhin ko. Ako na mismo ang magi-imbestiga kung saan napunta ang pondo." Pagkatapos niya iyong sabihin ay nagpaalam na siya at umalis.

Baka hindi pa niya makontrol ang emosyon at masuspende pa siya ng wala sa oras.

Pagkatapos umalis ni Ethan, natahimik ang buong kwarto. Nagulat nalang sila ng ibato ng Kapitan ang pen kay Kagawad Ernesto.

"Kapitan!" Gulat nilang tawag.

Dinuro niya ito. "Hindi ka na nahiya! Mas matanda ka pero ang inasal mo kanina ay parang naga-aral palang sa elementarya. Pagbintangan ba naman ang mga bata." Pagod siyang napaupo sa upuan niya kanina.

Lahat sila ay nakatayo kanina pa para sana handang awatin ang dalawa kung sakali mang magkasakitan na.

"Ano ba kasing alam ng batang yon sa politika? Porke't grumaduate siya ng Political Science? O galing sa pamilya ng mga politiko?"

Kunot noong napatingin ang Kapitan dito. "Hindi mo ba alam na mulat na ang mga tao ngayon? Lalo na ang mga kabataan? Ipakita mo man o hindi, alam nila ang mga nangyayari at ang katotohanan, wala ng maitatago ang gobyerno sa kanila. Natututo na sila sa mga pagkakamali ng mga magulang nila, sa pagkakamali ng nakaraan." Inayos niya ang pustora niya at dinuro ang mga ito. "Kaya kayo, matuto din kayo sa kanila. Matuto tayong lahat. Magbago narin kayo. Nakakahiya at baka lamangan pa kayo ng SK natin. Baka sila pa ang maging acting Barangay officials, may potensyal pa naman sila."

Pagkatapos nun ay umuwing nagkakamot ng ulo ang lahat.

---

Habang namamalengke sa Centro, hindi mapigilang masabi ni Mary ang nangyari sa Barangay hall ng tanungin siya ng ilang kakilala nila tungkol sa asawa niya.

"Ha? Nagkaroon ng away kahapon sa Barangay hall? Tungkol saan daw?"

"Nawawala daw yung pondo ng barangay para sa buwan na ito. Nagpa-meeting si Kapitan Jonas, pero nauwi rin sa pagtatalo. Lalo na sila Kagawad Ernesto at ang Chairman ng SK Committee, si Ethan."

"Eh tungkol saan naman daw ang pinag-awayan nila?"

"Pinagbintangan nila yung bata. Aba'y nasabi ko nga sa asawa ko ng kinuwento niya rin ang tungkol doon na anong kasalanan nung bata, bukod sa bago lang siya sa politika, galing pa siya sa pamilya ng mga politikong wala sa prinsipyo ang magnakaw ng pera ng bayan."

"At wag nating kalimutang siya ang SK Chairman. Dapat sana ay yung pondo ng SK ang binulsa niya kung ganon man siyang klase ng politiko."

Napatango sila. "Tama."

"Eh anong nangyari pagkatapos?"

"Ayun, pinatahimik din sila ni Ethan. Inako pa ni Ethan ang responsibilidad at siya na mismo ang nag-imbestiga kung saan nga ba napunta yung pera."

Napangiwi ang isa. "Hindi ba parang nakakahiya yung nangyari sa mga Barangay officials natin? Napatahimik sila ng isang SK?"

"At baguhan pa." Segunda nila.

"Aba'y hindi lang ang mga Barangay officials natin ang tinamaan at napahiya, pati na ang mga taong bayad ang boto."

"Ay nako! Buti nalang talaga at medyo tumino na ang ilan sa ka-barangay natin."

"At dahil yun sa asawa mo!" Sabi nila kay Mary.

"Ay oo. Alam niyo naman kung bakit tumakbong Kagawad ang asawa ko."

Lahat sila ay tumango.

---

"Uhm... Chairman." Napaangat siya ng tingin sa sekretarya niya, si Heather.

"What is it?"

Napakamot ito sa pisngi. "Mukhang.... famous ka ngayon. Hehe." Kimi itong napangiti.

Napakunot ang noo nito. "What?"

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon