Diez

360 2 0
                                    

Tatlong araw ang inabot bag tuluyang natapos ang clean up drive ng daan at ilog. At sa tatlong araw na iyon ay walang humpay din ang panlalandi ng mga dalaga, pati mga babaeng wala pang asawa kay Ethan na lalong nagpainis sa kanya. Tatlong araw na palaging mainit ang ulo niya.

Buti nalang at good boy ang nobyo at nilinaw nito sa mga ito na may girlfriend na ito pero hindi nito sinabing siya iyon. Okay din yun sa kanya para iwas hassle, mamaya baka buong probinsya na ang dudumog sa kanya niyan.

Kasabay ng stress niya sa school ay ang stress niya rin sa pagiging SK Secretary. Buti nalang at good vibes ang kanyang matalik na kaibigan na si Jinjin.

Such a lifesaver *sob*

"Oo nga pala, Heather. Yung tito Biyong mo...." Napalingon siya sa kaibigan ng banggitin nito ang asawa ng kapatid ng tatay niya, na isa sa mga Kagawad ng barangay nila. Nasa Centro talaga ang bahay kung saan nakatira ang tita Mary niya, minsan ay bumibisita siya sa mga ito, pero tumakbong Kagawad si tito Biyong sa kanila kaya palaging nandito ang tito Biyong niya.

"Bakit? Anong meron?" Kunot noo niyang tanong. Halata kasi sa mukha nito ang pagaalala kaya hindi niya maiwasang magtaka kung ano na namang chismis ang nasagap nito.

"Pinagchi-chismisan siya ng kabilang barangay, sabi daw nila kabit daw ng tito Biyong mo si Marta at may nakakita daw sa kanila ng mga alas-dose ng gabi na nakasakay ng motor ng tito Biyong mo papunta ng Centro."

Napakurap siya. "Alam ba ito ni tita Mary?"

"Hindi ko rin alam. Kumustahin mo nalang sila kapag nasa bumalik ka sa Centro."

---

"Tita Mary! Tita!" She hysterically shout after she enter her aunty's house.

"Ano ba yan, Heather. Bakit ka ba sumisigaw?" Kunot noong ani ng tita niya na nagkakape sa sala nila. Dali-dali siyang umupo sa tabi nito at binaba ang bag sa tabi ng inuupuang sofa.

"Tita, alam niyo ba yung chismis tungkol kila tito Biyong? Jusko! Nakaka-stress talaga ang mga barangay official natin!"

Napabuntong hininga ito saka sumimsim sa hawak na kape. "Yan na nga ang paulit-ulit kong sinasabi sa tito Biyong mo pero sinabi niyang hayaan nalang daw. Naku! Tumataas talaga ang dugo ko!"

"Ano bang sabi sa doon, Heather?" Sulpot ni Silas, ang pinsan niya at panganay ni tita Mary.

"Na kabit daw ni tito Biyong si Marta, na may nakakita daw sa kanila nung madaling araw na pumunta dito sa Centro."

"Kadiri naman niyan. Si Marta pa talaga? Eh malaking suso at pwet lang maipagmamalaki nun eh!" Natatawang ani ni Silas kaya hindi niya mapigilang matawa, sinamaan naman ito ng ina.

"Eh, hayaan niyo na. Lalong lalaki ang gulo kapag lalo niyong pinakialaman. Kaya ikaw Heather, magfocus ka nalang yang sa pagaaral at sa pagiging Secretary mo sa SK." Napatango siya sa sinabi ng tita Mary niya.

"Ako, ma, meron akong nakalap na chismis tungkol kay Heather." Nakangising sabi ni Silas habang naglalagay ito ng kape sa tasa nito.

"Ano na naman?" Pinandilatan niya ito habang nginunguya ang tinapay na kinuha niya sa mesang nasa harap nila.

"Boyfriend niya daw yung SK Chairman nila doon, si Ethan Elizalde." Naibato niya dito ang tinapay.

The SK Chairman's Dark Desire | ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon