Chapter 11

5 2 0
                                    


Author POV

Pagkatapos ng bonding nila Jared at Sofia ay naisipan na nilang umuwi.

"Thanks sa paghahatid Jared" saad ni Sofia habang tinatanggal ang seat belt.

"Sandali.." pagpigil nito.

"Ahm.. alam ko mali to pero gusto ko lang gawin" sabay unti unti lumalapit kay Sofia.

"Anong ginagawa mo?" pagtataka ni Sofia.

Hinalikan ni Jared si Sofia sa kanyang lips nito pero smack lang. Di maipinta ang mukha ni Sofia dahil sa halik.

"Goodnight see you again tomorrow" ngiting sambit ni Jared pagkatapos buksan ang pinto ng kotse niya.

Lumipat sa kabila si Jared at binuksan ito para makalabas si Sofia.

"Sofia.." sabi nito.

Lumabas na si Sofia at pumasok sa kanilang bahay. Nagdiretso ito sa kanyang kwarto at nahiga.

"Tangina mo Jared. Nawala na ang first kiss ko, arrgghh.." inis na sambit nito.

"Tama ba pagkarinig ko, nagkiss kayo ni Jared" biglang saad ng mommy ni Sofia.

Di niya namalayan na kanina pa ito nakatambay sa pintuan niya. Nakita niya rin na hinalikan ito ni Jared kanina kahit malayo.

"Nakita ko kayo kanina hinalikan ka niya. So don't deny it to me sweetie" saad ng mommy niya sabay upo sa kama.

"Yeah, he's steal my first kiss" saad nito habang nakatingin sa kisame.

"So nagkakamabutihan na pala kayo. Ipagpatuloy niyo lang yan" saad ng mommy niya.

"Mommy, alam mo naman na di ko gusto si Jared. Isa pa hindi siya ang tipo ko" pag angal ni Sofia.

"Anak, Jared is a nice guy at gusto ka ng mommy niya. Pwede mo naman siya bigyan ng chance" pag encourage ng mommy niya.

"Di ko alam mommy kung mabibigyan ko siya ng chance" nasambit na lang ni Sofia.

Kinabukasan, naisipan ni Jayvee na magkita sila ni Sofia dahil may gusto itong sabihin na importante sa kanya. Sa kanyang paghihintay sa tambayan nila ay isang tunog ang pumukaw sa atensyon ni Jayvee. Isang text messeges galing kay Sofia na ang sabi ay malapit na daw ito kaya naman naghintay na lamang si Jayvee sa pagdating ni Sofia.

Sofia POV

Malapit na ako sa aming tagpuan ni Jayvee. Kagabi kase matutulog na sana ako ng magtext siya na mag uusap kami ngayon at importante daw ito kaya naman pumayag na ako. Sa totoo lang, mas close na kami ni Jayvee ngayon simula noong nagkita kami sa park at nagpakilala siya. Kaya naman hindi na siya iba sa akin. Ngayon ay nakarating na ako sa aming tagpuan, malayo palang kita ko na nandoon na nga talaga siya naghihintay sa akin. Habang lumalapit ako mas lalo akong kinakabahan sa mangyayari ngayong araw. Hindi ko alam kung anong importante ang kanyang sasabihin.

"Jayvee..." tawag ko sa kanya.

"Ah Sofia.." saad niya sabay usog sa upuan.

"Ano pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Ahmm.. kase Sofia, gusto ko lang aminin sayo yung nararamdaman ko sayo.." panimula niya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi at di ko alam ang aking isasagot.

"Ano?" saad ko na lang.

"Sofia, gustong gusto kita noon pa. Nawalan lang ako ng lakas ng loob para sabihin noon sayo 'to. Alam ko hindi ako mayaman katulad mo pero kaya kong ibigay ang pagmamahal na meron ako para sayo" lintanya habang nakatingin sa aking mga mata.

"Jayvee, gusto ko rin malaman mo na.. gusto rin kita" pag amin ko.

Pagkasabi ko yun ay napatigil siya at halatang hindi siya makapaniwala dahil akala niya hindi ko siya magugustuhan.

"Hindi ako bumabase kung anong estado mo sa buhay. Basta ang alam ko gusto na rin kita Jayvee at yun ang aking nararamdaman siguro nga higit pa din gusto kita kundi mahal na kita" sambit ko habang siya nakatingin lang sa akin at parang luluha na.

"Pero sabi nung lalake girlfriend ka niya" sambit niya.

"Si Jared yun Jayvee. Matagal na siyang may gusto sa akin pero ako hindi ko siya gusto, sinabi niya lang yun sayo para maniwala ka" saad ko naman.

Natahimik bigla si Jayvee sa sinabi ko pero makalipas ang ilang minuto ay bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko naman at niyakap rin siya pabalik.

"Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya Sofia" saad nito at naramdaman kong nakangiti siya habang sinasabi yun.

Pagkatapos ng pagyayakapan namin ay umalis na kami sa park at pumunta sa resto para kumain.

"Dito ako madalas kumakain, restaurant kase ito ng tita ko" saad niya habang papasok kami sa loob.

Umupo kami at siya na nag order para sa aming dalawa. Ilang minuto ay dumating na din at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ng dalawang minuto ay natapos na kami at sobrang nabusog kami sa pagkain.

"Hooo!! nabusog ako hahaha..." saad niya habang hinihimas ang tiyan niya.

"Tara may pupuntahan pa tayo" alok niya.

Next destination namin ay nagpunta kami sa mall kung saan pinuntahan na namin ito ni Joseph. Naglaro kami ng kung ano ano at masasabi kong ito ang aming first date. Sa puntong yun, iniisip ko na ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ang makasama at makabonding ang aking mahal. Nagawa na namin ito ni Jared pero iba ang saya ko ngayon kase si Jayvee ang kasama ko. Pagkatapos namin sa mall ay bumalik kami sa park para tunghayan ang paglubog ng araw.

"Ang saya ko ngayong araw.." sambit niya habang nakatingin sa langit.

"Ako rin salamat sa lahat Jayvee.." saad ko rin habang nakatingin sa kanya at muling binalik sa langit ang tingin.

"Papalubog na ang araw. Alam mo bang ito yung pinakagusto ko sa lahat, masilayan ang paglubog ng araw kasama ang taong mahal ko. Para sa akin, nagpapahiwatig ito ng panibagong araw at panibagong kinabukasan" saad niya habang nakatingin sa sunset.

Muli kaming dinalaw ng katahimikan. Paglipas ng ilang minuto ay nagpasya na kaming umuwi dahil maggagabi na din at pinasakay ko siya sa aking kotse para ihatid sa kanilang bahay.

"Salamat Sofia sa paghahatid mo sa akin" sambit niya na nakangiti.

"Wala yun ikaw pa simula ngayon lagi na tayong magkikita" sambit ko rin  na nakangiti.

"Sige ba basta pag day off ko anytime lalabas tayo" sambit niya ulit.

Niyakap niya ako ng matagal. Habang nagyayakapan kami isang tinig ang pumukaw sa aking atensyon at nang tinignan ko ito ay isang Jared ang nakatayo sa aming harapan.

"Sofia.. anong ibig sabihin nito?.." pagalit na sambit niya.

Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Jayvee.

"Girlfriend ko na siya.." sambit nito sa kanya at hinawakan ang aking kamay.

Kita ko sa mukha ni Jared ang pagkabigla niya nang hawakan ni Jayvee ang aking kamay at unti unti itong lumapit kay Jayvee at tinitigan ng masama sabay yukom ng kanyang kamay dahil sa galit pagkatapos ay umalis na siya.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon