Chapter 6

6 2 0
                                    


Author POV

Makalipas ang isang buwan na pag stay ni Sofia sa baryo nila Jayvee ay mas gusto na niya dito tumira at di na babalik sa Manila. Si Joseph na naman ay umuwi na sa Manila dahil pupunta siya ng States para dun ipagpatuloy ang kanyang pag aaral. Kampante naman si Joseph na maiiwan niya ang kanyang pinsan sa baryong iyon dahil may mga kasambahay naman siyang kasama.

Sa kabilang banda naman, si Jayvee ay patuloy parin sa kanyang med school. Nagtry siya magtake ng board exam, ayun sa resulta nakapasa siya at laking pasasalamat niya sa panginoon dahil narinig niya ang kanyang dalangin. Sobrang tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay makakamit na niya ang kanyang pangarap. Si Jane naman ay patuloy parin sa kanyang training dahil mas matindi parin kase yung gagawin nilang training dahil sasabak sila sa malaking gyera. Hindi na rin sila masyadong nagkikita ni Jayvee dahil busy na rin sa kanya kanyang buhay.

Isang araw, si Sofia ay naisipan lumabas muna ng bahay para mamasyal sa park tabi ng dagat kung saan dun sila tumatambay sila Jayvee at Jane.

"Ang ganda naman dito tsaka malapit sa dagat" saad niya sa kanyang sarili habang minamasdan ang paligid.

Pumikit siya ng ilang sandali at nag inhale exhale. Pagkatapos ay binuksan na niya ang kanyang dalawang mata. Ngunit may nakikita siyang isang imahe na magkasama sila ng papa niya at naglalaro sila ng habulan. Di maiwasan umiyak ni Sofia dahil sa alang ala na yun. Sobrang miss na miss na niya ang kanyang ama. Ngunit paparating naman si Jayvee sa tagpuan nila ni Jane pero nagtataka ito dahil may nakita siyang babae na nakaupo kaya naman minasdan niya muna ito tsaka lumapit.

"Hi miss" bati niya kay Sofia.

Bumalik sa wisyo si Sofia at pinunasan ang kanyang luha at umayos ng upo. Naupo naman si Jayvee sa tabi nito at muling natahimik silang dalawa. Di na natiis ni Jayvee ang katahimikan kaya siya na ang unang nagsalita.

"Miss, umiiyak ka ba?" tanong niya sabay tingin kay Sofia.

"May naalala lang ako" tugon ni Sofia.

"Ganun ba.. siya nga pala ako si Jayvee" pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay abot ng kamay kay Sofia.

Tinignan muna ni Sofia ang kamay ni Jayvee bago tignan ang mukha nito. Ngayon ay napagtanto niyang si Jayvee ang lalaking kanyang secret admirer.

"So-sofia" sabay abot ng kamay at nagshakehands sila.

Ngunit naramdaman ni Jayvee na parang malamig ang kamay ni Sofia siguro sa kaba o pagkabigla ni Sofia kaya ganun ang kamay niya. Binitawan na ni Sofia ang kamay ni Jayvee at umaayos ng upo.

"So bakit ka umiiyak?" tanong muli ni Jayvee kay Sofia.

"Naalala ko lang yung happy moments ko past years ago. Pasensya na kung nakita mo akong umiiyak kanina" sabay punas ulit ng luha at sumighot.

"Okay lang yan. Ganyan talaga pag may naalala ka bumabalik" sabi ni Jayvee.

"Sa totoo niyan... naalala ko si daddy..." unti unti na naman umiiyak si Sofia.

Kinuwento ni Sofia ang nangyari sa daddy niya 10 years ago. Namatay ang daddy niya dahil sa car accident dahil nalaman ng daddy niya na may ibang lalake ang mommy niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila okay ng mommy niya. Mas close kase sila ng daddy niya. Habang nagkwekwento si Sofia nakikinig naman sa kanya si Jayvee.

"Galit na galit si daddy noon dahil sa ginawa ni mommy. Ako naman nasa kwarto lang ako noon nakikita ko silang nag aaway. Sinampal ni daddy si mommy dahil sa nalaman niya. Umalis si daddy ng bahay noon at ilang oras ko siya hinintay na bumalik kaso may nabalitaan kami" mahabang kwento niya kay Jayvee sabay nag uunahan lumandas ang luha nito.

"May nakapagsabi na may isang lalake silang nakita sa may bandang tulay malapit sa kabundukan. Sabi nila nawalan ng preno ang sinasakyan nito at bumangga sa may puno. Dahil dun pinuntahan namin ni mommy at confirm daddy ko yung na aksidente" bumuhos ang luha ni Sofia dahil hindi na niya ito napigilan.

"Ito, gamitin mo muna" alok ni Jayvee ng panyo niya kay Sofia.

"Salamat" sabay punas ng luha.

"Grabe naman pala nangyari sa daddy mo. Pareho lang naman din tayo nawalan ng mahal sa buhay" sabi niya kay Sofia sabay tingin.

Nagsimula na din magkwento si Jayvee at si Sofia ay nakinig din.

"Yun nga lang magkaiba tayo. Si mama namatay dahil sa cancer niya sa puso" sabay tingin sa malayo.

Biglang napatigil si Sofia sa nalaman niya kay Jayvee at tinignan ito habang nasa malayo ang tingin.

"Di na niya kinaya yung sakit niya kaya bumitaw na siya. Kaya wala kaming nagawa kundi tanggapin na lang din. At least kasama na siya ni Lord diba" kwento niya sabay tingin kay Sofia na ngayon ay nakatingin parin sa kanya.

Muli na naman sila dinalaw ng katahimikan at nagkatitigan. Ngunit si Sofia na unang bumitaw at tumayo na ganun din si Jayvee.

"Uhm.. sige alis na ako. See you again.. Jay-Jayvee" utal niyang sabi tapos umalis na.

Wala na nga nasabi si Jayvee at sinundan na lamang niya ng tingin si Sofia habang papaalis.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon