Chapter 9

3 2 0
                                    


Sofia POV

"I'm back.." sabi ni Jared habang nakangiti.

Kinuha ko ang kamay niya at pumunta sa malayo para hindi kami marinig ni Jayvee.

"Anong ginawa mo dito?" pagtatakang sabi ko.

"Nandito ako para sayo kase mahal kita, Sofia" sabi nito habang hinahawakan ang aking kamay.

Ngunit binitawan ko rin ito. Sa di kalayuan. napapansin kong tumitingin sa aming diretso si Jayvee kaya naman bumalik ang tingin ko kay Jared.

"Di ba sinabi ko na sayo na hindi kita gusto. Bakit ba ang hirap mong kausapin, Jared" inis na sambit ko sa kanya.

"Mahal kita Sofia. Di ko kayang mawala ka sa akin. Nagmamakaawa ako sayo mahalin mo naman ako, Sofia" pagmamakaawa niya sa akin sabay luhod.

"Tumayo ka nga dyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao" saad ko habang tinitignan yung mga tao pati na rin si Jayvee nakatingin na sa amin.

Di ko na natiis kaya pumayag na ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman kong hindi ako makahinga dahil sa pagkabigla.

"Ja- Jared.. nahihirapan ako.." saad ko habang kumakawala sa pagkayakap.

"Sorry.. sorry. Nadala lang ako sa saya ko" masayang sambit niya.

Nararamdaman kong nahihilo ako at unti unti na mawawalan ng malay. Bago  ako mawalan ng malay naramdaman kong  may sumalo sa akin at pakiramdaman ko hindi si Jared ito.

Jayvee POV

Agad na akong lumapit kung saan naroroon sila Sofia. Malayo palang pakiramdam ko nang mawawalan na siya ng malay. Kaya dali dali akong pumunta sa kanya at sinalo ko siya.

"Sofia..." saad ko habang ginigising siya.

"Hey dude, ako na magdadala kay Sofia sa hospital" pag agaw ng lalake sa akin kay Sofia.

"Hindi na kailangan, nawalan lang siya ng malay" sambit ko naman.

"Akin na si Sofia dadalhin ko siya sa hospital. Tsaka pwede ba layuan mo girlfriend ko" pagsusungit ng lalake at inagaw sa akin si Sofia.

Jared POV

Dinala ko si Sofia sa malapit na hospital at agad na tinawagan ang mommy niya.

"Hello tita. Si Sofia po nawalan ng malay at dinala ko siya dito sa malapit na hospital" sabi ko kay tita sa telepono.

"Ano! Sige pupuntahan ako dyan" aligagang saad ng mommy ni Sofia.

Sinabi ko ang address at mga ilang minuto ay nandito na ang kanyang mommy.

"How's my daughter? Okay na ba siya?" pag aalala nito sa kanyang anak.

"Wala pa po sinabi ng doktor tita. Kumalma lang po kayo magiging maayos din siya" sabi ko naman habang pinapaupo siya.

"Ano ba nangyari bakit umabot sa ganito?" tanong ng mommy niya.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at sinabi ko rin na pumayag siya na ligawan ko ang anak niya. Ngunit parang hindi masaya ang mommy ni Sofia sa balita ko. Mga ilang minuto ay lumabas na ang doktor sa ER at agad naman kaming tumayo ni tita nita at nilapitan siya.

"Dok, ano po lagay ng anak ko" bungad agad ni tita sa doktor.

"Actually, she's fine now. Tumaas lang ang blood pressure niya at nawalan siya ng hininga kaya siya nagkaroon ng panic attack" saad ng doktor kay tita.

"Ganun ba dok salamat po" saad ni tita na malungkot.

"At may isa pa kaming napansin. Hindi normal ang heart beat niya. May nakitaan kami na bumibilis at bumabagal ang heart beat niya kaya may posibilidad umatake ulit ang sakit niya sa puso. Just in that case, maaari siyang mamatay pag hindi ito inaalagaan ng mabuti" dagdag na saad ng doktor.

Nanlumo kami ni tita sa sinabi ng doktor at nalungkot na rin. Hindi pwedeng masaktan si Sofia kase hindi normal ang heart beat niya at may posibilidad na mawala siya sa amin.

"Maraming salamat  po ulit  dok " saad ko naman bago pinaupo si tita sa may upuan.

After an hour, nilipat na si Sofia sa recovery room at dun siya nagpahinga. Hinintay naman namin ni tita na gumising siya. Ngunit isang tawag ang nagpatigil sa aking pagmumuni muni.

"Hello mom" bungad ko kay mommy.

"I heard nasa hospital ka kasama si Nita" saad ni mom sa akin.

"Ah yes po mom. Inatake kase si Sofia kanina kaya dinala ko dito sa malapit na hospital but she's stable now mom kasama niya si tita Nita sa loob" sambit ko habang nakatingin sa loob ng recovery room.

"Ahm, sige po mom. Mamaya na lang po kita balitaan" saad ko bago pinatay ang call at naisipan na lumabas muna para bumili ng makakain namin ni tita.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon