Chapter 22

3 2 0
                                    


Author POV

Ngayong araw na ito ang pinakahihintay ng lahat ang matunghayan ang kasal nila Sofia at Jared. Masayang masaya ang bawat dumalo sa kanilang kasal. Ilan sa mga dumalo ay mga malalapit nilang kaibigan at kapamilya. Sa kabilang banda naman ay busy sila sa pag aasikaso sa bride sa pagmamake up at pagpapaganda sa kanya dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal.

"You look beautiful, my dear daughter" ngiting sambit ng mommy ni Sofia habang nakatingin sa anak sa salamin.

Sa kabilang dako naman, hirap na hirap pa din si Jayvee sa pagtatanggal ng kanyang pagkakatali.

"Aah.. aah.. aahh.." sambit niya sabay kagat sa tali.

"Bwisit.." inis na sambit niya pa.

Pumasok naman ang dalawang tauhan ni Jared para bantayan siya. Tumigil naman ito sa kanyang ginagawa at minamasdan niya lang sila na nag uusap. Habang minamasdan niya ang dalawa, may napansin siyang isang basag na salamin at unti unti niya itong kinukuha gamit ang kanyang paa ngunit nahihirapan ito dahil nasa pintuan ang dalawang tauhan ni Jared habang nag uusap. Pasulyap sulyap lang siya sa dalawa para hindi halatang may ginagawa siya. Ngunit bigla itong napatigil nang marinig na ngayon na pala ang kasal nila Sofia at Jared kaya naman nakinig muna siya.

"Balita ko ngayon na daw ang kasal nila boss Jared at ma'am Sofia" saad ng isang tauhan.

"Oo nga, ngayon na daw tsaka nasa simbahan siguro sila at ilang oras na lang magsisimula na yun" saad naman ng kasama niya.

"Ang swerte ni boss ang ganda ng mapapangasawa niya. Maputi tapos tisay" saad naman ulit ng isa.

Pagkarinig ni Jayvee yun ay bigla naman siya napaisip.

"Hindi pwede yun.. hindi siya pwedeng maikasal sa hayop na Jared na yun. Ngayon alam ko na ang tunay niyang kulay" saad ni Jayvee sa kanyang loob.

Kaya minadali niyang kinuha ang isang pirasong basag na salamin.

Jared POV

Sa wakas ay matutupad na aking pangarap na makaisang dibdib si Sofia. Simula ngayon aalagaan ko na siya. Sa totoo lang hindi pa siya magaling minsan naaawa na ako sa sitwasyon niya pero ngayon under recovery pa siya. Nandito ako ngayon sa dressing room nag aayos dahil ilang oras na lang magsisimula na ang aming kasal. Sa pag aayos ko sa aking sarili, pumasok naman si daddy at nagcongratulate sa akin.

"Sa wakas hindi ka na binata anak. Congratulations" saad niya sa akin ni daddy.

"Thank you daddy.." ngiting sambit ko sabay yakap.

"Alagaan mo si Sofia. Huwag mo siyang sasaktan at iwan" paalala naman sa akin ni daddy.

"Oo naman daddy, ako pa" sambit ko naman sabay turo sa aking sarili.

Nagkatawanan naman kami ni daddy at tumunog naman ang kanyang cellphone tinignan niya ito at sabi sa message ay nasa simbahan na daw ang pari. Kaya naman umalis na kami ni daddy at nauna na sa simbahan.

Jayvee POV

Pagkarinig ko yun ay bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Jared na matutuloy ang kasal nilang dalawa at ngayon na yun magaganap. Iniisip ko palang yun kinakabahan na ako parang may mangyayaring masama dahil hindi pa okay si Sofia dahil naririnig ko mula sa dalawang tauhan ni Jared. Kaya naman minadali kong kinuha ang isang pirasong basag na salamin at unti unting tinatanggal ang pagkakatali ko.

Sa wakas ay natanggal ko na rin ngunit hindi muna ako gumalaw dahil lumapit ang isang tauhan para icheck ako. May nakita siyang basag na salamin sa gilid ko at kinuha naman niya ito pagkatapos ay tinignan niya ako. Pagtingin niya pinalo niya ako gamit ang baril niya sa bibig ko at napatagilid ako.

Sa pagkakataon na ito, ako naman ang lumaban. Tumayo ako at binugbog siya hanggang sa mawalan ito ng malay. Dumating naman ang isa pa nitong kasamahan at pinapaputukan ako ngunit umiwas ako at kinuha ang baril ng kasamahan niya tapos pinagbabaril ko siya hanggang sa mamatay. Pagkatapos ng engkwentro ko sa kanila ay minadali ko ang aking paglabas. Ngunit sa aking paglabas ay may nakikita pa akong kasamahan nila kaya mahihirapan ako nitong makalabas.

Sofia POV

Hindi ko alam kung anong meron basta nakasuot ako ng puting gown at nasa simbahan ako. Nakikita ko sila mommy at pinsan ko kasama sila daddy at mommy ni Jared. Tsaka iba pa naming mahahalagang kapamilya na dumalo ngayon sa kasal. Ngayon ay lumalakad ako papunta sa altar dun ko na realize na ikakasal pala ako. Pagkatapos ay tumingin ako sa gawing kanan at nakita ko ang aking magiging asawa. Pagtingin ko, nakita ko si Jayvee nakangiting tumingin sa akin. Napapansin kong napapaiyak siya sa tuwa dahil magiging asawa na niya ako at bubuo ng isang pamilya. Pagdating ko sa harap niya, nagmano siya kay mommy bilang paggalang pagkatapos ay binigay niya sa akin ang kanyang palad at agad ko naman ito hinawakan papunta sa altar. Nagkatinginan naman kami pagkatapos ay sinimulan na ang seremonya.

Jayvee POV

"Tangina" napamura na lang ako sa aking sarili dahil ang dami nila.

Nandito ako ngayon sa likod ng drum nakaupo habang minamasdan ang mga tauhan ni Jared. Nahihirapan akong makatakas dahil marami silang nakabantay sa akin. Tinignan ko naman ang aking hawak na baril at tinignan ang bala nito parang di ko sila kayang ubusin dahil konti na lang ang bala. Nagdahan dahan ako sa aking paglalakad para hindi nila ako makita. Nagpunta ako sa madilim na sulok malapit sa bahagi ng pintuan para makalabas. Nang marating ko ang pintuan, bigla ako napatigil nang may makita akong isang tauhan nila malapit sa labasan na nagbabantay. Nag isip naman ako ng paraan kung paano papatumbahin ang taong ito dahil pag pinutok ko ang hawak kong baril tiyak mapapasabak ako sa gyera. Kaya naman ang tanging ginawa ko na lang ay binato siya ng baril sa ulo at binugbog siya hanggang sa nawalan ito ng malay. Pagkatapos lumabas na ako at tumakbo papunta sa sasakyan. Sa aking pagtakbo ay may narinig akong isang sigaw sabay putok sa akin.

"Si Jayvee nakatakas!!" sabi ng isang tauhan at pinagbabaril ako.

Sa wakas ay narating ko na rin ang sasakyan at dali dali itong pinaharurot papunta sa simbahan kung saan ginanap ang kasal nila Sofia at Jared.

Author POV

Pagkatapos ng buong seremonya at pagbibigay ng vows sa isa't isa nila Jared at Sofia ay ito na ang pinakahihintay ng lahat ang matunghayan ang kanilang unang halik sa harap ng altar at sa mga tao. Ngunit kanina habang ginaganap ang seremonya may napapansin na si Sofia na kakaiba at bumalik na din siya sa katinuan. Nang nagharap sila ni Jared ay hindi niya aakalain na siya pala ang papakasalan niya ang buong akala niya si Jayvee yun ngunit nagkamali siya.

"You may now kiss the bride" sambit ng pari kay Jared.

Unti unti naman tinataas ni Jared ang belo ni Sofia para halikan ito. Nang matapos ito ay tinitigan niya muna si Sofia sabay ngiti at unti unti nilalapit ang kanyang mukha kay Sofia ngunit ng malapit na niya ito mahalikan ay isang tinig ang umalingasaw sa loob ng simbahan.

"ITIGIL ANG KASAL!!"

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon