Chapter 17

4 2 0
                                    


Jayvee POV

FLASHBACK

Pagkauwi nila Sofia ay muling bumalik sa aking isipan ang sinabi niya kanina na ipapakasal siya kay Jared. Mahirap tanggapin yun para sa akin kase mawawala siya sa piling ko at mahal na mahal ko siya. Sa aking pag iisip, bigla kong naramdaman na may tumapik sa aking balikat at pagtingin ko si papa pala ito.

"Anak" sambit ni papa.

"Bakit po pa" sambit ko rin sabay tingin.

"Halika rito maupo tayo" sambit niya ulit.

Naupo kaming dalawa ni papa sa mahabang upuan at tumingin sa akin.

"Ano ba iniisip mo anak?" tanong ni papa sa akin.

"Uhm.. tungkol po ito kay Sofia, pa" tugon ko naman tapos umayos ng upo.

"Kaya siya umalis kanina sa kanila kase may nangyari dahil sinabi niya sa akin na ipapakasal siya kay Jared yung lalake kanina na kasama ng mommy ni Sofia siya yun, pa" lintanya ko kay papa.

"Ah, yung mayabang na lalake. Siya yung ipapakasal kay Sofia?" pagklaklaro naman ni papa.

"Opo siya nga, pa" sambit ko naman.

"So, anong desisyon mo anak. Pumayag ka ba?" saad niya ulit.

Bigla ako natahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko at muli na naman ako nag isip ng paraan.

"Pa, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Ano magiging desisyon mo?" tanong ko kay papa baka sakaling may makuha akong punto nya.

"Para sa akin anak... mahirap tanggapin yun lalo na mahal na mahal mo yung tao. Isa pa.. siya ang pinakaimportante sayo" sagot ni papa.

"May punto ka naman dun pa at alam ko rin naman yun. Kaso.. iniisip ko rin yung condition ni Sofia kase may sakit siya sa puso. Pag may nangyari sa kanya baka ako pa ang sisihin ng mommy niya pag hindi ako pumayag. Tapos baka ako pa yung dahilan pag hindi natuloy ang kasal nilang dalawa. Tsaka isa pa kahit papaano komportable akong maaalagaan siya ni Jared dahil alam ko may mabuti rin siyang puso. Natatabunan lang siguro ng sama ng loob dahil inagaw ko sa kanya si Sofia" mahabang sambit ko kay papa.

"Kung yan ang desisyon mo anak susuportahan kita sa lahat" sambit ni papa sabay ngiti sa akin.

END OF FLASHBACK

Nabalik ako sa realidad ng maalala yung pinag usapan namin ni papa. Nandito ako ngayon sa park kasama si Jane hinihintay namin ang paglubog ng araw.

"Ang ganda talaga ng sunset no bes.." ngiting saad ni Jane.

"Oo nga.. ang sarap pagmasdan kumbaga may meaning bawat paglubog niya" saad ko rin.

"Pansin ko lang bes, bakit ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba?" biglang saad ni Jane.

"Ah, wala bes.." saad ko rin sabay tingin sa kanya na nakangiti.

"Bes.. alam ko may problema ka sabihin mo na makikinig ako" pagpupumilit ni Jane sa akin sabay harap.

"Kase bes.. gusto ko nang makipaghiwalay kay Sofia" sambit ko sa kanya.

"Ano?! Bakit naman bes?" gulat na saad ni Jane.

"Dahil magpapakasal sila ni Jared at ayokong mahirapan siya lalo na may sakit siya sa puso" sambit ko naman sa kanya.

"You mean, naka arrange marriage silang dalawa?" gulat na sambit niya ulit kase hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo bes, parents nila gumawa ng desisyon. Sabi sa akin ni Sofia hindi siya pumayag kaso pagtumutol ako baka may mangyari pa at baka madamay si Sofia" sambit ko naman sabay tingin sa kalawakan.

"Pero bes, mas masasaktan si Sofia pag ginawa mo yun. Hindi mo ba naiisip yung mararamdaman niya pag sinabi mo yun. Mas lalo siyang hindi pumayag at baka mauwi pa yan sa pagtatanan niyong dalawa mahirap yun bes " mahabang lintanya ni Jane.

Tama naman si Jane pareho kaming masasaktan lalo na pag naghiwalay na kami. Yun lang kase naiisip ko na paraan ang hiwalayan siya kase ayokong maging sagabal sa kanila kase mayaman sila mahirap lang ako kaya wala akong laban.

"Yun lang tanging naisip ko bes. Alam ko masasaktan ko siya.. pero iniisip ko rin na.. magiging sagabal lang ako sa kanila. Mayaman sila ako mahirap, ano laban ko dun?" tugon ko naman sa kanya.

"Ano naman masama dun nagmamahalan lang kayo wala naman kayong ginawang masama tsaka isa pa hindi basehan ang yaman o hirap ang mahalaga mahal niyo ang isa't isa" nasambit naman ni Jane at halatang support siya sa pagmamahal namin ni Sofia.

"Paano si Sofia.. matatanggap kaya niya ang magiging desisyon mo?" tanong ni Jane.

Muli ako natahimik sa sinabi ni Jane kase hindi ko alam kung matatanggap ba ni Sofia ang magiging desisyon ko at mas lalong mahirap tanggapin na makita siyang maikasal sa ibang tao. Pero hindi na ako uurong tanggap niya man o hindi yun na ang magiging desisyon ko.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon