Chapter 1

7 1 0
                                    

Jayvee POV

Hi I'm Jayvee Carl Torres, 21 years old single at nag aaral ng medisina. Ngayon ay nasa school ako para sa aming examination. Ilang buwan na lang matatapos na ako sa aking pag aaral at matutupad ko na rin ang aking mga pangarap sa buhay tulad ng pagiging isang registradong nurse. Sa wakas ay natapos ko na ang exam. Paglabas ko ng room nakita ko si Jane ang aking girl bestfriend.

"Bes, kamusta exam mo, nahirapan ka ba?" Tanong nito sa akin.

" Sus, basic lang yun sa akin bes" pagyayabang ko naman.

"Nga pala saan punta natin?" Tanong ko kay Jane.

"Syempre kakain tayo. Ilang oras kaya ako naghintay sayo, ang tagal mo kase" reklamo naman niya.

"Sige dun tayo kila tita marie. Sabi kase ni papa may bago daw silang menu na patok ngayon sa resto nila tsaka gusto ko din yun matikman" saad ko habang kami ay naglalakad patungo sa sakayan.

Ngayon ay kasalukuyan kaming nagbyabyahe ni Jane papunta sa resto ng aking tiyahan. Ilang oras palang ay nakarating na kami dahil medyo malapit lapit lang ito sa school namin. Mula palang dito sa labas ay kita na namin yung dami ng tao at mukhang wala na kaming mapwepwestuhan ni Jane. Pagpasok namin ay agad ko na nakita si papa na busy sa kanyang mga customers.

"Pa!" Tawag ko sa kanya.

"Oh, anak nandito pala kayo" saad ni papa.

"Ah opo pa. Naisipan kase namin ni Jane na dito kami kumain para matikman yung bago niyong menu" saad ko.

"Oo nga anak. Kita mo naman marami kaming customers" sabi ni papa.

"Kita nga namin pa, bungad palang tsaka wala na kaming mapwepwestuhan dahil sa dami" sabi ko habang nililibot ang aking paningin.

"Tito, may bakante po ba kayo dyan kahit sa kusina na lang po kase gutom na gutom na ako" sabi ni Jane kase rinig ko yung kulo ng tiyan niya hehehe.

"Ah meron dun sa kusina. Halikayo mga anak" saad ni papa.

Pumunta nga kami sa kusina nila at dun na kami inasikaso. Binigyan nila kami ng bago nilang menu na gusto namin tikman ni Jane.

"WOW! Ito na ba yun tito?!" Manghang saad ni Jane.

"Oo naman iha. Tinatawag yang solid fish with fried rice" saad ni papa.

"Tara bes tikman na natin" excited na sabi ni Jane.

"Sige ba kanina ka pa gutom na gutom" nakangiti kong sambit.

Tama si papa solid fish with fried rice ang kanilang bagong menu. Solid fish ito na tinanggal yung tinik sa loob at nilagyan ng iba't ibang seasoning na siyang nagbibigay lasa at pinalibutan ito ng fried rice na may hinalong sahog din kumbaga ang tawag ay java rice.

Tahimik kami kumakain ni Jane. Habang sila papa at tita ay busy sa pag aasikaso sa kanilang mga customers. Ilang oras ay natapos na kami kumain at binayaran na ito bago umalis ng resto nila.

Naisipan muna namin ni Jane na dumaan muna sa malapit na dagat sa may sidewalk at dun kami muna nagtambay bago umuwi. Ilang oras rin ang tinagal namin dun dahil nagkwentuhan pa kami about sa aming mga future. At ayun nga mukhang maggagabi na kaya naisipan na naman umuwi.

"Bes, bukas ulit" ngiting sambit ni Jane.

"Sige bes magkita na lang tayo bukas sa school" ngiti ko din pabalik.

Pumasok na ako ng bahay at dumeretso sa kwarto at inihiga ko muna.

"Hayy..." sabi ko.

Ilang oras ay di ko namamalayan nakatulog na pala ako.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon