Chapter 10

4 2 0
                                    


Jayvee POV

Di ko inaakala na ganon ang nangyari kay Sofia. Nalungkot ako nang nakita ko siyang binuhat ng isang lalake para dalhin sa hospital. Inaamin ko nagugustuhan ko na si Sofia. Simula noong nakilala ko siya, hindi na nawala si Sofia sa isip ko. Hindi ganun kadali ang pinagdaanan ko, lagi ko siyang sinusubaybayan pag umaalis siya ng bahay nila. Minsan, napansin ko din tila ba'y may nararamdaman itong sakit. Pero pag tinatanong ko sabi niya hindi lang siya makahinga kaya ganun daw na sumasakit yung dibdib niya pero hinahayaan ko na lang.

Lumipas ang mga araw na unti unti ay nahuhulog na ako kay Sofia. Sa dami ng mga babae bakit sa kanya pa ako may pagtingin. Subalit kanina ay talagang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ng lalake na girlfriend niya si Sofia. Nasaktan ako kase naman wala naman sinabi sa akin si Sofia na may boyfriend na pala siya. Sa aking pag iisip di ko namalayan na nasa harap na pala ako ng kapatid ko.

"Kuya.." sambit niya habang kinakaway ang kanyang kamay sa aking mukha.

Nabalik ako sa ulirat at umayos ng upo.

"Ahmm..." sambit ko.

"Iniisip mo si ate Sofia no kuya" saad naman ni Rose.

"Hindi ah.. tsaka bakit ko naman iisipin yun.." pagsisinungaling ko habang inaayos ang aming paninda na kakanin.

"Kuya, halata naman na nagseselos ka kanina. Nakita ko nga ang lungkot mo nung binuhat ng lalake na yun si ate Sofia" kwento naman ng kapatid ko.

Ito talagang kapatid ko na 'to, minsan marami na din itong alam. Pati na rin pala kanina napansin niya yun.

"Hayy.. alam mo ang dami mong alam.. ang bata mo pa para sa mga ganyan" saad ko habang pumapasok sa loob ng bahay pero sinundan niya pa rin ako.

"Kuya.. gusto mo na ba si ate Sofia?" biglang tanong nito sa akin.

Muli akong napatigil sa aking ginagawa at hinarap siya. Naupo kaming dalawa sa gilid at sinabi ko na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa nararamdaman ko kay Sofia.

"Alam mo bunso.. sa totoo niyan, gusto ko na si Sofia. Hindi ko alam kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya hindi gaya ni Jane na matagal na kaming magkaibigan. Alam ko hindi ako magugustuhan ni Sofia dahil mahirap lang tayo at isa tayong pobre. Kaya kaninang kinuha sa akin si Sofia nang lalake na yun nag iba ang pakiramdam ko nalungkot ako at nagselos dahil boyriend niya pala yun" mahaba kong lintanya sa aking kapatid.

"Ang ibig mong sabihin kuya boyfriend ni ate Sofia yung lalake kanina, eh wala naman siya kinuwento sa atin tsaka sabi niya marami siyang manliligaw" saad naman ng kapatid ko.

"Ayun na nga bunso.. wala na tayong magagawa dun. Kung totoo man yun tatanggapin ko na lang. Ang pinagtataka ko bakit laging nahihimatay si Sofia  at laging naninikip ang dibdib niya hindi kaya may sakit siya?" ang pinagtataka ko.

"Ako din kuya lagi ko yun napapansin sa kanya" pagtataka rin ng kapatid ko.

Kahit ano pa yan nararamdaman niya malalaman ko rin yan.

"Ang mabuti pa bunso bantayan mo na lang yung paninda natin sa labas" pag uutos ko naman sa kanya tsaka siya lumabas.

Naiwan ako dito sa loob na nakaupo parin tsaka nagmuni muni pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Author POV

Paglipas ng ilang araw....

Nagsimula nang pumasok sa trabaho niya si Jayvee. Nag apply siya bilang isang nurse malapit sa kanilang baryo. Fernandez General Hospital ang pangalan ng hospital na kanyang inapplyan. Mga ilang araw lang ay natanggap na siya at ngayon ay naghahanda na siya sa kanyang first day sa pagtatrabaho.

"Bye bunso.. bye pa.. ingat kayo.." paalam niya sa papa at kapatid niya bago umalis.

Masaya siyang umalis sa kanilang bahay dahil ito ang unang araw niya sa kanyang trabaho. Pagdating niya sa hospital ay nagtungo ito sa may desk at tinanong kung saan ang room ng mga kasama niyang nurses. Pagkatapos ay tumungo siya doon na masaya at dala dala ang kanyang gamit.

Sa kabilang banda naman, si Sofia at Jared ay masayang nagbobonding dahil si Jared ay patuloy parin sa panliligaw kay Sofia.

"Sofia, I'm so happy that you give me a chance to court you" saad niya habang nakatingin kay Sofia na nakangiti.

"Wala yun Jared. Ligawan palang naman to tsaka hindi pa ako ready mag asawa" saad naman ni Sofia.

5 days nang nanliligaw si Jared kay Sofia. Simula noong dinala ito sa hospital, lagi na itong dumadalaw sa bahay nila at dinadalhan ng flowers at chocolates. Hindi na rin muna umuwi si Sofia sa bahay ng kanyang ama dahil bilin ito ng kanyang mommy.

"As long as you here, I won't stop courting you and loving you, Sofia. Hindi rin kita iiwan kase mahal na mahal kita. Sana sa pagkakataon na ito mapagbigyan mo na ako maging kasintahan mo. Hindi naman kita minamadali pero gusto ko lang yun malaman mo" confession nito kay Sofia habang nakatingin sa mga mata nito.

"Alam ko noon binasted mo ako kase playboy ako at basagulero pero kahit ganun pa man Sofia gusto ko lang malaman mo na nagbago na ako para sayo. Kahit nasa States ako ikaw parin iniisip ko kase ganun kita kamahal Sofia" pagpapatuloy nito.

"Jared, alam mo ba kung bakit hindi pa kita sinasagot kase hindi pa ako ready pumasok sa relasyon at isa pa may sakit ako sa puso. Ayaw ko masaktan ka Jared pero sana intindihin mo din sitwasyon ko" lintanya ni Sofia.

"Sabi ko nga diba hindi ako nagmamadali, hihintayin kita Sofia. Nandito lang ako hinding hindi kita iiwan" sambit nito kay Sofia.

Wala na nga nasabi si Sofia kundi nagbuntong hininga na lamang ito kay Jared tsaka tumingin sa malayo.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon