Chapter 12

5 2 0
                                    


FLASHBACK

Jared POV

Naisipan kong puntahan si Sofia sa kanilang bahay pag uwi ko galing sa trabaho. Nang dumating ako sa kanila nagtanong ako sa maid at ang sabi nila wala ito may pinuntahan daw. Kaya naisipan kong pumunta sa baryo dun sa dati niyang tinitirhan ngunit sarado naman ito. Tinawagan ko siya ng ilang beses ngunit can't be reached. Umalis na ako sa bahay na yun at pinuntahan sa tagpuan namin kaso wala dun. Kaya naisipan ko ulit tawagan pero ganun pa din can't be reached.

"Nasaan ka na ba Sofia.." saad ko sa king sarili.

Maggagabi na ngunit wala parin siya. Kaya naisipan kong bumalik muli sa kanilang bahay para magtanong pero mommy niya ang nakausap ko.

"Good evening po tita. Nandito na ba si Sofia?" tanong ko sa mommy niya.

"I thought may pinuntahan siya something that important daw" saad nito habang nag scroll sa magazine na hawak niya.

"Saan kaya naman nagpunta yun?" tanong ko ulit kay tita.

"Siguro sa friend niya dun sa baryo kung saan nakatira yung daddy niya" saad ulit ni tita.

Sa pagkasabi ni tita ay agad na akong nagpaalam sa kanya at agad na akong nagtungo sa baryo. Pagdating ko dun ay nakita ko na silang dalawa masayang nag uusap. Sa sandaling iyon, ay lumabas na ako at nilapitan silang dalawa. Ngunit isang eksena ang muli kong nasilayan. Nagyakapan silang dalawa at nakita ko ang ngiti nila habang magkayakap para bang may nangyari sa kanila ngayong araw. Di ko na natiis nilapitan ko na sila at inagaw ang atensyon.

"Sofia, anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya nang humiwalay sa yakap nila.

Sasagot na sana siya ngunit si Jayvee ang sumagot.

"Girlfriend ko na siya..." sambit nito at sabay hinawakan ang kamay ni Sofia.

Sa puntong yun ay di ko na alam ang aking magiging reaction, kung magugulat ba o magagalit. Ako dapat yun, ako nauna sa kanya. Ako dapat yung mahal ni Sofia hindi si Jayvee. Bakit ganun bakit parang nasasaktan ako ng marinig ko yun. Bakit siya pa pinili ni Sofia over me. Matagal na akong nanliligaw sa kanya high school pa lang kaming noon niligawan ko na siya. Naghintay ako sa kanya ng 8 years para sagutin niya ako kase yun ang gusto niya. Pero sa nakita ko at natunghayan ko hindi ko alam anong gagawin ko basta ang ginawa ko na lang nilapitan ko si Jayvee at tinignan ito ng masama.

END OF FLASHBACK

"Aaarrrggg!" sabi ko sabay suntok sa pader.

Nandito ako ngayon sa bahay nag iinom nag isa dito sa bar section namin dito kami madalas umiinom ni papa pag may problema kami. Nilagok ko ang isang bote ng vocka at binuhos ito sa aking ulo pagkatapos ay tinapon ko ito sa gilid at ito'y nabasag. Nagbukas ako ulit ng isa pa at nilagok ito. Iinom pa sana ako kaso may umawat sa akin pagtingin ko si daddy ito.

"Tama na yan.." saad ni daddy at umupo sa tabi ko.

"Masakit ba anak.." sambit ni daddy habang naglalagay ng iced cube sa kanyang baso.

"Alam ko ang pakiramdam ng masaktan anak kase naranasan ko na yan noong ganyan pa ako kaseng edad mo" dagdag niya habang naglalagay ng alak sa baso naming dalawa.

Nilagok ko ulit ito at ganun din si daddy.

"Bakit ganun dad.. ginawa ko naman lahat diba? Bakit kulang parin sa kanya yun. Sabihin mo nga sa akin.. anong kulang sa akin na meron siya, bakit mas pinili niya yung Jayvee na yun kesa sa akin" sambit ko kay daddy at uminom ulit ng alak.

"So, may iba pa pala nanliligaw kay Sofia" sabi ni daddy sabay inom.

"Hindi na nanliligaw yun.. sa katunayan sila na agad kanina ko lang nalaman yun" sambit ko habang naiiyak pero dapat di ko ipapakita kay daddy kaya lumagok ako ulit.

"8 years ako naghintay sa kanya pero sa iba rin pala siya magkagusto. Gustong gusto ko kanina suntukin yung Jayvee na yun nagtimpi lang ako kase nandun si Sofia at ayaw kong may mangyari sa kanya" sambit ko kay daddy.

"Isa lang gusto kong maipapayo sayo anak. Layuan mo na lang si Sofia" sambit nito.

Ngunit napatingin ako sa gawi niya. Hindi pwede yun, hindi pwedeng habambuhay sila magiging masaya ng Jayvee na yun.

"Alam mo ba sinasabi mo?" saad ko kay daddy.

"Hindi ako pwedeng magpatalo sa Jayvee na yun. Gagawa ako ng paraan para hindi sila maging masaya" sambit ko kay daddy habang unti unting binabasag ang baso na hawak ko.

"Aarrgghh.." sabay bitak ito.

Nararamdaman kong tumtulo ang dugo sa aking kamay at may bubug pa ito na naiwan. Ngunit hindi ko maramdaman yung sakit dito kundi sa aking puso. Nasasaktan ako pag naiisip ko yung nakita ko kanina. Tatandaan ko ang araw na ito ang araw na sinaktan ako ng taong mahal na mahal ko.

Sofia POV

Pagkahatid ko kay Jayvee ay umuwi na ako. Habang nasa byahe ako, iba yung nararamdaman ko biglang nanikip ang aking dibdib ngunit di ko yun pinahalata sa driver ko baka isipin niya umatake na naman yung sakit ko.

Pagdating ko ng bahay ay nakita ko si mommy sa may sala nanonood. Tumigil ako sandali sa harap niya at hinalikan ito sa pisngi pagkatapos ay tumalikod na ako.

"Nga pala sweetie, nagkita ba kayo ni Jared?" tanong ni mommy.

Pagkarinig ko yun, biglang bumalik sa aking isipan ang nakita niya sa amin ni Jayvee kanina. Napansin ko nasaktan siya sa sinabi ni Jayvee dahil halata sa kanyang mga mata kahit hindi niya ito sabihin sa harapan namin.

"Ah oo mommy nagkita kami kanina" sambit ko habang nakatalikod ako sa kanya.

Wala na nga ako nagawa kundi pumasok na ako sa aking kwarto at naisipan kong tawagan si Jared. Pagbukas ko nakatanggap ako ng 20 missed calls sa kanya kanina. Naisipan ko siyang tawagan ngunit call ended. Kaya minessege ko na lang siya pagkatapos ay nagbihis na ako ng pantulog at natulog na ako.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon