Chapter 23

4 2 0
                                    


Still Author POV

"ITIGIL ANG KASAL!..." sigaw ni Jayvee sabay tingin sa kanya ng mga tao lalo na kina Sofia at Jared.

"Sino ba 'yan?"

"Bakit ganyan ang itsura niya?"

"Kaano ano niya ba si Sofia?" yan ang mga ilan sa naririnig ni Jayvee mula sa kanyang paligid.

Samantala, sila Jared at Sofia naman ay nagulat sa pasabog ni Jayvee. Nakakuyom ang kanang kamay ni Jared dahil sa galit niya kay Jayvee at sinira niya din ang okasyon na dapat sa kanila lang ni Sofia. Hindi na niya ito kayang pigilan pa gustong gusto na nitong patayin si Jayvee. Si Sofia naman ay naiiyak na dahil sa wakas ay nakita na niya muli si Jayvee. Nagkatitigan sila kahit malayo ang pagitan nila. Sinumpa man ni Jayvee na hindi na sila magkikita pero dahil sa ugaling meron kay Jared ay hindi na niya ito pinalampas pa dahil ayaw niyang mapunta si Sofia sa taong nagpapanggap na mabait katulad ni Jared. Sa ngayon ay lumapit na si Jared sa kinaroroonan ni Jayvee na puno ng galit sa kanyang mga mata.

"Hayop ka!" sabay labas nito ng baril sa kanyang bulsa.

Nagulat ang mga tao nang makitang may hawak na baril si Jared at tinutok kay Jayvee. Muling nagkagulo ang mga tao at nagsilabasan silang lahat. Habang ang iba ay nasa harap ng altar. Ngunit si Sofia naman ay naisipan na lumapit na sa kinaroroonan nila habang pinagmamasdan ang ginagawa nila.

"Ano masaya ka na?!.. Sinira mo ang kasal namin ni Sofia!.." sigaw na saad ni Jared habang nakatutok parin kay Jayvee ang baril niya.

"Kailan man hindi magiging sa'yo si Sofia dahil isa kang demonyo!!.." sigaw din ni Jayvee.

"Ang sabihin mo naiinggit ka lang.. kase ako ang pinili ng mommy niya at hindi ikaw! Tsaka hindi ba pinahirapan na kita. Bakit hanggang ngayon buhay ka pa!" taas na boses ulit ni Jared.

"Oo, pinili ka niya kase yun ang gusto nila. At ngayon nakita ko na ang pagiging masamang tao mo. Nararapat lang na hindi ka niya pakasalan!" galit na sambit ni Jayvee.

"Hindi nababagay si Sofia para sayo kung hindi nababagay ka sa impyerno!" sambit niya muli sabay taas ng baril na hawak niya.

Biglang pinapaputok ni Jared ang gantilyo ng baril niya dahil sa pagtitimpi niya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, si Sofia ang nabaril dahil sinalo niya ang bala na dapat kay Jayvee.

"SOFIAAAA!!!" buong saad ni Jayvee pagkatapos ay dali daling sinalo si Sofia.

Nagulantang naman si Jared sa nangyari. Nagulat siya at unti unting binibitawan ang kanyang baril. Nabaril niya si Sofia malapit sa kanyang puso. Sa hindi naman kalayuan, walang tigil ang pag iyak ng mommy ni Sofia habang pinagmamasdan ang nangyari sa kanyang anak.

"Sofiaaa..." sambit ni Jayvee habang nasa kandungan niya si Sofia sabay yakap.

"Sofia.. huwag mo akong iwan.. mahal na mahal parin kita" sambit niya muli sabay haplos sa mukha ni Sofia habang umiiyak.

"Tulooong!!.. tulungan niyo kami!!.." sigaw ni Jayvee habang hawak si Sofia.

Ilang minuto ay dumating na ang mga pulis at ambulansya. Hinuli ng mga pulis si Jared at pinasosan. Samantala, minadali naman dinala si Sofia sa hospital kasama si Jayvee. Pagkarating nila ay agad nila dinala sa emergency room. Ilang sandali ay dumating naman ang mommy ni Sofia at dumating din ang papa at kapatid ni Jayvee. Niyakap nila si Jayvee habang umiiyak. Sa gilid naman umiiyak mag isa ang mommy ni Sofia dahil nag aalala rin ito sa kanyang anak.

Makalipas ang isang oras ay hindi parin lumalabas ng ER ang doctor at mas lalo silang nag aalala kay Sofia dahil sa condition at tama ng baril.

Naisipan naman ni Jayvee na pumunta sa simbahan ng hospital na ito at muling nagdasal.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon