Chapter 18

5 2 0
                                    


Author POV

After 2 weeks later...

Makalipas ang dalawang linggo ay hindi na nagkita pa sila Jayvee at Sofia. Mula noong nalaman ni Jayvee ang kasal nila Sofia at Jared ay hindi na siya nagparamdam kay Sofia kahit calls and messages ni Sofia ay hindi na sinasagot ni Jayvee. Sa kabilang banda naman, patuloy parin si Jared sa pagbibisita kay Sofia minsan binibigyan niya ito ng bulaklak pagbumibisita siya. Si Sofia naman ay tinatanggap na lang pag nandyan ang mommy niya. Ngunit hindi masaya si Sofia sa pinapakita niya mas lalo siyang naging aktibo simula noong ma arrange sila ng kasal. Sa katunayan, bumalik na rin ang feelings niya para kay Sofia kaya naman hindi na ito tumigil sa pagpapakita niya ng pagmamahal kay Sofia.

"Good morning po, manang" bati niya sa maid.

"Magandang araw din po, sir Jared" bati rin ng maid.

"Nandyan ba si Sofia ngayon?" tanong niya naman.

"Nasa kwarto niya po sir" saad ulit ng maid.

Nagtungo si Jared sa kwarto ni Sofia at kumatok ito.

"Sofia..." sabay tuktok sa pinto.

"Sofia.. tok²... tok²..." saad niya ulit.

Bumangon naman si Sofia mula nang marinig ang katok ng kanyang kwarto. Agad siya nagtungo sa pinto at binuksan.

"Ikaw na naman!" inis na sambit niya kay Jared.

"Di ba sabi ko sayo liligawan ulit kita?" saad naman ni Jared sabay bigay ng bulaklak.

Kinuha naman ito ni Sofia at nilagay sa upuan niya sa loob ng kwarto niya. Sasarado niya sana ito ngunit pinigilan siya ni Jared.

"Wa-wait Sofia..." pagpigil niya.

"Ano na naman ba, Jared!" inis na sambit niya kay Jared.

"I just want to ask you for a simple date, can you come with me? Just for today, please.." paghingi ng pabor ni Jared kay Sofia.

Tinitigan lang ni Sofia si Jared habang naghihintay ito sa sagot niya.

"Oo na nga!" saad ni Sofia pagkatapos ay sinara ang pinto.

Tuwang tuwa naman si Jared dahil sa huli pumayag din siya na makipagdate.

Sa kabilang dako naman, naghahanda si Jayvee para sa kanyang sasabihin kay Sofia. Alam niyang mahirap ito pero yun ang kanyang desisyon alang alang sa kanila ni Jared.

"Sana mapatawad mo ako, Sofia" saad niya sa kanyang sarili sa harap ng salamin bago umalis.

Lumabas na siya ng kanyang kwarto at tumungo sa sala. Naabutan niya na nandoon ang kanyang papa na nanonood ngunit hindi ito pinansin kaya nagpatuloy na lang siya.

Sa kabilang dako naman, nakabihis na si Sofia simpleng dress lang ang ginamit niya dahil sila lang naman ni Jared ang magkasama.

"Look simple but beautiful, my Sofia" sambit ni Jared sabay ngiti kay Sofia.

"Tara na nga dami mo pa sinasabi" saad naman ni Sofia at nauna nang lumabas.

Nagtungo ang dalawa sa mall para mag unwind. Habang naglalaro sila, naaalala ni Sofia ang ginawa nila dati ni Jayvee kaya napatigil ito at agad naman ito napansin ni Jared.

"Hey Sofia, what's going on? Relax mag enjoy ka lang " saad ni Jared sabay shoot sa ring.

Umalis naman si Sofia at sinundan naman ito ni Jared.

"Wa-wait.. saan ka pupunta?" saad niya ng maabutan niya si Sofia.

"Alam ko na manood na lang tayo.. tara" sambit niya ulit pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Sofia.

Pumunta sila sa sinehan at nanood ng palabas. Habang nanonood, si Jared lang ang natutuwa sa kanyang pinapanood habang kumakain ng popcorn samantala si Sofia naman ay nakatingin lang. Ilang segundo lang ay napapansin ulit ni Jared na tulala lang si Sofia at hindi siya masaya sa pinapanood nila.

"Sofia naman.. date natin ito dapat nag eenjoy ka" saad nito sabay gulo ng buhok dahil sa frustration.

"Ano bang pakealam mo?" sambit naman nito pagkatapos ay tumayo at umalis.

"Haysst" yun na lang nasabi ni Jared pagkatapos sinundan niya ng tingin si Sofia habang papalabas ng sinehan.

Lumabas ng sinehan si Sofia at naupo sa may upuan malapit sa bilihan ng popcorn. Si Jared naman ay sinundan niya si Sofia at agad niya itong nakita. Ngunit hindi niya muna ito nilapitan pinagmasdan niya lang.

"Alam ko si Jayvee parin mahal mo pero hindi ako makakapayag na habambuhay kayong magiging masaya dahil gagawin ko ang lahat para lang mapa sa akin ka, Sofia" sambit nito sa kanyang sarili dahil mahal niya rin si Sofia.

Ilang sandali lang ay nilapitan na niya si Sofia at napansin na tulala ulit ito dahil nakatingin lang siya sa malayo. At sinundan naman ito ni Jared kung saan ito nakatingin. Nakatitig lang si Sofia sa babae na may hawak ng teddy bear na bigay sa kanya ng boyfriend niya. Sa nakita niya muling bumalik sa isip niya ang ganoong sitwasyon nila ni Jayvee noon.

FLASHBACK

"Pumili ka na Sofia ng teddy bear na gusto mo" masayang sambit ni Jayvee kay Sofia habang nakatingin sa mga stuff toys.

"Yun na lang. Ang cuteee.." masayang sambit ni Sofia habang tinuturo yung pink na teddy bear.

"Kuya, ibigay mo nga sa girlfriend ko yang pink teddy bear na yan" sabi ni Jayvee sa tindero at binigay naman ito sa kanya.

Binayaran naman ito ni Jayvee pagkatapos ay binigay kay Sofia. Masaya naman si Sofia ng makuha niya ito.

"Gusto kong bigyan ng pangalan yan.. hmm... Jayvee" sambit niya naman sabay tingin sa teddy bear.

"Bakit naman Jayvee?" tanong naman ni Sofia.

"Syempre pagwala ako sa tabi mo o mamiss mo ako titigan mo lang yan. Isipin mo na ako yang teddy bear na hawak mo" ngiting sambit niya kay Sofia.

Ngumiti lang si Sofia kay Jayvee sabay hug sa kanya nito.

"Thank you, Jayvee. Thank you sa lahat lalo na ang pagmamahal mo sa akin" ngiting sambit naman nito kay Jayvee.

END OF FLASHBACK

Nabalik sa realidad si Sofia ng maalala yung magandang moment nila ni Jayvee noon at tinapik naman siya ni Jared sa balikat nito.

"Sofia, tara umuwi na tayo.." saad naman ni Jared.

Tumayo na si Sofia at umalis na sila ng mall. Umuwi na sila at pagkatapos ng tatlong oras ay nakarating na sila. Nauna nang lumabas si Sofia ng kotse ngunit ng dumaan ito sa harap ay nakita niya si Jayvee na nasa harap ng kanilang bahay.

"Jayvee..." saad niya ng makita niya ito dahil ilang araw silang hindi nagkita.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon