Chapter 3

9 1 0
                                    

Jayvee POV

"Haayy... " unat ko sa aking dalawang braso.

Bumangon na ako at binuksan ang aking bintina ng aking kwarto at napalanghap ng sariwang hangin.

"Hmm.. umaga na pala, tirik na rin ang araw" sabi ko sa aking sarili at nanatili muna ng ilang oras para makalanghap ng hangin.

Pagkatapos ay inayos ko na ang aking hinigaan at pumunta na sa kusina para magluto ng aming uumagahan. Pero bago yun pumasok muna ako sa banyo para sa daily routine ko. Pagkatapaos ay tumungo na ako sa lamesa upang magtimpla ng kape at mag batil ng itlog at inihanda ang kawali at pinainit ito.

Habang ako ay busy sa aking ginagawa, gising na si papa at inihanda ko na ang kanyang kape at pinagtimpla ko siya. Noon si mama gumagawa ito pero ngayon wala na siya dahil namatay ito sa sakit ng puso. Mahirap sa amin na tanggapin na wala na ang aming ilaw ng tahanan pero kalauna'y natanggap rin namin ito. Mahirap kase yung mawalan ng magulang lalo na yung pag may family day talagang maiinggit ka dahil kasama nila yung mga nanay nila at kompleto pa ang pamilya nila.

"Oh pa gising ka na po pala. Ang aga niyo naman po gumising ngayon. Anong oras po pala kayo papasok ng trabaho niyo" tanong ko kay papa

"Mga alas otso anak. Aasikasuhin ko muna kayo ng kapatid mo kahit ngayon lang" sagot  naman ni papa.

"Huwag na po kayo mag alala sa amin papa kaya naman namin ni Rose gawin lahat ng gawaing bahay. Tsaka sabado naman ngayon pa kaya okay lang kami. Mamayang hapon pa naman yung pasok ko sa school baka nauna na rin si Jane dun kase may training sila na gagawin" mahabang lintanya ko kay papa at ngumiti rin.

"Ang swerte ko naman kase may mga anak ako na mababait at masisipag tsaka pogi at maganda pa" pagbibiro naman ni papa.

Natawa na lang ako sa sinabi ni papa at sumabay din siya. Binigay ko na kay papa yung kape niya at hinigop na ito. Ako naman bumalik na sa aking ginagawa at tinapos na ito. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ni Rose para gisingin siya.

"Bunso, gising na tanghalin na oh" saad ko habang binubuksan yung bintana ng kwarto niya.

"Kuya naman ehh.. inaantok pa akoo.." sabay unat at bangon.

"Bangon ka na dyan at ayusin mo na yung higaan mo. Naghihintay na sayo si papa sa kusina sasabay daw kayo kakain magdidilig pa kase ako" mando ko sa kanya.

"Sige po kuya babango na po ako" saad naman niya.

Umalis na ako sa kwarto niya at lumabas ng bahay muna para magdilig ng halaman. Habang ako ay nagdidilig ng halaman ay may umagaw sa aking atensyon. May paparating na isang kotse na magara at mamahalin na nagpark sa kabilang bahay malapit kila Jane. May lumabas na isang babae na maputi, maganda at tisay, mahaba ang buhok at medyo maliit ang kanyang biyas. At may isa pang lalake na kasama niya siguro ito yung shota niya pogi siya at maputi kaya bagay sila. Sa pagmamasid ko sa kanila, di ko namamalayan na pinansin na pala ako ng babae at ako naman ay nagmadaling bumalik sa aking ginagawa at natisod pa ako sa bato sa pagmamadali ko.

Sofia POV

Hi I am Sofia Claire Fernandez, 18 years old at single. Maraming nanliligaw sa akin pero wala ako matipuhan sa kanilang lahat. I want to find a man na hindi mahalaga ang materyal na bagay at gwapo kundi sa gawa at pagpapakita ng kagandahang kalooban. Paglabas ko sa aking kotse ay bumungad sa akin ang isang baryo kung saan dito lumaki ang aking ama. Lumabas din ng kotse si Joseph ang aking pinsan galing States last week ago.

"What the fuck insan.. is this your hometown? Look parang squatter area" reklamo naman niya habang naglilibot ang kanyang mga mata.

Masasabi ko lang na para siyang babae kung magreklamo at umarte dinaig pa ako sa pag aarte niya pero kahit ganun siya chix boy siya marami siyang naging babae oh sorry masyado ko na siyang inexposed ahaha.. Sabagay ngayon lang naman yan pumunta dito. Ito kase yung hometown ni papa lumaki siya dito kaya gusto ko bumalik dito kase marami akong memories dito kasama sya mula noong nabubuhay pa.

Habang ako ay nagmuni muni may nakita akong isang lalake malayo na kanina pa nakatingin dito sa amin parang na istatwa siya kaya naman nang natignan ko siya dali dali itong bumalik sa kanyang ginagawa sa pagmamadali niya natisod siya sa bato at sa isip ko natawa ako pero napangiti sa labas dahil siguro nagandahan sa akin at love at first sight kaya ganun siya tumititig sa akin. Sa pag iisip ko sa lalakeng yun siya naman pagbalik ko sa wisyo ng nagsalita si Joseph.

"Hey insan hindi pa ba tayo papasok sa loob? Sobrang init na tapos masakit pa sa balat" reklamador niya.

Wala na nga ako nagawa kundi pumasok na sa loob ng bahay total nandun na lahat ng gamit namin ni Joseph at naupo sa gilid habang nagmuni muni. Sa aking pag muni muni bumabalik sa aking isip ang itsura ng lalake kanina na tumitig sa akin at masasabi kong yun ang una naming pagkikita at gusto ko pa siya makilala at kung anong buhay meron siya.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon