Chapter 4

5 2 0
                                    

Jayvee POV

"Aww.. ang sakit.." sabi ko habang hinahawakan ang aking paa na natisod.

"Kuya!" tawag ni Rose habang paparating siya sakin.

"Oh kuya. Anong nangyari sayo?" pagtataka nya sa akin.

"Ah wala ito bunso, natisod lang ako kaya masakit ang paa ko" habang hinahaplos ang aking paa.

"Ganun ba kuya. Lagyan mo yan ng yelo para hindi mamaga" sabi naman niya.

"Sige bunso mamaya lalagyan ko. Tatapusin ko muna itong pagdidilig ni kuya" sabi ko naman sa sa aking kapatid na nakangiti.

Sofia POV

"Ma'am, okay na po yung kwarto niyo naayos ko na po pati gamit niyo ma'am" magalang na sabi ng aming maid.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at pumunta na sa aking kwarto. Tumungo muna ako sa may terrace at nilibot ko ang aking buong paningin sa kalawakan. Pagkatapos ay muli ko na naman nakita yung lalaking nakatingin sa akin kanina. Matipuno, matangkad at masipag siya. Ang kanyang dating ay siyang aking hanap at masasabi kong siya na siguro yung the one ko and ideal man. Habang ako ay nakatingin sa kanya ay siya namang dating ng aking pinsan na inaalok na  kumain.

"Insan, the food is already!" sigaw niya mula dito sa labas ng terrace.

"Bwisit na lalaking ito" inis na sambit ko.

"What are you saying to me?" tanong niya naman sa akin habang lumalapit.

"Ah nothing couz. I said I'm not hungry" pagpapalusot ko.

"Okay fine, total gutom na rin ako. But wait, something bothered on me.. kanina mo pa tinitignan yang lalake na yan. Do you like him?" sabi niya sa akin at nakatingin parin siya dun sa lalake.

"Alam mo, dun ka na nga gutom ka lang.. shu shu" pagtutulak ko sa kanya.

Umalis na nga siya at binalikan muli yung lalake kaso wala na siya dun baka tapos na siya magdilig ng halaman nila. But anyways okay lang yun makikita ko pa naman siya sa susunod.

Jayvee POV

Tanghali na kailangan ko nang taposin ang aking niluluto dahil pupunta pa ako sa school may kukunin lang akong requirement para sa application. Sa ngayon, nagluluto ako ng sinigang na bangus dahil ito ang ulam namin ngayong tanghali.

"Hmm... okay na siguro to" sambit ko sa aking sarili pagkatapos ko itong tinikman.

Pagkatapos kong magluto ay niyaya ko na ang aking kapatid para kumain.

"Bunso! kain na tayo!" sabi ko habang naghahanda ng plato sa lamesa at nilagay ang ulam at kanin.

"Opo kuya" sambit naman niya.

Kumain na nga kami, habang kumakain kami nagkwekwentuhan kami about sa nangyari kanina. Pagkatapos ay si Rose na nagpresenta na maghugas ng pinagkainan namin at ako naman ay nagbihis na para pumasok sa school pero bago yun nagbilin muna ako kay Rose.

"Rose, ikaw muna bahala sa bahay natin ah" bilin ko sa kanya.

Umalis na nga ako at pagkarating ko ay nakita ko si Jane na nakaupo sa side walk at nagpapahinga. Lumapit ako at binigay sa kanya yung binili kong tubig sa labas ng school.

"Bes, ito tubig para sayo" sabay bigay ko sa kanya yung tubig.

Agad naman niya itong inabot at ininom.

"Salamat dito bes. Nga pala bakit ka nandito diba wala kayong pasok? tanong niya sa akin.

"Pumunta lang ako dito kase may kukunin akong requirements" sagot ko.

"Sige bes sabay na lang tayo mamaya umuwi" sabi naman niya.

"Sige una na ako bes" sambit ko.

Umalis na ako at tumungo sa dean office, pagkatapos ay pumunta ako sa canteen para bumili ng meryenda at dun muna ako nagtambay ng ilang minuto.

Sofia POV

"Nakakabagot naman dito. Wala man lang pwede gawin" saad ko naman.

"Insan, tara labas tayo. We  need to chill total sabi naman ni tita gawin natin lahat ng gusto natin" pag aagaw niya sa atensyon ko.

"Okay sige" sabi ko sa kanya.

At yun nga lumabas na kami at nakita ko na naman yung bahay ng lalake. Balang araw makikilala rin kita may ideal man at pumasok na sa kotse tapos umalis na kami para mag chill at mag unwind.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon