Chapter 8

4 2 0
                                    


Author POV

Paglipas ng isang linggo...

Si Jared ay bumalik na sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang panliligaw kay Sofia. Sabik na sabik na kase niya itong makita at mayakap. Kahit ganon pa man ang nangyari noon na binasted siya ni Sofia. Hindi parin ito tumigil sa kakaisip sa kanya.

"Mom!.. I'm home!" sigaw niya sa buong bahay.

"Son!" masayang bati ng kanyang ina sabay nagyakapan.

"I miss you, my son.." sabi ng mommy niya habang nakayakap parin.

"I miss you too so much, mom" saad naman ni Jared bago umalis sa yakap.

"Tamang tama. Gutom ka na ba?" tanong nito sa kanyang anak.

"Yes, mom. Alam mo naman diba ang haba ng naging byahe ko" saad naman niya sa kanyang ina.

Pumunta na ang mag ina sa kusina para kumain. Habang kumakain sila, sumagi sa isipan ni Jared ang tungkol sa panliligaw niya kay Sofia.

"Mom, can I ask?" tumigil sa pagkain.

"What is it son?" saad naman ng mommy niya.

"Alam mo ba kung saan nakatira ngayon si Sofia? Gusto ko lang kase siyang makita" tanong naman niya sa mommy niya.

"I don't know son. Balita ko kase umalis si Sofia sa bahay nila dahil hindi parin sila okay ng mommy niya. You know naman sa nangyari sa daddy niya" mahabang lintanya nito sa anak habang kumakain.

"Ah, alam ko po yun mom. Kaya pala noong isang araw nakausap ko si Joseph na pinsan niya at sinabing wala siya sa bahay nila" sabi naman ni Jared.

Nagpatuloy sila sa pagkain at natahimik muli sila. Pero si Jared ay iniisip niya parin si Sofia kung saan ito ngayon nakatira.

Sa kabilang banda naman, tumawag through video call ang pinsan ni Sofia na si Joseph para sabihin na bumalik na si Jared ng Pilipinas.

"Hello couz, may sasabihin pala ako sayo" sabi nito kay Sofia.

"Ano na naman yun Joseph?" tanong  naman ni Sofia.

"Nandyan na sa Pilipinas si Jared. Tumawag siya sa akin noong isang araw. Tinatanong kunng nasaan ka nagyon. Sabi ko naman umalis siya ng bahay nila" sambit naman niya.

Sofia POV

Sa balita palang ni Joseph ay hindi na bago sa akin. Kase talagang hanap hanapin ako ni Jared para lang maligawan ako. Binasted ko na siya noon kaso ayaw parin tumigil. Akala ko nga napagod na yun hindi pala. Bumalik siya ng States para mag aral ng college. Sa lahat ng manliligaw ko si Jared lang tumagal sa ugali ko kahit ayaw na ayaw ko sa kanya patuloy niya parin ako nililigawan. Umaasa parin siyang mamahalin ko din siya pabalik. Nabalik ako sa aking ulirat nang nagsalita ulit ang pinsan ko.

"Hey are okay? Kanina pa ako salita ng salita dito nakikinig ka ba?" tanong ng pinsan ko.

"Wala naman.. wala lang akong masabi. Alam mo naman umaasa parin sa akin si Jared para mahalin ko siya pabalik pero wala akong feelings towards him" saad ko naman kay Joseph.

"Halata naman na wala kang feelings dun kase yung feelings mo para lang sa lalake na nandyan diba tama ako hahaha" pagbibiro naman ni Joseph sabay tawa.

Ito talagang si Joseph alam na alam na gusto ko si Jayvee which is totoo naman. Di ko inexpect na mahuulog ako sa kanya ng todo. Mahirap umasa na magugustuhan niya rin ako kase baka isipin niya langit ako at lupa siya.

"Oh see? Ngumingiti ka pag binabanggit ko yung lalake hahaha.. ano nga panagalan nun, Ja- Jay..Jayvee!" panghuhula niya at ako naman nakakatawa sa kanya.

"Hays, alam mo masyado ka nang chismoso pati yun iniisip mo rin" pagtataray ko.

"Oh sige na couz, paalam na tumawag lang talaga ako para sabihin yun sayo para malaman mo. Byee.. see you again.. take care always" pagpapaalam niya bago pinatay ang call.

Jared POV

I need to find Sofia para malaman ko kung saan siya nakatira ngayon. Pumunta ako sa mommy niya, tinanong ko yung address at sinabi rin niya sa akin. Ngayon ay tinatahak ko na ang baryong kanyang sinasabi. Habang ako ay nagmamasid sa paligid ay tumigil muna ako sa may boundaries tsaka bumili ng maiinom kase nauhaw ako. Sa aking pagmamasid, sa wakas ay nakita ko na rin si Sofia. Mas lalo siyang gumanda at sabik na sabik na akong mayakap siya. Ngunit sa ilang sandali ay lumapit siya sa isang lalake at tila ay masaya silang nag uusap kase nakikita ko silang nagtatawanan.

"Ito na po sir yung juice niyo" paga agaw ng atensyon ng tindero sa akin.

Binayaran ko na ito at nilagok tsaka pumasok sa aking kotse at tumungo kung saan naroroon si Sofia at yung lalake.

"Ano pala bibilhin mo Sofia" tanong ng lalake sa kanya.

"Ano ba masarap dito... hmm" namimili siya ng bibilhin niya.

Minamasdan ko lang silang dalawa habang nasa loob ako ng aking kotse. Di ko maiwasan na mainggit kase parang matagal na silang magkakilala nong lalake. Habang minamasdan ko sila, may lumapit sa aking mirror shot na isang bata humihingi ng pera at binigyan ko naman ito. Ilang sandali ay lumabas na ako ng kotse at tinawag si Sofia ngunit nabigla ito ng tumingin siya sa akin.

"I'm back.." ngiti kong sambit.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon