Chapter 14

4 2 0
                                    


Jayvee POV

Pagkatapos kong matawagan si Sofia ay muli kong pinagpatuloy ang aking paglalakad patungo sa sakayan. Habang naglalakad ako, nararamdaman ko sa aking peripheral vision na may sumusunod sa akin. Kaya minadali ko ang aking paglalakad hanggang sa pumara na ako ng sasakyan at dali daling sumakay.

Pagsakay ko ay nagbuntong hininga ako at umayos ng upo. Habang nagbyabyahe ako, naiisip ko parin yung taong sumusunod sa akin kanina para bang nasa panganip ang buhay ko. Ano kayang nagawa ko bakit niya ako sinusundan sabi ko sa aking isip.

Pagdating ko sa hospital ay bumaba na ako at pumasok sa loob. Paglipas ng ilang oras ay naupo ako muna ako dahil napagod ako sa pag aasikaso sa mga pasyente at pagchecheck rin ng kanilang condition. Hindi madali ang maging nurse dahil marami kang kailangan asukasuhin. Habang nagpapahinga ako ay siya ring pasok ng kasama ko dahil pagod din gaya ko.

Lumabas muna ako sandali sa kwartong yun at pumunta sa canteen para bumili ng meryenda. Ngunit may bumangga sa akin isang lalake nakasuot ito ng pangdisguise. Nagtitigan muna kami sandali at nang bumalik ako sa aking wisyo ay bigla niya akong tinapik sa aking likod bago umalis. Sa sandaling iyon, para bang may pahiwatig ang mga titig niya kanina para bang papatayin niya ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang canteen at bumili ng snacks pagkatapos ay umupo muna ako doon sa may table. May lumapit naman sa akin at may tinanggal sa aking likod.

"Pre, bakit may papel ka dito sa likod mo" sabay bigay sa akin ng papel.

Tinignan ko ang papel at may nakasulat itong "MAG INGAT KA KUNG AYAW MONG MAMATAY" pagkabasa ko yun ay isa lang ang pumasok sa isip ko tama ang mga hinala ko may gustong pumatay sa akin. Isang tao lang ang alam ko na may galit sa akin.. si Jared dahil kay Sofia. Siya lang pinaghihinalaan ko siguro yung lalake kanina baka siya yung inutusan niya para takutin ako.

Pagsapit ng hapon ay naghahanda na ako para umuwi inayos ko muna ang aking mga gamit at isinantabi at lumabas ng hospital. Nagpunta ako sa may waiting shed para doon maghintay ng sasakyan. Habang naghihintay ako naisipan kong tawagan muna si Sofia.

"Hi, sa pinakamagandang babae sa buhay ko..." malambing kong saad kay Sofia sa telepono.

"Hello..." sambit niya naman.

"Nakauwi ka na?" tanong niya naman sa akin.

"Papauwi pa lang ako. Bakit makikipagkita ka ba sa akin?" tanong ko naman tapos tumingin sa malayo para maghintay ng masasakyan.

Ngunit sa paghihintay ko muli ko na naman nakita yung lalake na bumangga sa akin at nakatingin siya sa akin.

"Jayvee.. nandyan ka pa ba?" tanong ni Sofia.

"A-ahh oo. Sige tatawagan na lang kita mamaya, bye" dali dali kong binaba ang call.

Sumakay na ako at umuwi na sa aming bahay. Pag uwi ko ng bahay nadatnan ko si Jane kausap sila papa at rose.

"Oh, nandyan ka na pala anak.." sabi ni papa nang makita ako.

Tumingin silang tatlo sa akin. Lumapit naman si Jane sa akin at niyakap ako.

"I miss you bes.." sambit nito.

"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko sa kanya sabay upo.

"Kanina lang. Kamusta naman trabaho mo?" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Okay naman, ikaw tapos na ba training niyo?" sambit ko naman.

"Oo, actually tapos na rin. Babalik kami next month para sumabak ulit yun ang sabi ng head chief namin" sambit naman niya.

"Ah nga pala bes... balita ko may girlfriend ka na pala. Ayos yan support ako" sambit niya muli sabay ngiti sa akin.

"Salamat bes" yun na lang nasabi ko.

Kinabukasan, pumasok na ako sa aking trabaho. Pagdating ko sa hospital ay may nakita akong isang babae kaseng hubog ng katawan ni Sofia. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ngunit ng tumingin ito ay hindi pala siya si Sofia. Kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ngunit sa paglalakad ko ay may isinugod sa emergency room dali dali nila itong dinala dun parang nagslow mo at napansin kong si Sofia yun at agad sinundan ng tingin. Nang matauhan ako ay agad kong tinungo ang emergency room kung saan nila dinala ang pasyente.

"Sofiaaaa!!!" sambit ko sabay takbo.

Nang makarating ako na ER ay isang matandang babae ang nagpatigil sa akin.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon