EPILOGUE

5 2 0
                                    


Sofia POV

After 3 years later...

Nandito ako ngayon sa bahay nag aayos ng gamit dahil may isang tao akong gustong makita. Isang taong minahal ko ng sobra sobra. Isang taong nagbigay sa aking pangalawang buhay. Laking pasasalamat ko dahil sa kanya nabuhay ako muli. Mahirap man tanggapin na wala na siya sa tabi ko hawak ko naman ang puso niya. Sa aking pag iisip, muli ko na naman binalikan ang aming masasayang ala ala.

FLASHBACK

"Alam mo, ikaw ang pinakamagandang blessings na dumating sa buhay ko. Kase mula noong dumating ka bigla mong binigyan ng saya ang buhay ko..." ngiting sambit niya sa akin.

"Nandito lang ako, hindi kita iiwan.. pangako ko yan dahil mahal na mahal kita..." sabay punas niya sa aking luha.

"Sofia, pangako ko sayo gagawin ko lahat. Kahit itaya ko buhay ko gagawin ko.. dahil mahal na mahal kita..." sambit niya sa akin sabay yakap.

"Ito ang pink na teddy bear. Alagaan mo yan ah, huwag mong sirain o itapon. Nga pala Jayvee ang pangalan niyan. Para just in case na wala ako sa tabi mo titigan mo lang yan, isipin mo na kasama mo lang ako kahit malayo ako..." ngiting sambit niya sa akin pagkatapos ay niyakap ko siya.

END OF FLASHBACK

Simula noong nangyari ang insidente ay hindi ko na muli nakita pa si Jayvee.

FLASHBACK

Paggising ko nasa hospital ako at kasama ko si mommy. Unang tanong ko noon...

"Mommy si Jayvee po?"

Ngunit hindi sumagot si mommy at tinitigan lang ako sabay naglandasan ang kanyang luha.

Makalipas ang tatlong linggo noon, walang Jayvee akong nakita at hindi man lang niya ako binisita simula noong nagising ako hanggang sa nakarecover ako.

Makalipas pa ang mga nagdaang araw, wala paring Jayvee akong nakita kaya naman naisipan kong dalawin siya noon sa kanila ngunit sabi ng kapitbahay nila umalis na daw sila at iba na ang may ari ng bahay nila. Doon na ako nagtataka, bakit sila umalis at saan naman sila nagpunta. Wala naman akong alam.

Nalaman ko din noon na nakakulong si Jared dahil binaril niya ako pero ngayon balita ko nakalaya na daw siya at bumalik na sa States.

Hinanap ko nang hinanap si Jayvee kaso hindi ko siya mahanap. Humingi rin ako ng tulong sa pulis at ang sabi nila walang Jayvee Torres ang nahanap nila pati pamilya niya.

Simula noon, naisip ko nang tanungin si mommy about kay Jayvee baka sakaling alam niya kung nasaan siya.

"Mommy, alam niyo ba kung nasaan nagpunta si Jayvee?" tanong ko kay mommy.

Hindi nagsalita si mommy bagkus napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin muna sa akin ng sandali. Alam ko may alam si mommy about kay Jayvee kaya bigla ito natahimik.

"Mommy, may alam ka ba kung nasaan si Jayvee?" tanong ko ulit.

"Anak.. kase... wala na si Jayvee..." sambit ni mommy sabay tingin sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ni mommy sa akin. Si Jayvee wala na. Wala na ang taong minahal ko ng sobra. Unti unti naman bumubuhos ang aking luha dahil napakasakit sa akin na wala na siya.

"Pa-paano nangyari yun mommy?" sambit ko naman habang naluluha.

"Naging delikado ang buhay mo noon anak, dahil sa pagkakabaril sayo ni Jared. At kinailangan ng heart donor para mabuhay ka.. ngunit urgent yun.. pagkatapos nagpresenta na siya kahit ayaw ng papa niya noon pero siya nagpumilit kaya wala na nga kami nagawa kase sabi niya mahal na mahal ka niya at ayaw ka niya mawala kasama ko.. kaya sinakripisyo niya ang kanyang sarili alang alang sa pagmamahal niya sayo..." malungkot na mahabang lintanya ni mommy sa akin.

Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Jayvee. Binigay niya sa akin ang puso niya para lang mabuhay ako. Ngunit siya naman ngayon ang wala. Lumabas ako ng bahay at tumakbo patungo sa park malapit sa bahay namin habang umiiyak.

"JAYVEEEE!!!.. huhuhuhu.. huhuhuhu.." sigaw ko sa kalawakan dahil wala na siya.

"BAKIT MO GINAWA YUN. BAKIT MO BINIGAY ANG BUHAY MO SA AKIN!" sigaw ko sa kalawakan at sa langit habang umiiyak.

Nararamdaman kong tila uulan dahil may patak sa aking mukha pagkatapos ay nagsisiunahan na bumuhos ang ulan.

"Jayvee, mahal na mahal kita..." huling sambit ko bago mawalan ng malay.

END OF FLASHBACK

Makalipas ang isang linggo ay unti unti ko na rin tinatanggap na wala na si Jayvee sa piling ko. Nawala man siya sa tabi ko hawak ko naman ang puso niya.

Naisipan kong puntahan siya sa kanyang puntod. Lumabas na ako ng bahay at nagdrive papunta sa flowery shop. Pagkatapos ay tumungo na ako sa sementeryo para dalawin siya. Pagdating ko dun, naabutan kong may tatlong tao na nakatayo sa puntod ni Jayvee. Lumingon naman sila at dun ko napagtanto na sina Jane, Rose at papa niya ang nandoon para dalawin siya. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila dahil ngayon lang ako nagpakita.

"Sofia" saad naman ni Jane.

"Nandito ako para bisitahin si Jayvee" sambit ko naman sabay tingin sa kanila.

Umalis naman sila sa harap ni Jayvee at binigyan ng space para makadaan. Nilagay ko ang bulaklak sa tabi ng lapida niya tapos nagsindi ako ng kandila. Ilang sandali ay minasdan ko siya. Unti unti naman lumalandas ang aking luha. Hindi ko tanggap na nandito siya na wala nang buhay.

"Mahal, kung nasaan ka man naroroon ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Utang na loob ko sayo ang buhay na binigay mo sa akin at nagpapasalamat ako dahil kailanman hindi mo ako binigo at iniwan. Ikaw ang pinakamagandang biyaya na dumating sa buhay ko. At laking pasasalamat ko na nakilala kita. Ang pusong binigay mo sa akin ay iingatan ko at aalagaan para sayo. Pangako ko rin sayo na aalagaan ko ang papa at kapatid mo bibigyan ko sila ng maganda at matiwasay na buhay. Tandaan mo na mahal na mahal kita" mahabang lintanya ko habang hinahaplos ang lapida ni Jayvee habang umiiyak ako.

Ilang sandali ay tumayo na ako at tumingin sa langit.

"Paalam aking mahal..." saad ko sabay pikit ng aking mga mata.

Naramdaman kong niyakap niya ako dahil sa lamig na aking nararamdaman laking pasalamat ko na nandito siya ngayon at nakikita niya kami.

THE END....

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon