Chapter 13

3 2 0
                                    


Jared POV

After 1 week...

Nandito ako ngayon sa bar section namin umiinom ng alak. Simula noong nalaman ko ang ginawang pagtataksil sa akin ni Sofia ay dito na ako nagtambay. Hindi na rin ako pumapasok sa aking trabaho dahil nawawalan ako ng gana. Kaya I decided to leave muna para hindi ko mapagbuntungan sa galit ang mga employees namin sa company.

Habang ako ay umiinom, may kung anong pumasok dito sa kinaroroonan ko. Di ko siya pinansin dahil alam kong katulong namin ito pero hindi pala.

"Dude, what happened to you?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Troy.

"Balita ko may boyfriend na pala si Sofia" saad niya ulit sabay upo sa tabi ko.

"Wala akong pake sa kanila" sambit ko sabay inom.

"Dude, tanggapin mo na kase na hindi na ikaw ang mahal ni Sofia. Look at yourself, nagiging pariwara ka na dahil sa babaeng yun" sermon niya.

Di ko siya pinakinggan at patuloy parin ako sa aking  pag iinom hanggang sa naisip ko ang aking plano. Isang plano na kailanman hindi niya pagsisisihan.

FLASHBACK

Paglabas ko ng bar section ay nagtungo ako sa aking kwarto at may tinawagan. Isang grupo ng sindikato na nangunguha ng mga tao at binabayaran.

"I need your help" sambit ko habang nakatayo sa harapan ng aking salamin.

"Anong maitutulong ko sayo boss" saad ng leader ng sindikato.

"Gusto kong huliin niyo si Jayvee Torres at dalhin sa lugar na walang nakakaalam, understood?" pag uutos ko sa kanya.

"Yes boss, maaasahan mo kami.." saad naman nito.

"Pero sa ngayon ay manmanan niyo muna siya at sundan. Sasabihin ko na lang kung kailan niyo huhuliin ang Jayvee na yun" sambit ko ulit sa tauhan ko.

"Sige boss, tawagan mo na lang ako paghanda ka na" saad niya ulit bago ko pinatay ang tawag.

END OF FLASHBACK

"Yan lang ba pinunta mo dito para pagsabihan ako.." saad ko kay Troy habang naglalagay ng alak sa aking baso.

"Alam mo Troy, wala kang alam sa sinasabi mo. Kaya pwede ba umalis ka na lang?" inis na sambit ko sa kanya.

"Kung ayaw mong madamay...." sambit ko ulit sabay inom ng alak at pagkatapos ay umalis na ako.

Sofia POV

"Hello Jayvee?" saad ko sabay sinagot ang call.

"Kamusta naman ang aking prinsesa..." malambing na tono nito.

"Ikaw talaga.. walang araw na hindi mo ako pinapakilig at nilalambing" sambit ko habang nakangiting nakaupo sa sofa.

"Syempre ganun talaga, pagmahal mo dapat pinapakilig haha.." saad niya ulit.

"Nga pala, bakit ka napatawag di ba may work ka ngayon?" tanong ko naman.

"Ah meron, papasok na nga ako. Tinawagan lang kita para kamustahin kase miss na miss na kita simula noong huli tayong nagkita." saad naman ni Jayvee.

Sa totoo lang, simula noong nagkita kaming tatlo nila Jared hindi na kami masyado nagkita ni Jayvee dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Jared pagkatapos yung nakita niya sa amin. Alam ko magsusumbong yun kay mommy kase kilalang kilala ko na siya. Hindi pa kase alam ni mommy na boyfriend ko na si Jayvee. Kaya simula noong naging kami hindi na kami muli nagkita pa at aaminin kong miss na miss ko na rin siya.

Nabalik ako sa aking ulirat nang dumating ang aming maid at niyaya niya akong kumain sa baba. Pagkababa ko ay pumunta ako sa dining area at sa hindi ko inaasahan nakita ko si Jared.

"Hey sweetie, come on let's eat" anyaya ni mommy sa akin

Tumabi ako kay mommy at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami nagsalita si mommy.

"So ano na kaganapan sa inyong dalawa.. kayo na ba?" tanong ni mommy sabay tingin sa aming dalawa ni Jared.

Bigla akong napatigil at tinignan si Jared habang kumakain.

"Okay naman kami mommy" nasambit ko na lang sabay kain.

"Sa totoo niyan tita... hindi pa ako sinasagot ni Sofia" sagot naman ni Jared sabay tingin sa akin na mapusok.

"Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo?" tanong niya ullit.

"Ah mom..." pagputol ni Jared sa sasabihin ko.

"Nagkakamabutihan naman kami tita. Sadyang hindi pa talaga seryoso si Sofia sa nararamdaman niya sa akin.." pagsisinungaling niya kay mommy.

"Mabuti naman kung ganun. Sana maging kayo na. Alam niyo naman tumatanda na kami need na namin ng apo na aalagaan namin.." saad ni mommy at nakipagbiruan pa.

Muli na naman kaming natahimik sa hapagkainan. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si Jared kay mommy. Ako naman sinundan ko siya.

"Jared!" sigaw ko at tumigil naman siya.

"Gusto kong humingi ng sorry sa nangyari... alam ko galit ka pa sa akin dahil pinili ko si Jayvee" saad ko sa kanya habang nakatalikod siya.

"Sana mapatawad mo ako Jared..." paghingi ko ng paumanhin.

Humarap si Jared sa akin at tinitigan ako. Ako naman ay napayuko na lang sa hiya.

"Napatawad na kita Sofia..." sambit nito pagkatapos ay umalis na siya.

Tinignan ko na lang siya habang papalayo at ako naman ay bumalik na sa aking kwarto.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon