Chapter 16

3 2 0
                                    


Author POV

After 1 week...

Sa wakas ay magaling na muli si Sofia at nakauwi na rin sa kanilang bahay. Makalipas ang isang linggo ay napagpasyahan ng parents ni Jared na ituloy ang arrange marriage na plinaplano nila noon. Ngayon ay nasa bahay sila ng Fernandez Residence para pag usapan at maasikaso agad para sa kanilang kasal.

"Anong meron mommy..." saad ni Sofia dahil nagtataka ito.

"Kailangan natin pag usapan ang kasal niyo ng anak ko" sambit naman ng mommy ni Jared.

"Ano?!" gulat na sambit ni Sofia.

"Mommy..." sabay tingin sa kaliwa niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo Sofia matutuloy ang kasal niyong dalawa ni Jared" saad ng mommy ni Sofia.

"Hindi pwede.. hindi ako papayag.." pagtutol ni Sofia.

"Jared, alam mo ba ang tungkol dito?" tanong niya kay Jared.

Hindi nagsalita si Jared at tahimik lang siya sa gilid. Alam kase niya napipilitin lang nila si Sofia na ipapakasal sa anak nila. Wala na nga nagawa si Sofia kundi umalis na may sama ng loob at  sinundan ito ni Jared.

"Sofia..." sabay sunod.

"Sofia... sandali!" sabay pigil nito at hawak sa braso.

"Ano?! Bitawan mo nga ako!" sabay tanggal sa pagkakahawak kay Jared.

"Bakit ka pumayag?! Alam mo naman diba na si Jayvee ang mahal ko?! Bakit hindi mo pinigilan ang mga magulang mo Jared!" galit na sambit nito kay Jared.

"Hindi ko alam! Ngayon ko lang din alam ito. Ano pa ba magagawa natin nandoon na yun Sofia. Huwag na tayo tumutol" saad rin niya.

"So gusto mo matuloy ang plano nila ganon?!" sambit ulit ni Sofia habang humahagulgol sa galit.

"Narinig mo naman sinabi ng mommy mo diba kanina na sa ayaw at gusto mo matutuloy yun. At pag once tumanggi tayo hindi sila magdadalawang isip na iforce tayo na ikasal, naiintindihan mo ba?" saad ni Jared.

Natahimik lang si Sofia sa sinabi ni Jared at umalis ito gamit ang kanilang kotse. Habang nasa byahe siya hindi mawala wala sa isip niya ang kasal na plinano nila. Umiiyak siya habang naiisip ito. Mga ilang sandali pa ay naisipan niyang itext si Jayvee na magkita sila sa park.

"Sofia... anong nangyari? Ba-bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba nila?" pag aalala ni Jayvee kay Sofia.

Walang sinabi si Sofia kundi niyakap na lang ang boyfriend niya at niyakap rin siya ni Jayvee sabay halik sa ulo nito. Makalipas ang isang minuto ay tumigil na rin sa pag iyak si Sofia at umayos ng upo sabay punas ng luha.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong nito kay Sofia.

"Huwag ka sana magagalit sa sasabihin ko..." panimula ni Sofia.

"Ano ba yun?" saad uli ni Jayvee.

"Ipapakasal nila ako kay Jared..." sambit ni Sofia  sabay unti unti na naman lumuluha.

"Hindi ako pumayag.. tumutol ako kase ayaw kitang iwan Jayvee kase ikaw lang ang mahal ko.. ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay" sambit nito muli habang hinahawakan ang magkabilaang pisngi ni Jayvee.

Hindi nakapagsalita si Jayvee sa nalaman niya at hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Sofia sa kanya kung tutuusin hindi sila okay ni Jared at masama ang kutob nito sa kanya. Ngunit isa lang ang nasa isip ni Jayvee ang kapakanan ni Sofia. Pag naging sila ni Jared magiging maginhawa ang buhay niya dahil maibibigay nito lahat at pareho silang mayaman. Kaya ang tanging ginawa na lang ni Jayvee ay niyakap na lang ang girlfriend at hinalikan sa ulo sabay pikit ng mata.

Makalipas ang gabi ay naisipan ni Sofia na tumuloy muna siya dito kila Jayvee kahit ngayong gabi dahil galit parin siya sa mommy niya.

"Dito muna ako magpapalipas ng gabi" saad ni Sofia sabay tanggal ng seatbelt.

"Bakit hindi doon sa tinitirhan mo dati" saad naman ni Jayvee.

"Wala sa akin yung susi na kay mommy" saad ulit ni Sofia.

Lumabas na silang dalawa ng kotse at pumasok sa bahay nila Jayvee. Ngunit natigilan sila nang makita nila sila  Jared at mommy ni Sofia kasama ang dalawang pulis.

"Anak..." bungad na sambit ng mommy ni Sofia.

Nagkatitigan naman sila Jared at Jayvee para bang nag uusap ang kanilang mata.

"Kuyaaa..." sambit ni Rose sabay yakap sa kuya niya.

"Umuwi ka na anak" sambit ng mommy ni Sofia.

"Hindi ako uuwi.. dito ako matutulog. Ayoko kayong makasama!" inis na sambit ni Sofia sa kanyang ina.

"Sofia!.." saad naman ni Jared.

Hinawakan naman ni Jayvee si Sofia sa magkabila nitong braso para patigilan at pakalmahin.

"Sofia.." sambit ni Jayvee malapit sa tenga ni Sofia.

Umikot naman si Sofia paharap kay Jayvee.

"Makinig ka sa akin... sundin mo yung mommy mo okay? Umuwi ka na sa inyo" sabi naman ni Jayvee sabay hawak sa mukha ni Sofia.

"Yung pinag usapan natin kanina, pag iisipan ko yun. Sa ngayon, umuwi ka muna sa inyo. Ayoko na may tampuhan kayo ng mommy mo" dagdag niya habang hawak ang dalawang kamay nito.

"Uhm.. sige.." nasambit na lang ni Sofia at nagyakapan sila ni Jayvee.

Nauna nang lumabas si Sofia at sinundan naman nila Jared, mommy niya at dalawang pulis. Pagkaalis nila, muling bumalik sa isip ni Jayvee ang sinabi ni Sofia sa kanya kanina at kailangan niyang pag isipan mabuti ang kanyang magiging desisyon alang ala sa kanilang relasyon ni Sofia.

I Don't Want To Lose You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon