Such A Fool

11.7K 204 0
                                    

Good evening guys still rest day at kakatapos lang magbasa at kahit paano nakaisip ng maaring itakbo ng story ko but don't worry hindi naman same mangyayari dahil that's bad hehe

Song is Fool Again by Westlife

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 6

-=Ang's POV=-

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sundan si Miranda, basta kumilos na lang ng kusa ang mga paa ko para sundan ito, imbes na gamitin ang mga sasakyan na nasa parking lot ay minabuti nitong magtaxi na lang.

"Ano ba talaga intensyon mo Ang?" narinig kong tanong nang kabilang isip ko habang abala ako sa pagsunod sa Taxi na sinasakyan ni Miranda.

"Wala naman, siguro gusto ko lang humingi ng tawad dahil pakiramdam ko ay masyado ko siyang hinusgahan, baka maaring mahal lang talaga niya ang kapatid ko kaya sila nagpakasal." ang sagot naman ng kabilng bahagi ng isip ko and why does that thought hurt me.

Nagpatuloy ang pagsunod ko sa sinasakyan nito which I think is kind of stupid dahil puwede ko naman siyang tawagan para makipagkita dito.

Finally huminto ang sinasakyan nito sa isang mall sa bandang Makati at wala naman akong choice kung hindi iparada ng maayos ang sasakyan and by the time na nakapasok na ako sa loob ng mall ay nawala na sa paningin ko si Miranda dahil nakataxi lang naman ito.

I went to every floor trying to look for Miranda ngunit mga kalahating oras na din siguro ang nakakalipas ngunit hindi ko makita maski ang anino nito.

"Nasaan ka na ba?" sa loob loob ko, habang napasabunot ako sa buhok, I decided to continued looking for her ngunit hindi ko pa din makita si Miranda kaya naman naisipan kong lumabas at sakto naman dahil naabutan kong pasakay na naman ng taxi si Miranda ngunit nagtaka ako ng makita ko itong may kasamang lalaki at base sa nakikita kong closeness ng dalawa ay masasabi kong magkaibigan ang dalawa.

Agad akong sumakay sa bakanteng taxi na sakto namang naghahantay ng pasahero, hindi ko na nagawang balikan ang kotse ko sa pangambang baka hindi ko siya masundan, for some reason hindi ko maiwasang hindi kabahan kaya naman kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang kasama nito.

Lumipas ang kalahating oras hanggang makarating kami sa isang sikat na restaurant sa bandang Makati.

"Kuya pakihintay ako." ang sinabi ko dito at mukhang hindi ito papayag kaya naman inabutan ko ito nang isang libo, not really sure kung hihintayin ba talaga ako nito o hindi.

"Good afternoon sir, do you have a reservation?" ang nakangiting salubong sa akin ng akma kong susundan ang dalawa sa loob.

"No I dont." sagot ko naman dito, sandali nitong chineck ang log book nito at sakto naman na may bakante pang mesa kaya naman nakapasok ako agad, sandali kong nilibot ang mga mata ko sa paligid trying to locate Miranda's table ngunit hindi ko ito makita akma na sana akong tatayo ng makita ko ito na mukhang galing sa cr nang naturang restaurant, and my eyes immediately got hypnotized sa naturang babae ngunit sandali lang iyon nang makita ko ang kasama nito, boy next door type of guy ang kasama nito at nagtaka ako dahil may dalawang mukhang mag-asawa ang kasama ni Miranda at nang kasama nitong lalaki, ngunit bigla akong nagulat nang halikan nito sa pisngi si Miranda at parang biglang nagtulak sa akin na lapitan ang mga ito at bago pa man ako makapag-isip ng matino ay hinawakan ko sa kuwelyo nito ang naturang lalaki na halatang nagulat habang bigla naman namutla ang mukha ni Miranda nang mamukhaan ako, isang malakas na suntok sa panga ang inabot sa akin nito at kung hindi dahil sa mabilis na pag-aksyon ng waiter sa akin ay baka nabugbog ko na ang pahangas na binata.

"Layuan mo si Miranda! She's already married!" galit na galit kong sinabi dito, isinantabi ko ang biglang pumasok sa isip nang dahil sa nararamdaman ko dahil parang mas kailangan kong ipaalala sa sarili ko ang estado ni Miranda.

Matapos ang commotion na iyon ay mahigpit kong hinawakan si Miranda sa kamay nito at inakay ito palabas ng restaurant na iyon, ramdam na ramdam ko pa ang pagsunod ng tingin sa amin ng mga taong nakasaksi sa nangyari but I don't give a damn of what they think, I'm furious as hell at mukhang nakita din nang mga tao iyon kaya sila na mismo ang umiiwas sa amin.

Tahimik naman si Miranda hanggang makalabas kami.

"Ang..... I can explain....." ang sinabi nito ngunit I had enough of her lies anymore, nakita ko na ang ginawa nitong pangloloko sa kapatid ko at sapat ng ebidensya iyon para malaman ko na tama ang hinala ko dito.

"How dare you cheat on my brother lalo na't sa sitwasyon niya!" galit kong sinabi nito, I saw her flinched sa sinabi ko.

"I can explain Ang...." pagpupumilit pa din nito pero I don't want to give her a chance na mabilog na naman ang isip ko.

"To think na inisip kong baka nagkamali lang ako at mahal mo talaga ang kapatid ko iyon naman tama ang hinala ko sayo all along, that you are nothing but a conniving, gold digger bi......." ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin kong iyon ay isang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay Miranda at bigla akong natigilan ng makita ko ang sakit na nakaguhit sa maganda nitong mukha, habang pinipigal nito ang luhang nagbabadyang dumaloy sa magkabila nitong mga mata.

"Iyon naman pala eh, sigurado ka na palang iyon ako eh, ano pa bang sense na magpaliwanag ako sayo." ang mapait nitong sinabi at bago ito tuluyan makatalikod sa akin ay sigurado akong palihim nitong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata nito.

I shouldn't be feeling any guilt dahil malamang sa malamang ay umaarte lang ito, and I hated myself from being so gullible pagdating dito, at nang araw na iyon ay pinangako ko na sa sarili kong hindi na ako magpapadala sa kahit na anong ipakita nito dahil para sa akin Miranda Sandoval is a fake, and I will make sure na mapapawalang bisa ko ang kasal nito sa kapatid ko and I will make sure na wala itong makukuha na kahit na cinco sa pamilya ko.

Agad akong bumalik sa naghihintay na Taxi at mabuti na lang at nandoon pa ito kaya naman hindi ko na kinailangan maghanap ng iba pang taxi.

"Saan tayo boss?" ang nakangiti nitong tanong which is far from my mood right now.

"Sa impyerno!" pabalang kong sinabi dito at bigla na lang itong napakamot ng ulo sa inasta ko kaya naman huminga muna ako ng malalim para ikalma ko ang nararamdaman ko bago ko tinuro ito pabalik sa mall kung saan nanghihintay ang kotse ko.

Kahit nakakaramdam ako ng galit ay bumabalik sa akin ang luhang pilit nitong tinago sa akin.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon