The Truth

11.3K 190 8
                                    

Maulang umaga guys, ingat sa lahat may bagyo kung sana puwede din akong umabsent kaso hindi puwede dahil mababawasan ang sahod ko T_T

Song is Don't Know What To Say by Ric Segreto

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 16

-=Ang's POV=-

Parang biglang nalunok ko ang dila ko sa tanong na iyon ni Anthony, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Tito Andres na kitang kita ko din ang pagkailang, hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang mga nangyari habang nasa coma ito, paano ko maipapaliwanag na dahil sa kagaguhan ko ay may nangyari sa amin ng asawa niya, paano ko maipapaliwanag na mahal ko ang asawa nito.

Sasagot na sana ako ng sakto naman na pumasok si Mom na mukhang lumabas lang para umiyak ayaw marahil nitong makita ni Anthony ang pag-iyak nito.

"I already called your doctor, at papunta na siya dito." ang nakangiting sinabi ni Mom habang nakatingin kay Anthony, bahagya akong nakahinga dahil kahit paano ay naudlot ang kailangan kong pagpapaliwanag dito.

Agad akong nagpaalam na magpapahangin na muna sa hardin pero ang totoo ay hindi ako makatingin ng diretso kay Anthony na inosente sa mga nangyari.

Hindi ako mapakali habang nasa hardin ako, hati ang puso at isip ko sa kung ano ba ang dapat kong gawin, dahil sinasabi ng puso kong kausapin si Anthony at ipagtapat ang mga nangyari at para malaman nito na mahal ko si Miranda ngunit ang isip ko naman ay sinasabing maghintay muna ako ng tamang pagkakataon bago ko ipagtapat ang nangyari.

I was about to go back nang agad kong napansin ang papalabas na nurse ni Anthony at biglang nagbalik sa akin ang nasaksihan kong pagyakap nito kay Miranda, bago pa man ako makapag isip ng diretso ay kusang kumilos ang mga paa ko palapit sa walang kamuwang muwang na binata at marahas ko itong sinandig sa pader ng kuwarto ni Anthony.

"Sir..... bakit...po?" naguguluhan tanong nito, kitang kita ko ang pinaghalong takot at kaba sa mga mata nito.

"Anong kaugnayan mo kay Miranda?!" mahina ang pagkakasabi kong iyon pero punong puno ng galit, hindi ko alam kung tama bang magalit ako dito pero hindi ko na maintindihan ang mga nararamdaman ko.

"Anong kaguluhan ito?" nagulat na lang ako nang bigla kong marinig ang boses ni Anthony na naguguluhan na nakatingin sa kin pabalik sa nurse nito.

Bigla naman akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa binata at kita ko pa kung paanong takot na takot itong lumapit kay Anthony na nakaupo sa wheelchair nito.

"Anthony......" narinig kong sinabi nito sa nanginginig na boses, gulong gulo na talaga ang isip ko ng mga oras na iyon, ngunit mas lalo akong naguluhan nang mapansin ko ang makahulugan na titigan ng mga ito na para bang matagal na itong magkakilala.

Bigla akong napahilamos sa mukha ko sa rigodon ng emosyong nararamdaman ko, kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakatutok ang tingin ni Anthony sa akin as if waiting for an explanation.

"George puwede bang iwanan mo muna kami ni Ang?" ang narinig kong tanong nito sa nurse nito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod dito sa loob ng kuwarto nito, mukhang nang nasa hardin ako ay nakiusap itong makaupo sa wheelchair nito.

"Tell me what happened Ang? Nasaan si Miranda?" malumanay ang boses nito ngunit alam kong sa likod nang malumanay na boses nito ay nagbabanta ang galit, kilalang kilala ko ang kapatid kong ito at ang masama ay kilalang kilala din ako nito kaya naman alam kong agad nitong malalaman kung magsisinungaling ako.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon