Meeting Him Again

9.8K 198 0
                                    

Gandang gabi guys rest day ko which is isang araw lang hehehe imagine monday-friday 12 hours ko tapos pag dating ng sabado 9 hours naman ako hahaha well worth it naman eh kaya hindi ako nagrereklamo hehehehe and sorry kung sobrang tagal na akong hindi nakakapag update dahil nga sa work ko pero pipilitin kong tapusin na ang story na to at tapusin na din ang mga nakahold na stories ko at ganun na din sa mga coming soon stories ko hehee

Song is Kung Wala Ka by Hale

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 19

-=Miranda's POV=-

"Malayo na naman ang tingin mo Mira." narinig kong may nagsalita sa bandang likuran ko, kahit hindi ko tignan kung sino iyon ay kilalang kilala ko kung kanino ang boses na iyon, nasa bandang likuran kasi ako ng ampunan at tahimik na pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa hindi kalayuan.

Naramdaman ko na lang nang umupo ito sa tabi ko samantalang ako ay hindi pa din inaalis ang tingin sa mga bata.

"Hindi mo ba siya kayang mapatawad, halata naman na nagsisisi na ang tao eh." narinig kong tanong nito nang nanatili akong walang imik.

Finally ay tinignan ko ang matandang babae, nang dumating ako sa bahay ampunan nang pitong taon gulang palang ako nang mamatay ang mga magulang ko sa sunog sa lugar namin at naging palaboy laboy ako hanggang damputin ako ng mga taga DSWD at dinala nga ako sa Bahay Lingap kung saan si Ate Lita ang nangangalaga.

Sa totoo lang sobrang takot ko ng mga panahon na iyon kaya naman hindi ako nakapagsalita ng matagal ngunit naging napakapasensyoso ni Ate Lita hanggang gumaan ang loob ko dito at magmula nga noon ay ito na ang tinuring kong pangalawa kong ina.

"Masyadong masakit ang iniwan niyang sugat Ate Linda." mapait kong sinabi dito at kita ko naman kung paanong lumamlam ang mga mata nito sa narinig.

"Huwag kang mag-alala Ate Lita, magiging maayos din ako." pilit ang mga ngiti kong sinabi iyon at kahit tumango ito ay kita ko ang hindi nito paniniwala sa sinabi ko, well maski naman ako hindi naniniwala sa sinabi kong iyon dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Lumipas ang mahigit tatlong linggo at alam kong kailangan ko nang bumalik sa Manila para asikasuhin ang mga kailangan kong asikasuhin doon, ngunit nang araw na paalis ako ay dumating naman ang isang tao na labis kong kinatuwang makita.

"Anthony!" masaya kong salubong dito nang makita ko itong binubuhat ni George pasakay sa wheel chair nito.

"Miranda." masaya naman nitong nasabi habang nakatingin sa akin.

Tulak tulak ito ni George na nobyo naman nang binata, nakilala ni Anthony si George sa US na nang iniwan ito nang nobyong si Kim Jun, nang makilala ni Anthony si George ay muling bumalik ang saya ni Anthony.

"So what brings you here?" nakangiti kong tanong dito nang nasa receiving area na kami, looking at both of them, they look good together at base sa paraan nang paghawak ng kamay ni Anthony ay mahal na mahal nito ang binata at gayon din naman si George dito na ang braso ay nakalagay sa balikat ng binata.

"Kamusta ka na?" seryosong tanong naman ni Anthony sa akin and again I tried to put my happy expression.

"I'm good." maikli kong sagot dito.

"Miranda Sandoval, you may fool a lot of people pero hindi ako, alam kong nasasaktan ka ngayon at dahil iyon sa kagagawan ko............. I'm sorry Miranda." malungkot na malungkot nitong sinabi sa akin, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapatayo at maglakad palapit dito.

"Wala kang kasalanan Anthony, pumayag ako sa hiniling mo sa akin at hindi mo ako pinilit kung meron man may kasalanan dito ay ako iyon dahil hindi ko pinigilan ang sarili kong..........." paliwanag ko dito ngunit natigil ako sa huli ko dapat na sasabihin.

"Pinigilan ang sarili mong tuluyang mahulog at mapamahal kay Ang?" pagpapatuloy nito sa kung anuman ang sasabihin ko na para bang nabasa nito ang nasa isip ko.

"It doesn't matter anymore." sagot ko dito at kita ko ang ginawa nitong pag-iling.

"It does matter Miranda dahil mahal na mahal ka ni Ang, ngayon ko lang nakitang maging ganitong kamiserable ni Ang." malungkot nitong sinabi sa akin.

Kahit anong sawat ko sa sarili ko ay hindi ko napigilan ang pagbangon ng pag-aalala sa dibdib ko sa narinig.

"For sure ganyan din siya nang maghiwalay sila ni Atilla." mapait kong sinabi dito.

"No Miranda, ang naramdaman niya kay Atilla ay hindi talaga pag-ibig, si Ang kasi ang klase ng taong gustong protektahan at pangalagaan ang isang tao, nakita lang kasi ni Ang na kailangan ni Atilla nang taong mangangalaga dito and just like a real gentleman ay nandoon si Ang, siguro may naramdaman si Ang kay Atilla at one point pero sigurado akong hindi talaga pag-ibig iyon at ang naramdaman niya sayo ay ang totoong pag-ibig, pinagtapat sa akin ni Ang na bago pa niya malaman ang totoo ay inisip na niyang ilayo ka dahil hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya sayo." narinig kong sinabi nito na sinuklian ko nang mapait na ngiti.

"Huli na ang lahat Anthony, masyado nang madaming nangyari hindi ko alam kung makakaya ko pang hayaan na masaktan uli, sa dami ng pinagdaanan ay ito ang pinakamasakit na nangyari sa akin at aminin ko sayo hindi ko alam kung paano magsisimula." malungkot ko pa ding sinabi dito.

"Huwag mong hayaan na ikulong mo ang sarili mo sa kalungkutan Miranda, lalo na't pareho niyong mahal ang isa't isa, oo madami ang nangyari pero hahayaan mo bang basta na lang ilet go ang pagmamahal na malaki ang chance na magtagumpay at magbigay sayo nang labis na saya?" pangungumbinsi nito sa akin.

Malaking bahagi ng puso ko ay gustong sumugal muli ngunit sa ngayon mas nananaig sa akin ang sakit.

Hindi na din nagtagal ang magnobyo nalaman ko na lang na naipagtapat na pala ni Anthony si mga magulang nito ang totoo, ang Mommy ng binata ay agad natanggap ang anak ngunit hindi ang Daddy nito na siyang naging dahilan kung bakit pumayag ako sa hiling nitong magpakasal dito.

I was about to get inside nang mapatigil ako sa naging pahabol nitong tanong sa akin.

"Paano kung mabuntis ka?" narinig kong tanong nito, biglang tumigil ang mundo sa narinig ko mula dito, awtomatikong kumilos ang kamay ko patungo sa impis kong tiyan na para bang may mararamdaman ako sa paghawak kong iyon.

Sa totoo lang ay hindi ko naisip ang bagay na iyon lalo na't hindi naman gumamit ng condom si Ang, sa naisip na may isang batang babae o lalaki ang mabubuo sa sinapupunan ko ay bigla akong nakaramdaman na parang mainit na kamay na humaplos sa puso ko.

Kung sakali mang may mabuong bata sa sinapupunan ko ay sisiguraduhin kong bubusugin ko nang pagmamahal.

"Huwag kang mag-alala anak, nandito lang si Mommy." ang wala sa sarili kong nasambit habang patuloy na hinihimas ang manipis ko pang tiyan.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon