Plan to Get Rid of Miranda

11K 166 7
                                    

Hot aftie guys ito na naman ako rest day kaya naman update update din pag may time, medyo maikli lang ang chapter na ito abangan ang susunod na chapter and babala bawal sa mga bata may mga tema na hindi puwede sa mga kids hehehe

Song is Half Crazy by Freestyle

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 11

-=Ang's POV=-

Nang makauwi kami sa bahay ay agad dumiretso si Tito Andres sa kuwarto nila nang asawa, ni hindi man lang nito nagawang lingunin si Miranda na nagood night dito.

"Pagpasensyahan mo na baka naman masyadong napagod lang." ang paghingi ng paumanhin ni Mom kay Miranda.

"Ok lang po iyon, sige po mauna na muna ako gusto ko lang munang makita si Anthony." pagpapaalam ni Miranda dito at sandali lang nagtama ang mga mata namin at agad na itong umakyat sa second floor para puntahan si Anthony.

"Pasensya na anak ha, hindi naging successful ang pamamasyal natin." ang nahihiyang sinabi ni Mommy ng maiwan na lang kami sa sala.

"Wala po iyon meron pa naman next time , and malay ninyo by that time gising na si Anthony." ang nakangiti kong sinabi dito, agad kong napansin ang biglang paglamlam ng mga mata nito sa narinig.

"Ma naman, kailangan bang malungkot?" paglalambing ko dito sabay yakap ng mahigpit ito na matagal ko na ding hindi nagawa.

"Ti....tingin mo ba Ang magigising pa ang kapatid mo?" kahit hindi ko makita ang itsura nito dahil nakayakap ako sa likod nito ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan nito at ang naging paggaralgal ng boses nito sa sinabi.

"I believe makakayanan to ni Anthony kaya kung si Anthony nga hindi sumusuko tayo pa ba?" ang nakangiti kong sinabi dito nang iharap ko ito sa akin.

"You're right Ang, medyo naiinip lang siguro ako kasi gusto ko nang makitang ngumiti uli si Anthony." ang nakangiti na nitong sinabi.

Hindi na din ako nagtagal at agad na akong dumiretso sa kuwarto ko, ngayong alam na ni Tito Andres ang totoo ay mas mapapadali nang maalis ko sa pamilya namin si MIranda pero bakit ganon may nararamdaman akong sakit sa dibdib ko kapag mangyari ang bagay na iyon.

"The sooner I get rid Miranda from our life the sooner we get bak to our old life." I said to myself habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kuwarto ko, pero alam ko naman na kahit mawala na si Miranda ay hindi na babalik sa dati ang buhay ko.

Nakakagulat dahil kahit ang daming tumatakbo sa isip ko ay nagawa ko pa ding makatulog agad, kaya naman bandang alas cinco ng umaga ay nagising ako, I tried to get back to sleep pero mukhang said na ang antok ko sa katawan kaya naman minabuti ko na lang lumabas ng kuwarto tutal naman Lunes ngayon kaya kailangan ko na ding maghanda papasok, pero bago iyon ay naisipan kong dalawin si Anthony at humingi ng tawad.

Maingat kong pininid ang seradura ng pinto at labis na gulat na sinundan ng matinding galit ang bumalot sa dibdib ko ng makita ko si Miranda na kayakap ang nurse ni Anthony!

Gustong gusto kong sugurin ang dalawa at basagin ang mukha ng nurse na iyon ngunit mabuti na lang at nakapagtimpi ako na imbes na sugudin sila ay nagawa ko pang tahimik na isarado ang pinto.

Agad akong bumalik sa kuwarto ko at agad na pinagbabato ang mga bagay na mahawakan ng kamay ko mabuti na lang talaga at soundproof ang mga kuwarto kaya walang nakakarinig sa pagwawala ko sa kuwarto ko.

Hinihingal naman akong napasandal sa paanan ng kama ko ng mapagod, bahagyang nabawasan ang galit ko sa ginawa kong iyon pero hindi naging sapat iyon para mawala ang galit ko kay Miranda at sa lalaking iyon, paano nilang magawang magtaksil sa mismong kuwarto pa ng kapatid ko at nandoon si Anthony.

Kung noon ay nag-aatubili pa akong gawin ang plano ko ngunit nang dahil sa nakita ko ay wala nang makakapagpigil sa akin.

Nakakagulat din kung paano akong nakakakilos sa harap nila ng tawagin na ako para sa almusal na parang hindi nagpupuyos ang dibdib ko sa galit lalo na nang ngitian ako ni Miranda na para bang hindi ito nagtaksil kani-kanina lang but I managed to form a simple smile.

Parang sapal ang nasa bibig ko ng mga oras na iyon pilit na pilit akong kumakain habang masaya namang nagkukuwento si Mommy ng kung ano ano hanggang mapansin nitong nanatili lang kami ni Tito Andres na tahimik.

"Ano ba naman kayong dalawang lalaki kayo? Bakit sobrang tahimik ninyo naman ata?" nagtatakang tanong nito.

"Wala po may mga bagay kasi kaming kailangan asikasuhin ni Tito Andres sa opisina." ako na ang sumagot dahil natatakot akong baka may hindi magandang masabi si Tito Andres na makakasira ng mga plano ko.

Sandali kaming nagkatitigan nito at kita ko ang acknowledgement nito sa ginawa ko, nagpatuloy ang almusal namin at agad akong tumayo at naglakad pabalik sa kuwarto ko ng finally matapos na din ang almusal naming iyon,  nadinig ko pa ang naging komento ni Mommy na hindi ko na lang pinansin.

Dali dali akong naligo at nagbihis para pumasok sa trabaho nagpaabot pa kami ni Tito Andres sa parking lot.

"I want to to do it tomorrow." seryoso kong sinabi dito na agad naman nitong nakuha, nangako ito na siya na ang bahala para maalis sa bahay sila Mom and Miranda para mainstall ang camera sa kuwarto para magawa namin ang ebidensya na kailangan namin para mapawalang bisa na ang kasal ni Miranda kay Anthony.

I attended meetings, signed documents as if walang patuloy na gumugulo sa isip ko ng mga oras na iyon, I trust Tito Andres na magagawa nito ang mga gusto ko at bandang four pm ng sinabi sa akin ng secretary ko na nasa labas daw si Tito ay agad ko itong pinapasok.

"Everything is set Ang." ang seryoso nitong sinabi sa akin ng maiwan na kami ng secretary ko.

"Thank you Tito Andres how about Mom can you make sure na wala siya sa bahay kapag ginawa ko na ang plano?" tanong ko dito.

"Leave that to me, so I expect na hindi ka makakapasok sa opisina bukas?" tanong nito na sinagot ko lang ng tango, hindi na din ito nagtagal at agad na itong bumalik sa sarili nitong opisina.

Nang makalabas na ito nang opisina ay hindi na ako nakapagfocus sa mga trabaho ko kaya naman tumitig na lang ako sa labas ng bintana ngunit isa lang ang naglalaro sa isipan ko, hindi pa din mawaglit waglit sa akin ang magandang mukha ni MIranda, ang maganda nitong mukha na ginagamit nito para makabingwit ng matatabang isda at isa na nga doon si Anthony.

Lumipas pa ang mga oras na wala na akong nagawang trabaho dahil ang buong isip ko ay ang mangyayari bukas, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, excitement dahil matagal ko nang inamin na may something ako kay Miranda lust most likely, galit ng dahil sa pagiging player nito at pilit ko man iniignore ay nakakaramdam ako ng lungkot.

Finally uwian na hawak ko ang isang bungkos ng rosas para kay Miranda nakalagay na din ang isang sulat doon kung saan sinasabi kong mahal ko na siya kahit mali at hihintayin ko siya sa kuwarto ko at malakas ang kutob ko na pupunta naman ito, mabuti na lang at wala pa sila Mommy at Miranda ng makarating ako kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para mailagay ko ang bulaklak at liham sa kuwarto ni Miranda, at matapos nga non ay agad akong dumiretso sa kuwarto at katulad ng inaasahan ay nakakabit na ang mga camera sa mga tagong lugar sa kuwarto ko, maasahan talaga si Tito Andres, agad ko naman nakita ang note ni Tito Andres telling me where the cameras are located at ayons sa sulat nito ay naayos na din ang computer ko kung saan maaupload ang video namin.

"It's for the better." ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko kahit na nga ba may isang bahagi ng damdamin ko na mali ang gagawin ko kay Miranda.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon