Confession

11.2K 172 1
                                    

Good afternoon guys rest day pa din kaya naman magdadraft na ako ng chapter 10 sana magustuhan ninyo lalo na't litong lito na si Ang sa kung anuba talaga ang nararamdaman niya para kay Miranda.

Song is Biglaan by 6cyclemind

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 10

-=Ang's POV=-

"I like you." 

Ang paulit ulit na tumatakbo sa isip habang nakahiga sa kama ko, hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ang bagay na iyon, kanina pa nga ako nakahiga sa kama ko at ngunit pabaling baling lang ako, patuloy akong naguguluhan sa mga damdamin na nasa dibdib ko, I hate her and yet I can't stop myself from thinking about her.

Bandang alas tres na siguro ako nakatulog kaya naman medyo mainit ang ulo ko nang gisingin ako ng kasambahay dahil pinapatawag dan ako ni Mommy.

"Good morning." pilit ang ngiting binigay ko sa mga taong nasa mesa ng oras na iyon, pinilit kong huwag mapatingin kay Miranda na nakayuko lang.

"Good morning din hijo, I'm really sorry kung nasira namin ang pinaghirapan ninyo ni Miranda." paghingi ng paumanhin ni Mom sa amin.

"That's fine Mom may next time pa naman eh." ang sinabi ko dito, hindi ko na napigilan ang sarili kong sandaling tignan si Miranda na patuloy pa din nakatingin sa ilalim ng mesa nito na para bang may mahalaga itong pinagmamasdan.

"No it's not ok, kaya naman nagdecide kami ni Tito Andres mo na pupunta tayo ngayon sa Tagaytay para naman makapaglibang tayo para man lang bago kayo pumasok bukas ay nakapagrelax na kayo." ang excited na sinabi ni Mom, at sino ba naman ang makakatanggi kung kitang kita mo sa mukha nito ang saya.

Kaya naman matapos mag-almusal ay kanya kanya na kaming pumanhik sa sari-sarili naming kuwarto.

"Miranda......" ang pagtawag ko dito at nagulat na lang ako ng nakangiting mukha ang nakita ko mula dito.

"Yes Ang?" nakangiti nitong tanong na para bang wala itong nararamdaman na pagkailang samantalang kani-kanina lang ay hindi man lang ito makatingin.

"About what I said last night." ang sinabi ko dito ngunit agad nito iyong pinutol na bahagyang nagpainit ng ulo ko.

"You don't have to explain Ang, alam ko naman na nadala ka lang kagabi." ang nakangiti pa din nitong sinabi.

"Damn it Miranda! Alam ko ang sinabi ko at talagang gusto kita." matigas kong sinabi dito at kita ko ang pagguhit ng gulat sa magandang mukha nito.

"Pe...pero asawa ako ng kapatid mo." ang naguguluhan nitong sinabi sa akin.

"And that's what the fuck up in this situation that I'm in, gusto ko ang asawa ng kapatid ko na hindi tama." puno ng hinanakit kong sinabi dito.

Nanatili lang na nakatingin sa akin si Miranda and for some reason nararamdaman kong may gusto itong sabihin na hindi nito masabi sabi.

"Ang, Miranda hindi pa ba kayo maghahanda?" nagulat na lang ako ng marinig ko iyon kay Tito Andres at hindi ko mapigilang kabahan ng makita ko ang nanghihinalang tingin sa akin nito.

Lumipas lang ang wala pang isang oras at handa na ang lahat sa isang araw na pamamasyal namin sa Tagaytay at inabot din kami ng apat na oras kaya naman ng makarating kami sa Tagaytay ay naisipan na naming kumain ng tanghalian sa madalas naming kainan noon.

Halos sila Mom and Tito Andres lang ang nag-uusap samantalang kami naman ni Miranda ay nanatiling tahimik na para bang nagpapakiramdaman, habang kumakain ng mga inorder namin halos paborito ko lahat ang inorder ni Mommy ngunit pakiramdam ko ay wala akong gana pero para hindi na ito mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano ay pinilit ko ang sarili kong kumain.

"So saan ninyo gustong pumunta?" ang tanong ni Tito Andres habang matiim itong nakatitig sa akin, hindi ko nagugustuhan ang mga tingin na binibigay sa akin ni Tito Andres na para bang may bagay itong nahahalata na hindi nito nagugustuhan.

"Siguro pumunta na lang tayo sa skyranch." ang suhestiyon ko sa tanong nito at agad namang sumang-ayon si Mom kaya naman matapos makapagpahinga matapos kumain ay dumiretso na kami sa naturang lugar na iyon pero sa kasamaang palad ay biglang umulan kaya naman hindi kami natuloy nagdecide na lang kaming magtungo sa isang hotel na malapit para sana magpatila ng ulan.

"Mukhang hindi pa agad titila ang ulan kaya mabuti pang kumuha na muna tayo ng kuwarto." ang sinabi ni Mommy sa amin ngunit sa kasamaang palad ay dalawang kuwarto lang ang available.

"Mabuti pa hon kayo na ni Miranda ang magsama sa isang kuwarto at kami naman ni Ang ang magkasama." ang nakangiting sinabi ni Tito Andres sa asawa ngunit nararamdaman ko na kakausapin ako nito.

Kaya naman sabay sabay na kaming dumiretso sa kanya kanya naming mga kuwarto na sakto naman na nasa parehong floor.

Pagkasaradong pagkasarado ko pa lang ng pinto ay narinig ko na agad ang isang mahabang buntung hininga mula kay Tito Andres.

"Akala mo ba hindi ko nahahalata ang pagtitinginan ninyo ni Miranda?" ang naiiling nitong tanong sa akin ng tuluyan na akong makaharap dito.

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin Tito Andres." I tried to act innocent pero hindi man lang ako makatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Don't take me as a fool Ang, alam mo ang ibig kong sabihin, may gusto ka sa asawa ng kapatid mo! May gusto ka kay Miranda!" hindi na nito napigilan ang hindi sumigaw habang sinasabi ang bagay na iyon.

It's my turn to take a deep breath bago ako magsimulang magpaliwanag dito.

"Wala akong gusto kay Miranda." ang sinabi ko dito at pakiramdam ko ay tumututol ang puso ko sa sinabi kong iyon.

"Then how can you explain the looks that you gave Miranda and I already talked to my secretary and she told me na ikaw daw ang kumuha ng invitation na pinabigay ni Secretary Casimiro, at isa lang ang ibig sabihin non, sinet up mo ang lahat." I can hear disappointment in his voice habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Ang dahilan kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito ay dahil gusto kong mahiwalay siya sa kapatid ko." seryoso kong sinabi dito at kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nito sa narinig.

"Ganoon mo ba kamahal si Miranda na gagawin mo ang lahat para maagaw mo ang asawa ni Anthony?" hindi makapaniwala nitong tanong.

"Nagkakamali ka Tito Andres, hindi ko mahal si Miranda pero mahal ko ang kapatid ko, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kapakanan ni Anthony, gusto ko siyang ilayo kay Miranda dahil hindi nababagay ang isang tulad ni Miranda kay Anthony." paliwanag ko dito.

"Hindi pa din kita maintindihan Ang." ang naguguluhan nitong sinabi.

"Nakita ko kung paano pagtaksilan ni Miranda si Anthony, I saw her with another guy at kung makita mo lang ang closeness nila." paliwanag ko dito.

"Pero baka naman kaibigan lang niya ang lalaking iyon." todo pagtanggi pa din nito, parang hindi nito matanggap na ang pretty miss perfect niyang daughter in law ay kayang gawin ang bagay na iyon.

"I'm not sure kung nasabi na ba sayo ni Anthony ang tungkol sa apat na beses nang pagpapakasal ni Miranda?" tanong ko dito at kita ko ang pamimilog ng mga mata nito sa narinig.

Habang kinukuwento ko ang mga bagay na alam ko ay nakikita kong unti unti na itong nakukumbinsi sa plano ko.

"So how can you prove na nagtataksil nga si Miranda kapag umabot na tayo sa korte?" tanong naman nito matapos kong ipaliwanag ang mga dapat nitong malaman.

"I'm planning to capture it on video." ang sigurado kong sinabi dito at para magwork ito kailangan ko ng tulong nito para maisakatuparan ko ang balak ko.

Sandali lang kaming nagpahinga at bandang alas cinco na nang hapon ng tumila ang ulan kaya napagdesisyunan na lang naming pamilya na umuwi na lang para makapagpahinga.

Habang nasa loob ng kotse ay hindi na umiimik si Tito Andres matapos nitong malaman ang tunay na pagkatao ni Miranda.

"Ok lang po ba kayo?" ang tanong ni Miranda kay Tito Andres.

'Ok lang ako." ang malamig nitong sagot sa manugang hindi na din nagtanong pa si Miranda at tinuon na lang ang atensyon sa mga nadadaanan namin.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon